PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Vic Sotto not holding grudges against stars of Pepsi Paloma movie

Vic Sotto to family: "Huwag silang mag-alala, kayang-kaya ko tong laban na to."
by Arniel C. Serato
Published Jan 9, 2025
Vic Sotto reactions after filing for cyber libel complaint
Vic Sotto on actors who appear in Pepsi Paloma movie: "Trabaho lang yun. No problem."
PHOTO/S: Arniel Serato

Trigger Warning: Mention of rape, suicide

Ibinunyag ni Vic Sotto na walang sinuman sa produksiyon ng pelikulang The Rapists of Pepsi Paloma ni Darryl Yap ang nagpaabot ng mensahe sa kanya o kumuha ng kanyang panig.

"Wala. So, wala akong... walang kumonsulta, walang nagpaalam, so walang consent," sabi ng beteranong TV host at comedian.

May sama ba siya ng loob sa mga artistang pumayag lumabas sa kontrobersiyal na pelikula?

Diretso niyang sagot, "Trabaho lang yun. No problem."

Kabilang sa mga tampok na artista sa The Rapists of Pepsi Paloma ay ang mga premyadong sina Gina Alajar (bilang Charito Solis), Shamaine Buencamino (bilang ina ni Pep, Mon Confiado (bilang Dr. Rey de la Cruz), at Rosanna Roces (bilang Divina Valncia).

Ang dating child actress na si Rhed Bustamante ang gumaganap na Pepsi Paloma, ang dating bold star na nagpatiwakal sa edad na 18 noong Mayo 31, 1985.

Sa teaser ng pelikula na lumabas noong January 1, 2025, direktang nabanggit ang pangalan ni Vic Sotto.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Darryl Yap nag-ingay agad with The Rapists of Pepsi Paloma teaser

VIC SOTTO'S REACTION TO MOVIE TEASER

Ano ang nararamdaman ni Vic nang malaman niyang binanggit ang pangalan niya sa teaser ng pelikula?

Aniya, "No comment ako diyan. Ako naman, I'm a very private person. Hindi ako yung kuda nang kuda."

Paano niya nalamang may teaser na lumabas at nabanggit ang kanyang pangalan?

Tugon ni Vic, "Through my wife [Pauleen Luna]. Kasi ako naman ay hindi ako active sa social media.

"So mga kaibigan lang, basically, my wife Pauleen."

Umaasa ba siyang makatanggap ng public apology mula sa kampo ni Darryl?

Ayon sa veteran TV host-comedian, "Sa ngayon, ginawa lang natin ang nararapat, kung ano yung nararamdaman ko.

"Eto na po yun. Nakalagay na po, nasulat na po sa papel, napirmahan ko na.

"Nakapag-oathtaking na ako sa fiscal, kung ano man ang mangyayari sa susunod, yun po ang aabangan natin."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang tinutukoy ni Vic ay ang paghahain niya ng 19 counts ng reklamong cyber libel laban kay Darryl sa Muntinlupa Regional Trial Court ngayong Huwebes ng umaga, January 9, 2025.

May mensahe ba siya sa pamilya ni Pepsi Paloma?

"Wala muna. No comment tayo," sabi ni Vic.

Sa kanyang pamilya?

"Sa family ko, salamat. Araw-araw ko naman silang nakakausap.

"Thank you sa support at huwag silang mag-alala, kayang-kaya ko tong laban na to," paniniyak niya.

Read: Vic Sotto files 19 counts of cyber libel against Darryl Yap

Vic Sotto reacts on actors involved in Pepsi Paloma movie teaser
Photo/s: Arniel Serato
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

VIC SOTTO'S LEGAL COUNSEL EXPLAINS 19 COUNTS OF CYBER LIBEL

Sa hiwalay na panayam, ipinaliwanag ng legal counsel ni Vic Sotto na si Atty. Buko dela Cruz ang tungkol sa reklamong inihain nila laban kay Darryl Yap.

Atty. Buko dela Cruz of Divina Law
Atty. Buko dela Cruz
Photo/s: Arniel Serato

Aniya, "Nineteen counts po na nagpahayag o nag-post ng mapanirang imputation ang respondent kaya 19 counts.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Bawat post na mapanira ay one count."

Sinu-sino pa ang mga inireklamo nila?

Sagot ni Atty. Dela Cruz, "Dito po sa criminal case, ang finile-an lang po natin ay si Mr. Darryl Yap.

"Ang case po natin ay cyber libel, anyone who caused the publication.

"So, siya ang sinasabi namin nag-cause ng publication ng malicious and defamatory statements."

Sa mga nag-share at nag-repost naman daw ay may hiwalay silang petisyon na nauna na nilang inihain sa korte.

Nang malapit nang matapos ang panayam ng media kay Atty. dela Cruz, bumaba ang order ng korte na pumabor sa writ of habeas data na inihain nila.

Layon nitong matigil ang pagpapalaganap ng promotional materials tungkol sa The Rapists of Pepsi Paloma.

Read: Vic Sotto’s writ of habeas data petition granted by court

May kasama ba itong financial damages ang inihain nilang reklamo?

Sagot ni Atty. Dela Cruz, "Yes, sa ilalim ng Cybercrime Act, pupuwede humingi ng danyos ang nagreklamo ng kasong kriminal.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Kaya kasama sa hinihingi ay ang moral damages, PHP20 million."

Bukod pa rito ang PHP15 million exemplary damages kaya aabot sa PHP35 million ang danyos na hinihingi ng kampo ni Vic

Read: Pauleen Luna reacts to controversial teaser of Darryl Yap's movie

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Vic Sotto on actors who appear in Pepsi Paloma movie: "Trabaho lang yun. No problem."
PHOTO/S: Arniel Serato
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results