Kinontra ni Priscilla Meirelles ang pahayag ng asawang si John Estrada na may "mutual agreement" sila kaugnay ng kanilang paghihiwalay.
Ayon sa Brazilian beauty queen, labis niyang ikinagulat at nasiraan siya ng loob matapos mabasa ang statement ng aktor.
Sa inilabas na statement ni John nitong Martes ng gabi, Hulyo 16, 2024, sinabi niyang maayos nilang napagkasunduan ni Priscilla "to take a break" mula sa kanilang pagsasama.
Read: John Estrada confirms marital issue with Priscilla Meirelles
Makalipas ang ilang oras, si Priscilla naman ang naglabas ng kanyang statement, sa pamamagitan din ng social media.
Dito ay mariin niyang sinabi, "To clarify, there was never any mutual agreement regarding our separation."
Ayon pa kay Priscilla, kasal sila ni John nang umalis siya ng Pilipinas at nananatili silang kasal hanggang sa oras na ito.
Bagamat sumang-ayon siya sa pahayag ni John na may malalim pang dahilan sa kuwentong ito, hindi pa raw ito ang tamang panahon upang talakayin ang mga detalye nito.
Pero anuman ito, hindi na raw magbabago ang patutunguhan ng kanilang pagsasama.
Sa huli ay nagpasalamat si Priscilla sa mga nagpaabot ng kanilang "constant support, kindness, and love" sa mabigat na pinagdaraanan niya ngayon.
Umaasa raw siyang mareresolba ang lahat sa tamang panahon.
Hindi naman nagbigay ng reaksiyon si Priscilla sa pagtanggi ni John na may namamagitan sa kanila ni Lily Hallman.
Si Lily ang babaeng nakitang kasama ng aktor sa Boracay.
Read: Priscilla, ibinuking kung sino ang kasama ni John sa Boracay
PRISCILLA MEIRELLES'S FULL STATEMENT
Narito ang buong pahayag ni Priscilla:
"To clarify, there was never any mutual agreement regarding our separation. We were married when I left the Philippines, and we remain married as of this time.
"While there is indeed more to this story, it is not the appropriate time to delve into those details. Regardless of what those may be, however, it won't change the course of faith.
"I appreciate your constant support, kindness, and love during this difficult time. I trust that, in due course, all will be resolved appropriately.
"Thank you for your understanding.
"Priscilla Meirelles"

PRISCILLA MEIRELLES FACEBOOK LIVE
Nitong Lunes, July 15, nag-post si Priscilla sa kanyang Instagram account ng kuha niya sa loob ng eroplano at sa airport kasama ang anak nila ni John.
Caption ni Priscilla: “What’s next?! [Brazil flag at airplane na emoji].”
Nasa hashtag nito ang Brazil at ang lungsod ng Manaus sa Brazil.
Nasa hashtag din ang #familyvacay at #vacay2024.
Kasunod ito ng pagla-live niya sa Facebook para maglabas ng saloobin sa hindi nila pagkakaunawaan ni John.
Inamin ni Priscilla na nagtungo siya sa Brazil para makapag-isip-isip.
Saad niya sa livestream: "I'm just so blessed I'm able to do that all the way here in Brazil and in the U.S.
"Because sometimes it's better for you to take yourself out of the situation.
"So that you can think clearly, so that you can do the things that you need to do with a clear mind and heart."
Sa gitna ng pagla-live ni Priscilla, may isang netizen na diretsong nagtanong kung may third party sa isyu nilang mag-asawa.
Sabi ng netizen, "Idol, may new na naman ba si John? Grabe naman, napakaganda mo na para maghanap pa ng iba."
Mabilis naman ditong nag-react si Priscilla, "Ay, ano ba to? Nako po, ganun talaga ang buhay."
Waring nadulas na hirit niya, "Wala naman, wala, e... wala pa namang divorce sa Pilipinas, di ba?"
Sabay bawi rin niya, "Joke lang, guys. Basta ang gusto kong sabihin is that konting respect lang."

PRISCILLA: "I HAD ENOUGH"
Hindi binanggit ni Priscilla sa livestream ang pasarkastikong hirit niya sa comments section na may ibang babaeng kasama si John.
Pero mahihinuhang may kinalaman sa problema nilang mag-asawa ang gusto niyang tumbukin sa kanyang livestream.
Mabigat ang hirit niya na waring sumagi sa isip niya ang "divorce," kahit pa sabihing binawi niya rin ito.
Katuwiran naman ni Priscilla, mapagpasensiya at mapagpatawad siya sa taong karapat-dapat bigyan ng second chance.
Ngunit dumarating daw talaga sa puntong masasagad siya.
Sabi niya: "I'm a very patient [person]. I'm very kind. I'm a very forgiving person.
"But until the limit. When I get to my limit, I'm sorry.
"I don't think I'm the best person for you to fight.
"Because, you know, the nicest people, they turn to be the most dangerous people.
"Because when we give our best and we get to the limit of the abuse of certain people, we know we just throw, we don't care anymore."
Idiniin din ni Priscilla na may mga pagkakamaling hindi puwedeng basta na lang palampasin.
Aniya, "I think when you do things, you need to be very careful about the consequences of the things that you do in life.
"We're all grown-ups, right? We're grown-up. We're all adults.
"Everything that you do, there is a consequence. And I refuse to let it pass anything from this point onwards.
"So, that's basically who I am."
Mahihinuhang alam ni Priscilla na maaari siyang mapulaan sa pagsisiwalat niya ng pribadong bagay sa kanyang buhay.
Pero nakikita raw niya na ito ang tamang gawin.
"Sometimes you just want to just to tell, to help with everything, you know...
"I had enough.
"Maybe I'm in my time that I said, I need to say, I had enough. Right?
"I have a voice. I had enough," saad ng Brazilian beauty queen.
HOPING FOR UNDERSTANDING
Tila umapela pa si Priscilla na maintindihan siya sa kanyang pinagdaraanan.
Dagdag na pahayag niya: "I want to also remind everyone that, you know, things that you see in social media, they don't seem to, they're not always true to life.
"I hope you guys understand that being a celebrity, sometimes, you know, we go through things and you do things and you do for the well-being of everyone.
"But it does not reflect who you are as a person. It does not reflect what you have in your heart."
Read: Priscilla Meirelles responds to netizen calling her John Estrada's "second wife"
Sa huli, may mensaheng iniwan si Priscilla sa kanyang mga tagasuporta.
"I just want to wish you all the very best. Please, do remember and remind yourself to be always kind to everyone.
"We don't know the battles that other people are going through. We are mere spectators in social media.
"We don't know what [people are] going through. We just see what people want us to see.
"Today is a new day. Tomorrow is an even newer day and life goes on."
Samantala, hindi ito ang unang beses na mapabalitang may pinagdaraanan ang relasyon nina John at Priscilla.
March 2023 nang magparinig si Priscilla sa mga babaeng dumidikit sa lalaking may asawa.
Read: Why is Priscilla Meirelles asking what to call a woman who entertains a married guy?
April 2023 nang inanunsiyo ni Priscilla na pinili niyang magkaayos sila ni John dahil parte raw ng buhay ang mga di pagkakaunawaan.
Read: Priscilla Meirelles says she and John Estrada decide to "fix the light" amid marital issues
Additional texts: Khryzztine Joy Baylon
