Nakuhaan ng video ng isang netizen ang aktor na si John Estrada na may kasamang babae sa isang bar.
In-upload ng netizen ang Reel sa Facebook kahapon, November 1, 2024.
Meron na itong 3.1 million views ngayong araw, November 2. 2024.

Makikita sa unang bahagi ng video na nakaakbay si John sa hindi pa nakilalang babae habang palabas sila ng bar.

Sa isang bahagi, makikita naman silang relax lang sa loob habang nakatingin sa cellphone.

Hindi naman malinaw kung kailan kuha ang video or kung bago ba ito.
Sabi sa caption ng uploader (published as is), "Mag chill mo na dw si rigor lena. #everyonehighlightsfollowers #everyone #fyp #viral #fbreelsfyp #fypviral #fbreelsviral #trendingreel #fyp #trendingnow #TeamAlmaLakas #powerhugnibolerongtapat"
Naka-overlay naman sa video ang ganitong text: "Pakisabi ky marites at Lena mamaya Pa daw uwi si rigor"
Sina Lena (Mercedes Cabral) at Marites (Cherry Pie Picache) ang kasama ni Rigor (karakter ni John) sa FPJ’s Batang Quiapo.
Sa kuwento ng teleserye, si Marites ay asawa ni Rigor, habang si Lena ay kabit niya.
Read: Priscilla Meirelles talks about blended family with John Estrada
NETIZENS REACT TO JOHN ESTRADA SIGHTINGS
Umani rin ng maraming comments ang Reel. Karamihan sa kanila ay hindi pabor kay John, yung iba ay tila may hugot.
Narito ang ilan sa kanilang mga komento:
"Tumatandang walang pinagkatandaan.May Kilala akong ganyan."

"feeling binata ang lolo"
"Sakit nya na yan jusko naka ilang matitinong babae na syA..
"Hahahah pag tanda nyan saka nya maiisip yan....nakakahiya sa mga anak nyang babae...."
"Bakit ba may mga ganitong klase ng lalaki"

May mga nagandahan naman sa babaeng kasama ni John.
"ang ganda ng bagong partner niya"

"Grabe Ganda ng babae n rigor baka mag selos c Lena tska c marites"

Wala namang nakakilala kung sino ang babaeng kasama ni John.
PRISCILLA MEIRELLES-JOHN ESTRADA MARITAL PROBLEM
Nagsimulang nagkaroon ng alingasngas na may problema si John at ang asawang si Priscilla Meirelles matapos pag-usapan online ang komento ng Brazillian beauty queen sa isang Instagram post ni John noong July 14, 2024.
Kuha ito sa Boracay. Ipinapakita ni John sa post ang hotel na tinutuluyan. Aniya sa caption: "What an awesome place."
Sa comments section, may netizen na pabirong nagtanong kung sino kina Lena at Marites ang kasama ni Rigor, mga karakter ng tatlo sa FPJ’s Batang Quiapo.
Ikinagulat ng marami ang sagot ni Priscilla.
Imbes na makisakay siya sa biruan ng netizens, ibinuking ni Priscilla hindi si Lena o Marites ang kasama ni John.
Isang babae nagngangalang "Lily Hallman" ang wari'y pasarkastikong binanggit ni Priscilla.
May dagdag pang sinabi si Priscilla na lalong ikinaintriga ng netizens.
Aniya, "Looking very divorced Mr. Estrada."
Naka-tag rito ang IG user na may account name na Lily Hallman.
Marami ang napatanong kung sino si "Lily Hallman" na tinukoy ni Priscilla.
Dahil rin sa comment ni Priscilla, nahinuhang dumaraan na naman sa pagsubok ang relasyon ng mag-asawa.
Binura ni John Estrada ang mga comments sa kanyang Instagram post kasama ang comment ng asawa niyang si Priscilla.
Pagkatapos ay in-off niya ang comments section.
Read: Priscilla, ibinuking kung sino ang kasama ni John sa Boracay
JOHN ESTRADA CONFIRMS PROBLEM IN A STATEMENT
Two days later, isiniwalat ni John ang estado ng marriage nila ni Priscilla.
Sa pamamagitan ng official statement na ibinahagi niya sa social media noong July 16, 2024, sinabi ng aktor na medyo may katagalan na mula nang nagkasundo sila ng Brazilian wife "to take a break" sa kanilang pagsasama.
Ayon pa kay John, may malalim na dahilan ang desisyon nilang ito ni Priscilla, ngunit ang pinakahuling bagay na gugustuhin niya ay saktan ang mga taong mahal niya.
Narito ang kabuuang pahayag ni John:
"Priscilla and I have mutually agreed to take a break for quite some time now. There's more to the story but the last thing I want to do is to hurt the people I love.
"I want to make it clear that I am not in a relationship with Lily Hallman or any woman for that matter. I just met her in Boracay.
"I had a short break from work and felt the need for a breather.
"This is a private family matter that's why I ask for privacy as we deal with this. Thank you!"
Read: John Estrada confirms marital issue with Priscilla Meirelles
PRISCILLA MEIRELLES CONTRADICTS HUSBAND'S STATEMENT
Kinontra ni Priscilla ang pahayag ng asawang si John na may "mutual agreement" sila kaugnay ng paghihiwalay nila.
Ayon kay Priscilla, labis niyang ikinagulat at nasiraan siya ng loob matapos mabasa ang statement ng aktor.
Dagdag ni Priscilla, kasal sila ni John nang umalis siya ng Pilipinas at nagbakasyon pansamantala sa Brazil.
At nananatili silang kasal hanggang sa oras na ito.
Sumang-ayon naman siya sa pahayag ni John na may malalim pang dahilan sa likod ng pinagdaraanan nila, at hindi pa raw ito ang tamang panahon upang talakayin ang mga detalye.
Narito ang buong pahayag ni Priscilla:
"To clarify, there was never any mutual agreement regarding our separation. We were married when I left the Philippines, and we remain married as of this time.
"While there is indeed more to this story, it is not the appropriate time to delve into those details. Regardless of what those may be, however, it won't change the course of faith.
"I appreciate your constant support, kindness, and love during this difficult time. I trust that, in due course, all will be resolved appropriately.
"Thank you for your understanding.
"Priscilla Meirelles"
Read: Priscilla Meirelles reacts to husband John Estrada's statement
JOHN AND PRISCILLA SPOTTED TOGETHER LAST SEPTEMBER 2024
Huling namataang magkasama ang dalawa sa Singapore para sa F1 Singapore Grand Prix 2024 noong September 20, 2024.
Pero, hindi sila nakuhanang magkasama sa iisang larawan.
Kanya-kanya silang post na magkahiwalay.
Kaya naman tanong ng isang netizen, "Just curious, why are u not beside with your husband John Estrada?"
Hindi ito sinagot ni Priscilla.
Ang ibang netizens ang nagkomento na nagkaroon ng problema sa pagsasama ng dalawa noong mga nakaraang buwan.
Komento ng isa, "Are you happier now without John? I remember this time last year you guys attended this race together. I hope that you are happier."
Isa namang netizen ang sumagot sa nasabing tanong.
Sabi nito, "magkasama po sila nakita ko isang post nya sa FB kanina lang kasama si john"
Ang tinutukoy nitong post ay mula kay Aubrey Miles, na kasama rin nina John at Priscilla sa Singapore.
Sa isang larawan, makikitang magkasama sila sa loob ng isang sasakyan.
Sumagot si Priscilla sa netizen.
Ayon sa kanya, "work lang Po. Thanks for understanding."
Read: Priscilla Meirelles and John Estrada spotted in Singapore
