PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Pokwang calls for help after losing PHP85K on GCash

GCash issues statement after users reported unauthorized withdrawals.
by Khryzztine Joy Baylon
Published Nov 9, 2024
pokwang gcash
Pokwang breaks into tears after realizing that PHP85,000 had been stolen from her GCash account
PHOTO/S: Instagram

Hindi napigilang mapahagulgol sa iyak ng comedienne-TV host na si Pokwang nang isapubliko niya ang pagkawala ng kanyang pera sa mobile wallet na GCash.

Sa Instagram Live ni Pokwang nitong Sabado, November 9, 2024, emosyunal niyang ibinahagi ang pagkalimas ng halos PHP85,000 niyang pera sa GCash na hindi nila namamalayan.

Pokwang calls for help after loses PHP85K in GCash
Photo/s: Screengrab on TikTok
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kita raw ito sa kanyang gourmet business, kaya ganoon na lamang ang kanyang panghihinayang na nawala ito na parang bula.

Umiiyak niyang saad sa kanyang IG Live: "Binalik ko po yung negosyo na mag-isa, ibinangon ko po ulit mag-isa. May mga kaibigan po akong tumulong, nagpahiram po sa akin ng pera.

"Binangon ko po yung negosyo, ang ganda po kasi nakakabalik po ako paunti-unti. Nakakapagbigay po ako ng trabaho sa mga single mom.

"[Pero] yung pinagpaguran mo, yung naipon mo, pagkagising mo isang araw wala na."

Read: Pokwang addresses people who are "diring-diri" of sardines

Kalakip nito ang apela ni Pokwang sa pamunuan ng GCash para matulungan siyang maibalik ang perang nawala sa kanya.

Aniya, "GCash baka naman may magawa kayo, nasimot po yung pera namin, nasimot po yung pinagpaguran namin. Kasama po doon yung pagpasuweldo sa mga tao."

Read: Pokwang wins deportation case vs. Lee O’Brian: “Justice served”

Isa pa sa ipinagtataka ng TiktoClock host, tatlumpung numero raw ang pinagpasahan ng PHP85,000 niya nang hindi man lang sila nakakatunog.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Pokwang calls for help after loses PHP85K in GCash
Photo/s: Screengrab on TikTok

Wala raw kasi silang natanggap na one-time password (OTP) sa cellphone na ipinadadala at standard operating procedure ng GCash para sa bawat transaksiyon ng lahat ng kanilang subscribers.

Saad ni Pokwang: "Ano pong nangyari doon sa registered SIM natin na policy ngayon? Ang dami pong transaksiyon na nangyari, tatlumpung transaksiyon po, iba-ibang number.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Inubos po yung laman ng GCash ng anak ko, kunsaan po pumapasok yung mga bayad po sa order.

"Nakakalungkot lang kasi lumalaban ka nang patas, naghahanapbuhay ka tapos may mga taong ganyan [mapagsamantala]."

POKWANG: "pati ba naman dito naisahan pa rin ako?"

Matapos mag-Live ay nag-post din si Instagram si Pokwang para ihayag ang kanyang pagkadismaya sa nangyari.

Sa kanyang post, makikita ang screenshot ng mga nagawang transaksiyon sa kanilang GCash account na tinangayan ng malaking mahalaga.

Read: Pokwang reacts to deportation of ex-partner Lee O'Brian

Mababasa sa caption ni Pokwang (published as is): "Naghahanap buhay po ako ng marangal nagbibigay po ako ng hanap buhay sa mga single mom, tapos isang umaga pagka gising mo simot ang laman ng GCASH accnt???

"ibat ibang number na hindi naka rehistro halos nasa 30 numero na hindi naka rehistro!!! ano nangyare sa registered sim policy ngayon?

"nakakaiyak binangon ko mag isa ang negosyong pinabayaan ng taong inasahan ko pinag katiwalaan ko pati ba naman dito naisahan parin ako?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"nakakaiyak talaga sana naman @gcashofficial tulungan nyo mga kagaya kong naghahanap buhay ng patas at nagbibigay ng hanap buhay din."

mobile wallet app GCash trends on X

Samantala, bukod kay Pokwang, may ilang netizens din ang nagbahagi ng parehas nilang karanasan sa biglaang pagkawala ng kanilang mga pera sa GCash.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa X (dating Twitter), trending ngayon ang "GCash" sa dami ng mga user nitong nagrereklamo rin.

GCash

Post ng isang netizen (published as is): "SCAM ALERT I lost 4k php worth of money just because of a GCash scam. Please help me report these numbers. I was saving some of them for my tuition and our immersion to Manila on May, in hopes that I could be of less burden to my parents."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Panawagan ng isa, "@gcashofficial someone stole my money from my gcash account. What’s going on? Don’t take me to your ticket system, reply here!!!"

Saad pa ng isa, "Woke up this early with a heavy heart is an understatement! @gcashofficial I'm furious! Never used Gcash yesterday. No OTP, no transaction message received! My 6k gone swiftly! What to do? Ano na Gcash?"

Dagdag pa ng isa, "Sobrang hirap na mag tiwala ngayon sa gcash grabe. I lost 4k in just a few seconds. Please ibalik nyo na ang pera namin!! #Gcash tapos ang update nila within 4hrs pa maibabalik."

GCash issues statement

Sa dami ng apektado at mga nagrereklamo, naglabas ng opisyal na pahayag ang GCash.

Ayon sa pamunuan ng GCash, hindi kailangang mangamba ng ilang users na mawawala rin ang kanilang pera dahil inaayos na raw nila ito ngayon.

Narito ang kanilang pahayag:

Pokwang calls for help after loses PHP85K on GCash
Photo/s: Screengrab @X
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Chad Kinis, kinontak agad ng taga-GCash matapos umapela dahil sa unauthorized transactions

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Pokwang breaks into tears after realizing that PHP85,000 had been stolen from her GCash account
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results