Hindi na talaga mapipigilan ang pagpaimbulog ni Andres Muhlach sa mundo ng show business.
Mula sa sitcom ng TV5 na Da Pers Family, kasama ang kanyang pamilya, solong bibida si Andres sa Wattpad series na Ang Mutya ng Section E, na ipalalabas sa streaming platform na Vive One simula sa January 2025.
Read: Andre Yllana, "muntik nang maging kapatid" si Andres Muhlach
Sa media conference kahapon, December 19, 2024, ay ipinalabas ang full trailer ng Ang Mutya ng Section E.
Hiyawan ang karamihan sa audience dahil sa mga nakakakilig ng mga eksena, partikular na ni Andres at ng kanyang kaparehang si Ashtine Olviga.
Si Andres ay gumaganap sa role na Mark Keifer Watson, ang class president ng Section E.
Si Ashley naman ay gumaganap sa role na Jay-Jay Mariano, isang transfer student sa Higher Value International School na mapupunta sa Section E.
Dito magsisimula ang away-bati nilang relasyon hanggang sa sila ay magkainlaban.
Posibleng ito rin ang maging simula ng JayFer loveteam nina Andres at Ashley.

Andres Muhlach and Ashtine Olviga
Read: Andres Muhlach, pinag-iisapan pa kung papasok sa showbiz
ANDRES MUHLACH: "MUNTIK NA AKONG UMIYAK KANINA."
Matapos ang mediacon, nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang media si Andres.
Anong pakiramdam na tila hit na hit sa teenagers ang kanilang series kahit trailer pa lang ang ipinapakita?
Sagot ng newbie actor, "Sa totoo lang, the feeling is really... hindi ko maki-explain talaga na nakikita na nila yung trailer, lumabas na.
"The amount of hard work we put in as a cast, together, parang naging family na kami.
"Muntik na akong umiyak kanina. So it just feels really good. Feels really good."

Cast members of Ang Mutya ng Section E
Dahil sa first-hand experience niya sa taping at acting, ano yung pinaka-fun at pinakamahirap na ginawa niya bilang artista?
Deklarasyon ni Andres: "Lahat po. There's a lot of things.
"It's not an easy thing to do talaga. This job is not taken lightly.
"The work you have to put in during the taping days, and even before the taping days, it's all preparation talaga.
"How you do that is all different to each and every one of us."
Ano naman advice ng mga magulang niyang sina Aga Muhlach at Charlene Gonzalez pagdating sa pag-arte?
Ayon kay Andres, "Wala naman. Usually, just be yourself, you know.
"And sinasabi nila sa akin na, 'You know, the effort that you put into this will show if you really give it your all.'
"Kaya I always try to give it my best talaga, especially for this project.
"This is really a blessing to me."
Magpapalabas ng primer na may titulong Ang Mutya ng Secrion E: The Class Begins sa December 27 bago ang airing nito sa Viva One on January 3, 2025.
Read: Andres Muhlach, inaming hindi pa siya nagkaka-girlfriend
