Masaya at maganda ang pasok ng 2025 sa Kapamilya actor and TV host na si Enchong Dee.
Pagbabahagi ni Enchong, "Mabuti, masaya, maganda ang salubong ng 2025.
"Basta, sinimulan ko ang taon na masaya, kumpleto yung pamilya, tsaka ready to embrace all the blessings."
Excited na rin si Enchong maipalabas ang international film na ginawa niya under Brillante Mendoza.
Saad niya, "Sobrang excited kasi I think this year lalabas na yung international movie na shinoot sa Singapore.
"So hopefully, hopefully, it will go around sa mga big festival. And let's see, hindi ko pa alam kung saan siya iikot."
Read: Enchong Dee may nakalinyang international movie sa 2024
Paano napanatili ni Enchong na steady ang kanyang karera pagdating sa paggawa ng pelikula?
Aniya, "Naniniwala kasi ako sa kasabihang 'In God's perfect time.' Right timing, hindi mo alam, e, kung saan ka dadalhin ang isang pelikula.
"And yun, sabi ko, after all what I've been through, ayoko na pangunahan yung Panginoon.
"Kung meron Siyang magandang plan sa akin, mag-aantay ako."
ENCHONG DEE'S DREAM ROLE
Naging bahagi rin si Enchong ng Metro Manila Film Festival (MMFF) 2024 official entry na Topakk.
Ito ang kanyang kauna-unahang action film na ginawa ni Enchong sa loob ng 18 taon niya sa showbiz.
Read: Enchong Dee thrilled to star in his very first action movie
Kung meron pa siyang role na nais gawin, ano kaya ito?
Ayon kay Enchong, "Gusto ko talaga magkaroon pa rin ng isang historical film.
"Hopefully, isa sa mga... hopefully, si St. Lorenzo Ruiz, given a chance, given a chance.
"Siya yung gusto kong... kung mabibigyan ng pagkakataon, St. Lorenzo Ruiz."
Bakit ito ang naisip niya
Paliwanag ng akto, "I was named after him.
"My mama, nung time na pinagbubuntis niya ako, there's a chance na malaglag ako, pero pinagdadasal niya ako.
"Yun yung dahilan kung bakit Ernest Lorenzo Dee ako."
Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at isa pang reporter si Enchong sa Landers 8th Anniversary Shop & Win grand draw na ginanap sa Arca South branch, Taguig City, noong January 20, 2025.
Ambassador ng Landers Superstore ang Kapamilya actor.

Enchong Dee with Landers Superstore co-ambassadors Janice de Belen and Vina Morales
ENCHONG DEE DESCRIBES HIS MOST ROMANTIC DATE
Kahit hindi Valentine's o nitong mga nakaraang taon, ano ang naalalang most romantic date ni Enchong?
"Siguro, traveling. Traveling anywhere in the world without anyone knowing.
"And just enjoying. But, you know, Valentine's can be an everyday thing.
"It can be a whole year-round thing," sabi niya.
Ano ba ang "love" para kay Enchong?
Aniya, "Time, time, oras. Alam mo yun, ngayon na mas tumatanda ako sa industriya, mas nare-realize ko na ang sarap na yung time.
"Time with family, time with loved ones, time with friends. Yun yung luxury, yun yung blessing."
Matagal-tagal na rin siyang single o walang nauugnay na karelasyon.
Biro ni Enchong, "Akala mo lang."
Dagdag niya, "Pero ano, mas maganda, mas tahimik yung love life, di ba? Mas okay yung ganun."
So, meron siyang love life?
Diretsong sagot niya, "Wala, pero tahimik lang, di ba?"
Read: Enchong Dee feels he's still lacking despite winning acting award
