Pinalagan ni Barbie Imperial ang pagtawag sa kanya ng isang basher na "third party."
Sa isang recent Instagram post ni Barbie, isang netizen ang tila sinermunan si Barbie dahil kahit "hindi pa annulled yung mag-asawa" ay pumasok na raw ang aktres.
Hindi binanggit ng netizen kung sino ang "mag-asawa" na tinutukoy niya, ngunit mahihinuhang ito ay ang estranged couple na sina Richard Gutierrez at Sarah Lahbati.
Si Richard ang napapabalitang karelasyon ngayon ni Barbie.
Komento ng netizen, “Anong klase ng babae ka? Hindi ko matanggap. Pinaka ayoko sa lahat is yung third party. Kahit saan mo tingnan, hindi pa annulled yung mag asawa pero andyan ka na.”
Hindi ito pinalampas ni Barbie.
Buwelta niya sa netizen, “Anong third party pinagsasabi mo?”

Read: Richard Gutierrez and Barbie Imperial together in Rome
RICHARD GUTIERREZ DENIES BARBIE IMPERIAL iS THIRD PARTY
Sa isang panayam ay pinabulaanan ni Richard na third party si Barbie sa hiwalayan nila ni Sarah.
Sa vlog ni Ogie Diaz noong January 16, 2025, inamin ni Richard na nagdi-date sila ni Barbie.
Sa isang punto ng pag-uusap nila ni Ogie, tinanong si Richard tungkol sa real status nila ni Barbie.
Sagot ni Richard, "Siguro for now, like gaya nga ng sabi mo, nakikita naman ng mga tao.
"Doon muna tayo sa what you see is what you get sa amin ni Barbie."
Kasunod nito ang paglilinaw niyang walang kinalaman si Barbie sa hiwalayan nila ni Sarah.
Saad ni Richard: "Ang gusto ko lang sigurong i-clarify doon sa mga tao is that si Barbie, walang kinalaman sa paghihiwalay namin ni Sarah.
"Hindi siya third party, hindi nag-overlap.
"Kasi maraming mga tao, yun nga, mga bashers na nagsasabi na siya ang dahilan.
"Wala siyang kinalaman."
Dagdag pa niya, "Nakilala ko si Barbie, matagal na kaming nagkahiwalay ng landas ni Sarah.
"So, yun, gusto ko lang i-clarify.
"Siyempre kasi parang ang daming nagre-react sa kanya, ang daming mga nag-hate comment sa kanya.
"So siyempre, kailangan ko siyang protektahan. Kailangan ko rin i-clarify yun, di ba?"
Read: Richard, Annabelle spotted at Barbie Imperial's birthday party
