PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Mel Tiangco reacts to Iya Villania's fifth pregnancy

Iya Villania and Drew Arellano's baby No. 5 is coming.
by Khryzztine Joy Baylon
Published Sep 5, 2024
Mel Tiangco reacts to Iya Villania's fifth pregnancy
Mel Tiangco (right) to Iya Villania's (left) fifth pregnancy: "Welcome back from your two-day vacation. Ha? Tapos may baby nang dala at pang-lima? Ano ba yun, Drew? Ngayon lang ako nakarinig ng ganyan, ha?"
PHOTO/S: Screengrab @GMA Network

Extra special ang pagbabalik ng TV host-actress na si Iya Villania sa 24 Oras nitong Miyerkules, September 4, 2024, matapos niyang mamahinga at magbakasyon.

Naging mainit ang pagsalubong sa kanya ng mga kasamahan niya sa GMA-7 news program na sina Mel Tiangco, Pia Arcangel, at Emil Sumangil dahil sa balitang nagdadalantao si Iya sa ikalima nilang anak ng asawang si Drew Arellano.

Nitong September 4, nag-post si Iya sa Instagram para isapubliko ang bagong blessing na paparating sa kanilang pamilya.

Read: Drew Arellano, Iya Villania expecting baby No. 5

Ngunit kalakip ng pagbati ng mga kasamahan niyang 24 Oras anchors ay ang panunukso ng mga ito, partikular na si Mel.

Sa closing spiels ng news program, pahaging na tinukso ni Mel si Iya sa muli nitong pagbubuntis.

Aniya, "Uy, welcome back from your two-day vacation. Ha? Tapos may baby nang dala at panglima?

"Ano ba yun, Drew? Ngayon lang ako nakarinig ng ganyan, ha?"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Iya Villania worries over breast discomfort: "Engorgement or mastitis?"

Dahil sa reaksiyon na ito ni Mel ay hindi napigilang mapahagikhik sa tawa ni Iya, gayundin nina Pia at Emil.

Mel Tiangco reacts to Iya Villania's fifth pregnancy
Iya Villania (left) and Mel Tiangco (right)
Photo/s: Screengrab @GMA Network

Sagot ni Iya kay Mel, "Huwag mo na akong pagalitan, Tita.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Ay naku! Pero last na talaga. Last na talaga! We're a growing family."

Read: Iya Villania laughs off speculations she’s pregnant with baby no. 5

Natatawang saad naman sa kanya ni Mel, "Growing and growing and growing and growing!

"Congratulations. I'm so happy for you."

NETIZENS' REACTION TO iya's pregnancy

Kung si Mel ay nagulat, may ilan namang netizens ang nasanay na lang sa halos taun-taon daw na pagbubuntis ni Iya.

Komento ng isan netizen (published as is), "Masanay ka na miss Mel, ganyan talaga kapag walang biyahe si Drew."

Mel Tiangco reacts to Iya Villania's fifth pregnancy
Photo/s: Screengrab @Facebook
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Sabi pa ng isa (published as is), "Nag isang Anak lang yata c Drew kaya gusto nya maraming anak para my mga kapatid mga anak nya, Congrats drew iba ang AHA."

Mel Tiangco reacts to Iya Villania's fifth pregnancy
Photo/s: Screengrab @Facebook

Dagdag pa ng isa (published as is), "Soon to maternal leave na naman hehe kakabalik lang."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Mel Tiangco reacts to Iya Villania's fifth pregnancy
Photo/s: Screengrab @Facebook

DREW'S PLAN TO GET A VASECTOMY

Noong June 29, 2023, sa panayam nina Drew at Iya sa Fast Talk With Boy Abunda ay ibinunyag ng mag-asawa ang plano nilang pagpapa-vasectomy para hindi na muling masundan ang bunso nilang si Astro.

Ang vasectomy ay isang minor surgical procedure na isinasagawa sa mga lalaki para pigilan ang sperm cell na maabot at ma-fertilize ang egg cell upang mapigilan ang pagbubuntis ng babae.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Drew Arellano hints at having vasectomy after four kids: "Okay na, we’re good."

February 2014 nang ikasal sina Iya at Drew.

Sa ngayon ay apat na ang anak nina Iya at Drew—sina Antonio Primo, 7; Alonzo Leon, 5; Alana Lauren, 3, at Astro Phoenix, 2.

Read: How Iya Villania manages to have four children without needing more yayas

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Mel Tiangco (right) to Iya Villania's (left) fifth pregnancy: "Welcome back from your two-day vacation. Ha? Tapos may baby nang dala at pang-lima? Ano ba yun, Drew? Ngayon lang ako nakarinig ng ganyan, ha?"
PHOTO/S: Screengrab @GMA Network
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results