PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Why Jimmy Bondoc ran for senator and not for party-list rep

"Mas may pag-asa ka pa sa senado kasi hindi single vote."
by Rommel Gonzales
Published Jan 24, 2025 | Updated Jan 24, 2025
jimmy bondoc
Jimmy Bondoc believes he has a better chance at winning a seat in the Senate than a seat as party-list representative.
PHOTO/S: Rommel Gonzales

Isang strategic political move daw ang pagtakbo ni Jimmy Bondoc para sa senado sa darating na May 2025 elections.

Ang una niyang plano ay kumandidato bilang representative ng isang party list.

Bulalas ni Jimmy sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Lahat po ng kilala niyo naman na tumatakbo, gustong manalo. Di ba, wala naman sigurong baliw na gustong matalo.

“Nagtanong po ako sa mga bihasa sa eleksiyon at nakita po nila yung patterns, na kapag ikaw ay celebrity or kilalang tao, mas may pag-asa ka pa sa senado kasi hindi single vote."

“So for the political reason, iyon po ang dahilan."

Mas malaki raw ang tsansa niyang manalo sa isang national position.

Paliwanag pa niya, "Sa Senate makikisuyo ka, ‘Baka puwede niyo akong isali sa top 12 niyo.’

“Pero sa distrito, halimbawa dito, hindi ako mananalo dito sa distrito na ito kahit anong gawin ko.

“Sa party list, ang dami na pong may-ari, even yung mga current powers ngayo,n may mga tigte-trenta na party list, binubuhusan nila ng pera.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“So sino ba naman ang gustong matalo, di ba?

"If I go into the senate race, manalo matalo, at least malalaman po ng taumbayan that I am a contender.

“Pero ayokong matalo siyempre naman, mananalo tayo.”

jimmy bondoc's personal reason for senatorial bid

Bukod sa political strategy, may personal reason din si Jimmy:

“Feeling ko, pakiramdam ko po na yung karunungan ko sa batas and yung connections ko sa legal community will be best used in a legislative capacity in the Upper House.

“Iyon po.”

Si Jimmy ay isa ring abogado. Isa siya sa mahigit tatlong libong nakapasa sa bar exams noong Disyembre 2023.

Kapag nahalal siyang senador, may gagawin ba siyang hakbang para sa kapakanan ng mga nasa showbiz industry, tulad ng mga singers at entertainment reporters?

“Definitely,” pakli ni Jimmy. “Alam niyo po, meron akong aaminin sa inyo. Kung minsan kaya ko po hindi sinasali iyan sa mga interview, although sa aking legislative agenda mataas iyang plano ko sa music and sa arts na industry.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Kasi po kapag binabanggit ko iyan, may mga tao na ang reaksiyon sa atin, sa mga ginagawa natin, ay hindi masyadong mahalaga.

“Hindi ko po gusto yun. Dahil para sa akin, nung pandemya, sino ba ang bumuhay sa mental health ng buong mundo?

“Kundi tayo, kayo, kayo! Kayong mga namamahayag, yung gumagawa ng content.

"Naniniwala po ako na ang music is a labor and an economic force.

“Labor force iyan, untapped! Unlike sa K-pop, gamit na gamit ang K-pop as a labor force, as an economic force, as a tourism force, therefore, gawa ng komisyon!"

Kahit na mayroon naman tayong National Commission for Culture and the Arts (NCCA), tingin ni Jimmy ay kailangang ihiwalay ang komisyon para sa performing artists.

Aniya, "At hindi lang po yung, yung NCCA is doing a good job, pero kasi kailangan po i-segregate, e. May sarili dapat na commission talaga for performing artists, di ba, para magamit natin ang arts sa pagpapakilala ng tunay na Pilipino sa ibang bansa.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“So iyon po, I’m hoping in creating budget and the commission.”

Read: Singer Jimmy Bondoc among 2023 Bar Examinations passers

jimmy bondoc on being a lawyer

Dahil nagtapos nga siya ng abogasiya, natanong si Jimmy kung kaya ba siya nag-aral ay dahil may plano siyang pasukin ang mundo ng pulitika?

“No, no,” bulalas niya. “I entered law school to become a better person.

“Katulad din po ninyo, ako ay kung minsan ay nagugulumihanan na sa nangyayari sa balita.

“Tingnan niyo ngayon, araw-araw may hearing, araw-araw you have to keep up.

"Pero dati pa, manonood lang ako once in a while ng hearing, may utak naman ako na tao, Ateneo graduate naman ako, pero hindi ko maintindihan yung conversation.

“Kasi hindi naman simple, e. Hindi naman simple. Kung minsan nga may tao, matalino hindi alam ang lahat ng departamento ng gobyerno, halimbawa, di ba.

"So I studied law to become a better public servant and to become a better person. And also para maintindihan ko yung kaganapan,” mariing sinabi pa ni Jimmy.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Kasi if you remember kahit yung PNoy [the late former President Noynoy Aquino] time pa, ang dami nang nagbabangayan.

"Nagsimula na, na pinasok na ng Viber groups natin yung mga usapang pulitika.

“So sabi ko, I have to end this ignorance of mine. Kaya ako pumasok sa law.

“I’m not saying na kung wala ka sa law ignorante ka.

"Pero inisip ko na kung papasukin ko na rin lang, papasukin ko na yung most methodical way of learning government instead of pupulut-pulutin ko pa kung saan-saan.

“E, di sa law school na lang.”

Nagsimulang magpakita ng interes si Jimmy sa pulitika taong 2015. Isa siya sa mga masugid na tagasuporta ni Rodrigo Duterte noong tumakbo ito for the May 2016 elections.

Read: Jimmy Bondoc denies quitting from PAGCOR post: "I cannot quit something that had not been formalized yet."

In July 2016, isang buwan matapos manumpa si Duterte bilang Pangulo ng Pilipinas, in-appoint siya bilang assistant vice president for entertainment sa Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Mula October 2017 hanggang July 2021, naging vice president siya for Corporate Social Responsibility (CSR) group ng PAGCOR.

Mula 2021 hanggang 2022, naging member siya ng Board of Directors ng PAGCOR.

Samantala, isa si Jimmy sa mga sumuporta sa desisyon ng kongreso na i-junk ang franchise renewal ang ABS-CBN, kung saan naging juror siya sa Twist and Shout at mentor sa "Bida Kapamilya" segment ng It's Showtime.

Read: Jimmy Bondoc on ABS-CBN shutdown: "Maganda rin siguro paminsan-minsang masaktan."

Ang panayam kay Jimmy ay nangyari sa meet-and-greet event niya sa mga miyembro ng media noong Nobyembre 27, 2024, sa Aromata Bar sa Sct. Lazcano sa Quezon City.

NOTICE: This meet-and-greet event was organized as promotion of a politician's candidacy.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Jimmy Bondoc believes he has a better chance at winning a seat in the Senate than a seat as party-list representative.
PHOTO/S: Rommel Gonzales
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results