Inamin nina Kathryn Bernardo at Alden Richards na dahil sa upcoming movie nilang Hello, Love, Again kaya mas lalo silang naging malapit sa isa’t isa.
Kumpara noong 2019 sa Hello, Love, Goodbye, ngayon daw sa Hello, Love, Again ay mas nakilala pa nilang dalawa ang bawat isa.

Sa ginanap na grand mediacon ng Hello, Love, Again nitong Huwebes, October 17, 2024, muling binalikan nina Kathryn at Alden ang una nilang pagtatagpo at kung ano ang first impresion nila noon sa isa't isa.
Read: Alden Richards, love daw ng Mommy Min ni Kathryn Bernardo
Pagbabahagi ni Alden: "Nagkikita na rin kami noon ni Kath sa mga events and we just say hi and hello or just wave and beso lang, parang ganun lang.
"But the first time na nakausap ko siya and we had a longer time together was when Hello, Love, Goodbye was brought to the table. Dito yun sa may restaurant sa ABS-CBN.
"Ang first impression ko sa kanya is sobrang gaan niya kasama. No effort na kailangan may gawin ka to be friends with her.
"As we did Hello, Love, Goodbye, medyo iba lang ang setup noon, and so we also got the time to talk to each other during the promotion.
"Pandemic came and the movie was finished in 2019. So, nakilala ko na siya and we had a deeper understanding with each other."
Read: VIRAL: Kathryn Bernardo and Alden Richards' kilig moments at house blessing
Sa pangalawang beses na pagsasama ng dalawa, nakita at napatunayan na raw ni Alden ang husay ni Kathryn, mapa-trabaho man o personal, at alam na rin niya ang mga hilig nito.
Aniya, "Isa sa magandang qualities ni Kath is alam niya ang mga bagay na seseryosohin niya at mga bagay na light lang.
"Working with her, I've seen how Kath has matured and become the lady she is now."
Dagdag pa niya, "Alam ko na rin na mahilig yan si Kath kumain ng anything. Kung mayroon kaming pinagkakasunduan, it's always food. Dinadalhan niya ako ng food sa set.
"Basta may pagkain, nandoon kami sa pantry. Pagdating namin sa set, food kaagad ang hinahanap namin."
KATHRYN ON HER DEEPER FRIENDSHIP WITH ALDEN
Katulad ni Alden, malinaw pa rin sa alaala ni Kathryn ang unang beses na nakita niya nang personal si Alden.
Dahil galing si Alden sa kabilang network, sa GMA-7, hindi raw inasahan ni Kathryn na mabilis niyang makakapalagayan ng loob ang Kapuso actor.
Kuwento niya, "I think our first hello namin was in front of ABS-CBN. Yung yung formally na introduce kami. Naka-tuck in pa siya noon, naka-floral top.
"Yun ang first time na nagkakilala talaga kami. My first impression about Alden is that he is approachable.
"Usually, may normal awkwardness naman every time you meet someone na bago lalo na kapag magkaibang network kayo.
"Hindi naman instantly chumika na agad ako sa kanya. But I think hindi ako naging hesitant sa kanya masyado because alam ko na I can talk to him, especially ngayon."
Read: Kathryn Bernardo, Alden Richards set social media ablaze with kilig videos
Ayon pa kay Kathrynn, matapos nilang gawin ang blockbuster movie na Hello, Love, Goodbye noong 2019 ay nagtuluy-tuloy lamang ang magandang ugnayan nila ni Alden.
Sa lahat ng kanilang pinagdaanan, isa raw ang hindi nagbago sa relasyong nabuo nila—ang kanilang pagkakaibigan.
Sa katunayan, mas lalo pa raw itong tumibay sa paglipas ng panahon.
Kunsaan may mga bagay na silang napag-uusapan ngayon na dati ay hindi naman nila napagkukuwentuhan.
Saad ni Kathryn: "Through the years, after Hello, Love, Goodbye, we have maintained our friendship.
"The big change that happened was friendship. Before, meron kaming mga bagay na hindi puwedeng pag-usapan about life and random things.
"Now, it's easy to talk to this guy. You can speak to him if you want to have a serious conversation.
"It's a good foundation because the trust is there. There's openness. We got to know each other."
Read: Alden Richards, love daw ng Mommy Min ni Kathryn Bernardo
IS ALDEN STILL COURTING KATHRYN?
Matagal nang bulung-bulungan ang relasyon nina Kathryn at Alden na sinasabing higit pa umano sa pagkakaibigan ang turingan nila sa isa't isa.
Ito'y dahil sa madalas nila noong pagkikita matapos mahiwalay ni Kathryn sa long-time boyfriend nitong si Daniel Padilla.
Read: Pamilya ni Kathryn Bernardo, mas boto kay Alden Richards sa mga manliligaw ng aktres?
Ayon sa nakalap na impormasyon ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong April 2024, walang kinalaman sa trabaho ang private parties ni Kathryn na dinaluhan ni Alden, at makikita roong nag-e-enjoy ang mga ito sa company ng isa't isa na labis namang ikinatutuwa ng fans nilang KathDen.
Read: WHAT PEP KNOWS: Kathryn Bernardo wooed by Alden Richards, Jericho Rosales, Donny Pangilinan?
Habang isinusulat ang artikulong ito ay wala pang direktang pag-amin si Alden kung may katotohanan nga ba na nililigawan niya si Kathryn.
