Aabot na sa dalawampu't dalawang (22) taon ang pagsasama ng mag-asawang Aubrey Miles at Troy Montero sa August 2025.
Pero lumipas muna ang labingwalong (18) taon bago sila nagpakasal.
Ikinasal sina Aubrey at Troy sa pamamagitan ng isang civil wedding ceremony sa Mandaluyong City, noong January 9, 2022,

Aubrey Miles and Troy Montero civil wedding ceremony in Mandaluyong
Read: Aubrey Miles Troy Montero wedding
AUBREY MILES: "ang feeling namin, matagal na kaming kasal."
Kahit inabot ng 18 taon bago sila nagdesisyong magpakasal, para kina Aubrey at Troy ay matagal na silang kasal.
Sabi ni Aubrey, "Sa amin naman, parang feeling ko, matagal na kaming kasal.
"In the way we treat our relationship, sa simula pa lang, ganun na yung treat namin, parang kasal na kami.
"So, nung kasal namin, parang... parang normal na."
Mairerekomenda ba niya sa ibang magkarelasyon na magkaroon muna ng getting-to-know-each-other stage o sleep-together first bago magdesisyong magpakasal?
Sagot ni Aubrey, "Well, I mean, we slept together after eight years na, hindi biglaan."
Pagbabalik-tanaw pa ni Aubrey, "Nagligawan pa kami, walang online nun, di ba?
"Tawag, sulat, ganun lang."
Aubrey MILES on "FOUNTAIN OF YOUTH" SECRET
Ano ba ang sikreto nina Aubrey at Troy at parang hindi sila tumatanda.
"Wala naman, wala naman, workout," sabi ni Aubrey sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa Landers 8th Anniversary Shop & Win grand draw noong January 20, 2025.
"The one thing that I've been doing lagi, feeling ko yun yung nagpapa-happy sa akin, workout. And I sleep."
Sabat ni Troy, "She sleeps a lot."
Pagpapatuloy ni Aubrey, "I mean, I sleep good. I sleep at 9 P.M.
"I wake up at 8 A.M., ganun kahaba."
Read: Aubrey Miles reveals reason for intimate videos with Troy Montero
Inusisa rin ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Aubrey kung sumasagot pa ba siya sa bashers.
Nitong nakaraang April 2024 kasi ay pinagtawanan at hindi pinalampas ni Aubrey ang isang netizen na nanlait sa kanya dahil sa "all-Fendi branded outfit" ng aktres habang nasa biyahe papuntang ibang bansa.
Ayon kay Aubrey, "Tama lang.
"Sumasagot ako minsan kung anong level nila, yun din ang level ko."
