PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Jennylyn Mercado finally renews contract with GMA Network

Jennylyn Mercado: "I am here, I am back, I'm home."
by Khryzztine Joy Baylon
Published Jan 21, 2025
Jennylyn Mercado renews contract with GMA Network
Jennylyn Mercado: "Taus-puso po akong nagpapasalamat sa lahat ng tumulong sa akin, at of course, sa GMA, sa patuloy na pagmamahal at sa patuloy na pag-support at pagtanggap pa rin po sa akin."
PHOTO/S: KHRYZZTINE JOY BAYLON

Hindi napigilang maging emosyunal ni Jennylyn Mercado nang muli siyang mag-renew ng exclusive contract sa kanyang home network, ang GMA-7.

Matapos ang ilang buwang espekulasyon, naganap na sa wakas ang pinakahihintay na contract signing ni Jennylyn sa GMA Network ngayon Martes, January 21, 2025.

Jennylyn Mercado renews contract with GMA Network
Photo/s: KHRYZZTINE JOY BAYLON

Read: Jennylyn Mercado, hindi pa nagre-renew ng kontrata sa GMA-7

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Present sa contract signing ang top executives ng GMA Network bilang pagpapakita ng kanilang buong suporta sa homegrown Kapuso actress.

Naroon sina GMA Network president and chief executive officer Gilberto R. Duavit Jr., executive vice-president and chief financial officer Felipe S. Yalong, senior vice-president for Entertainment Group Lilybeth G. Rasonable, at Aguila Entertainment chief executive officer Katrina Aguila.

Jennylyn Mercado renews contract with GMA Network
(L-R) GMA executive vice-president and chief financial officer Felipe S. Yalong, GMA Network president and chief executive officer Gilberto R. Duavit Jr., Jennylyn Mercado, senior vice-president for Entertainment Group Lilybeth G. Rasonable, and Aguila Entertainment chief executive officer Katrina Aguila.
Photo/s: KHRYZZTINE JOY BAYLON
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Noong June 2024, naglabasan ang haka-hakang lilipat umano si Jennylyn sa ABS-CBN matapos mapansin ng kanyang fans na wala siya sa inilabas na station ID ng GMA-7.

Si Jennylyn ay kilalang homegrown talent at isa sa itinuturing na big stars ng Kapuso network kaya hindi maiwasang magtaka ang netizens kung bakit wala siya sa station ID.

Read: Dennis Trillo claims no hand in viral "May ABS pa ba?" comment

JENNYLYN MERCADO says she never left GMA

Matapos pumirma ng kontrata, ipinaliwanag ni Jennylyn kung bakit natagalan ang pagre-renew niya ng kontrata sa GMA-7.

Saad niya: "Alam ko po na medyo natagalan, kasi sabi nga po ni Sir Duavit, may mga prinioritize pa ako.

"Maraming speculations, maraming nagalit, maraming haka-haka, may mga natuwa, nainis, may mga basher ako—ang dami.

"Pero kasi wala naman akong ibang pupuntahan. Ang destination ko laging here, palaging sa GMA.

"So I can say na I am home."

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Read: Jennylyn Mercado, Kapuso pa rin; full support kay Dennis Trillo

Kung tutuusin, hindi naman daw nawala si Jennylyn sa GMA-7.

Ang panandalian niyang hindi pagiging aktibo ay itinuturing daw niyang pagbabakasyon lamang.

Aniya: "Actually, hindi ko nga alam kung dapat sabihin na I am home, na I am back, kasi hindi naman po ako nawala.

"Para lang akong nagbakasyon o nag-grocery lang tapos bumalik ako sa pamilya ko.

"I am here, I am back, I'm home.

"Kapuso pa rin tayo."

Read: Jennylyn Mercado not transferring to ABS-CBN

JENNYLYN'S 22-YEAR-OLD SHOWBIZ CAREEr

Isa-isa ring pinasalamatan ni Jennylyn ang mga taong tumulong, nakasama, at nagmahal sa kanya sa loob ng mahigit dalawang dekada niya sa show business.

Taong 2003 nang magsimula ang showbiz career ni Jennylyn sa Kapuso Network nang hirangin siyang Ultimate Female Survivor sa first season ng reality-based artista search na StarStruck.

Matapos nito ay nagsunud-sunod na ang mga serye niya sa GMA-7, kabilang na rito ang Encantadia (2005), I Luv NY (2006), Super Twins (2007), La Vendetta (2007-2008), Paano Ba Ang Mangarap? (2009), Gumapang Ka Sa Lusak (2010), Rhodora X (2014), My Faithful Husband (2016), My Love From The Star (2017), at Descendants of The Sun (2020).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ani Jennylyn: "Taus-puso po akong nagpapasalamat sa lahat ng tumulong sa akin, at of course, sa GMA, sa patuloy na pagmamahal at sa patuloy na pag-support at pagtanggap pa rin po sa akin.

"Sa totoo lang, never naman po ako nakampante na ire-renew ako. Kasi sa totoo lang, ang dami nang artista na magagaling ngayon sa industry, nag-e-evolve tayo.

"To be here means so much. At wala po akong ibang nararamdaman kundi gratitude.

"I'm so grateful and I'm so happy na nakabalik na ako sa aking bahay after ng mahabang bakasyon."

Ayon pa kay Jennylyn, ang pagpayag ng bosses ng GMA-7 sa kanyang panandaliang pagpapahinga ay malaking tulong para maprayoridad niya ang kanyang pamilya, lalo na ang kanyang mga anak.

Sabi ng aktres, "Hindi ko po ito nagawa noong oras na ipinanganak ko si Jazz kasi kailangan ko agad bumalik sa trabaho. Noong time na yon, wala akong choice.

"Pero ngayon, parang gusto kong bumawi sa pamilya ko kaya I'm happy na naiintindihan ako ng network, ng management ko."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Si "Jazz" ang anak ni Jennylyn sa ex-boyfriend niyang si Patrick Garcia.

Isa naman ang anak niya sa asawa niyang si Dennis Trillo, si Dylan.

Si Dennis naman ay may isa ring anak sa dati niyang nobya na si Carlene Aguilar.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Jennylyn Mercado: "Taus-puso po akong nagpapasalamat sa lahat ng tumulong sa akin, at of course, sa GMA, sa patuloy na pagmamahal at sa patuloy na pag-support at pagtanggap pa rin po sa akin."
PHOTO/S: KHRYZZTINE JOY BAYLON
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results