PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

How pandesal brought Anjo Pertierra closer to Unang Hirit family

"Intimidated po ako sa kanilang lahat dati."
by Rommel Gonzales
Published Dec 5, 2024
Anjo Pertierra of Unang Hirit
Anjo Pertierra initially described himself as "timid" when he first joined Unang Hirit. However, sharing pandesal helped him break the ice and bond with the show's hosts.
PHOTO/S: @anjopertierra on Instagram

Baguhan pa lamang ang guwapong weather reporter na si Anjo Pertierra kumpara sa mga kasamahan niya sa Unang Hirit.

Last year lamang siya naging bahagi ng early-morning show, na magseselebra ng 25 years nito sa December 6, 2024.

Pero makikita ang rapport niya sa iba pang hosts na sina Arnold Clavio, Susan Enriquez, Lyn Ching, Ivan Mayrina, Suzi Entrata-Abrera, at iba pa.

unang hirit billboard on GMA Network Center
Unang Hirit's billboard on GMA Network Center
Photo/s: @anjopertierra on Instagram
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Meet Anjo Pertierra, the weather reporter who is taking TV by storm

Bungad na kuwento ni Anjo, “Ito po yung istorya, the first two weeks na pagpasok ko po sa Unang Hirit, I was very timid.

“Meron po akong certain place na tinatambayan lang kasi intimidated po ako sa kanilang lahat dati.

“Kasi nga napapanood ko lang sila, parang idol lang sila ng mga parents ko, so parang ako, ‘Oh my God, katrabaho ko na sila!’

“So hiyang-hiya pa ako.

“So ang pinang-lure po nila sa akin, sila po talaga ang may gawa nito, si Daddy Igan [Arnold], bumili siya ng pandesal!

“Tapos simula ng araw na nakakain ako ng pandesal, araw-araw na po iyon, unti-unti na akong pumapasok sa circle, nakakakuwentuhan ko na sila, nakakakumustahan ko na sila.

"Doon po talaga nagsimula, sa simpleng pandesal na yun."

Anjo Pertierra on Unang Hirit family

Bukod sa pandesal, mababait daw ang mga kasamahan niya.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Sa pagpapatuloy ni Anjo, “Tapos yung rapport namin, surprisingly, hindi po sila mahirap pakisamahan.

"Bawat isa po ng host ng Unang Hirit, sobrang babait po nila, sobrang professional.

“At saka parang pamilya po kami, ito pong samahan namin, on and off cam ganito po kami, as in matibay po kami kaya sobrang pasalamat ko po na sobrang sarap po nilang kasama.”

Nakausap ng Philippine Entertainment Portal (PEP.ph) si Anjo noong Martes, November 26, 2024, sa Gateway 2 Mall, kung saan ginanap ang mediacon para 25th anniversary ng Unang Hirit.

Anjo Pertierra on WEATEHR REPORTS

At dahil challenging ang trabaho niya lalo na tuwing rainy season, paano niya nagagawang mas madali o mas simpleng maintindihan ng mga tao ang kanyang weather report?

Anjo Pertierra in action
Photo/s: @anjopertierra on Instagram
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sagot ng binata, “Ngayon po kasi… dati nung nanonood ako ng weather , idol ko po si Man Tani talaga,” pagtukoy ni Anjo sa dating resident weather reporter ng GMA, ang meteorologist na si Nathaniel Cruz.

Pagpapatuloy pa ni Anjo, “Pero ang napansin ko kasi dati, yung may mga words na malalim, e, mga matalinhaga.

“So ngayon, ang atake ho namin ngayon, yung maiintindihan ng lahat.

“So parang in layman’s term. So mga simpleng salita, pero direct to the point.

"At iyon po yung nilalaman ng reports ng PAGASA, nire-relay lang po namin para po updated yung mga Kapuso natin all these times mas lalo na sa mga pagkakataong kunyari may bagyo.

“Kasi hindi po simpleng uulan lang o maaraw ba, iba-iba po iyong epekto ng klima depende po sa lugar dito sa ating bansa.

“Kasi sa atin, maaari dito sa Metro Manila ulan lang, pero sa ibang bahagi ng bansa, mas lalo na po sa extreme Northern Luzon, e, binabaha na po sila nang sobra.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Kaya iyon po, ang ginagawa namin in layman’s term, direct to the point para po madaling ma-adapt or maintindihan ng tao.”

Anjo Pertierra on BAHA EXPERIENCE

Speaking of bagyo, isa si Anjo sa mga nasalanta ng nagdaang bagyong Carina— lumubog sa tubig-baha ang buong kuwarto niya na nasa basement.

“Lumipat na po ako kasi na-trauma po ako,” bulalas ni Anjo. “Ang nangyari dun, napuno yung kuwarto ko po pa-basement so pababa.

“So imagine-in niyo po napuno siya hanggang ceiling. So nandun lahat ng damit ko, pampasok, lahat, sapatos, gamit, lahat kasi nandun, kama.”

Read: Anjo Pertierra nearly trapped by flood in basement

Pero sa kabila noon, kinabukasan ay pumasok pa rin daw siya sa Unang Hirit.

“Binigyan ako ng damit ni Sir Ivan, binigyan ako ng assistance ni Mommy Su, ni Igan, ng production po ng Unang Hirit, binigyan po ako ng pambili ng brief ni Shaira saka ni EA.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Bagong host rin ng Unang Hirit si Shaira Diaz, na girlfriend ng Kapuso actor na si EA Guzman.

Pagpapatuloy pa ni Anjo, “As in lahat po [nagbigay].

“Doon ko po naramdaman na sobrang mahal po nila ako kasi sa simpleng mga bagay, naramdaman ko po na may kasama po ako at may katuwang po ako sa hirap at ginhawa ng buhay.”

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Anjo Pertierra initially described himself as "timid" when he first joined Unang Hirit. However, sharing pandesal helped him break the ice and bond with the show's hosts.
PHOTO/S: @anjopertierra on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results