PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Enchong Dee may nakalinyang international movie sa 2024

Enchong Dee, kumusta ang pakikipagtrabaho kay Direk Paul Soriano.
by PEP Troika
Published Nov 28, 2023
enchong dee international movie
Enchong Dee: “Alam mo, parang may regalo na si Lord sa akin for next year already. Lagi ko lang sinasabi na, alam mo yun, every year, may bago kang magagawa, may bago kang mae-experience. So I think it’s safe to say kasi nasabi ko naman ito sa ibang interview, but I will shoot my first international film sa February.”
PHOTO/S: Jerry Olea

JERRY OLEA

Gagawa ng international film si Enchong Dee!

Isiniwalat ito ng aktor sa birthday celebration ni Ms. Rei Anicoche Tan na CEO ng Beautederm noong Nobyembre 25, 2023, Sabado, sa Luxent Hotel, Timog Avenue, Quezon City.

Inusisa si Enchong kung ano ang ine-expect niya sa 2024, considering ang mga pinagdaanan niyang masalimuot.

Ang sabi ni Enchong, “Alam mo, parang may regalo na si Lord sa akin for next year already.

“Lagi ko lang sinasabi na, alam mo yun, every year, may bago kang magagawa, may bago kang mae-experience.

“So I think it’s safe to say kasi nasabi ko naman ito sa ibang interview, but I will shoot my first international film sa February.”

Anong klaseng pelikula ito? Mapangahas ba at maghuhubad siya gaya sa Netflix film na Alter Me (2020)?

“Alam ko may something different pero the fact na it’s a Brillante Mendoza film, it’s already something big!” bulalas ni Enchong.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sinu-sino ang co-stars niya?

“Hindi ko alam kung puwede ko na siyang ma-share,” tugon ng Kapamilya actor.

“Pero nung last time na nag-interbyu kami sa L.A., yun yung nabanggit ko na sabi niya, ‘Yeah, I think you can share it that we will do a film next year.’

“Parang hinintay lang namin na matapos yung actors’ strike. Kasi kakatapos lang, di ba?

“Finally dahil tapos na siya, we can start onboarding SAG actors.”

Wow! Taga-SAG! May Hollywood actor sa cast?!

Tumango si Enchong, “Opo, so excited po ako. Sobra po akong excited. Parang feeling ko, yun ang highlight ng next year.”

NOEL FERRER

Title roles sina Dante Rivero, Cedrick Juan, at Enchong Dee sa MMFF 2023 official entry na GomBurZa.

Pare-pareho ba silang lead actor ang category in case ikukunsidera sa nominasyon?

Read: Kuwento ng GomBurZa, relevant pa rin lalo na sa panahon ngayon

“Hindi ko po alam pero nung binanggit sa amin, parang yung tatlo… pero sabi ko nga, OK ako na maging supporting actor, sabi ko,” tugon ni Enchong.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Gusto ko lang makita ng tao na, ‘Ahh si Enchong, sinusubukan talaga niyang ibahin kung ano ang mga nagawa niya dati. So, yun lang po.”

Kumusta ang pakikipagtrabaho sa veteran actor na si Dante, na nasa late 70s na ang edad?

“Ang sharp! Sobrang sharp ni Tito Dante, grabe!” bulalas ni Enchong.

“Saka iba talaga siya kapag nagbibitaw siya ng linya niya. Iba talaga! So, natutuwa ako dahil hanggang ngayon, nakakapagtrabaho ako at nakakatrabaho ko yung mga beterano at experienced actors natin.”

Ang nakakabilib lang kay Enchong ay nagagawa niya ang mga gusto niyang gawin at lumalalim pa ang kanyang pagka-makasining! Way to go, Enchong!!!

GORGY RULA

Natapos din ni Enchong ang pelikulang The Fisher with Mon Confiado, sa direksiyon ni Paul Soriano.

Magkaiba ng political belief sina Enchong at Direk Paul pero hindi iyon naging hadlang sa kanilang pagtatrabaho.

“Naku, nakakatuwa! Kasi nung time na yon, isa siya sa mga producers at directors na… in-embrace ako,” sey ni Enchong.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“It was a sensitive year for a lot of us pero nag-focus lang kami sa trabaho.

“And because of that, yung dahilan na nag-focus lang ako sa trabaho, nakaabot kami sa China, nakaabot kami sa Japan.

“So, naging instrumento siya para maging isang blessing.”

Pagkatapos ng mga hinarap niyang issue, masasabi bang nasa healing stage na iyon? Nasa pag-aayos na?

“Parang… kailangan, e. Kailangan. I think the reason also why you know I can smile… there’s always healing.

“So… yun,” pagngiti ni Enchong.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Enchong Dee: “Alam mo, parang may regalo na si Lord sa akin for next year already. Lagi ko lang sinasabi na, alam mo yun, every year, may bago kang magagawa, may bago kang mae-experience. So I think it’s safe to say kasi nasabi ko naman ito sa ibang interview, but I will shoot my first international film sa February.”
PHOTO/S: Jerry Olea
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results