Nagsalita ang TikTok content creator at negosyanteng si Crissa Liaging sa isyung hiwalayan umano ng aktres na si Andi Aigenmann at ng surfer na si Philmar Alipayo.
Si Crissa ang na-bash noong May 2024 dahil sa viral video na kumalat kung saan nakitang nag-uusap sila ni Philmar.
Ngayong February 2025 ay sangkot muli sa kontrobersiya si Philmar dahil sa twinning tattoo nila ng kaibigan at Siargao-based Swedish marine photographer na si Pernilla Sjoö.
Usap-usapang dahil dito ay in-unfollow nina Andi at Philmar ang isa't isa sa Instagram.
Read: Andi Eigenmann cryptic message after unfollowing Philmar Alipayo
CRISSA LIAGING: "Di mo kabalo mo-English."
Sa kanyang TikTok account noong Sabado, February 8, 2024, nag-upload ng short video si Crissa.
Dito ay tila naglabas siya ng hinanakit sa mga Bisaya.
Unfair daw kasi ang bashing na tinamo niya noon sa tinatanggap ngayon ng nauugnay kay Philmar na si Pernilla.
Read: Woman talking to Philmar Alipayo in viral video speaks up

Tinawag pa raw siya noon ng kung anu-anong masasakit na salita, katulad ng "burikat" o "pokpok."
Pahayag ni Crissa sa wikang Bisaya, "Yawa gyud ning ubang Bisaya no. Ako, sa una nga nagkasala ko ni, kanang isyu ni Philmar sa una ug Andi, grabeng mga Bisaya lagi, ‘Burikat.’
[Demonyo talaga tong ibang mga Bisaya, no. Ako, dati na nagkamali ako, yung isyu ni Philmar at Andi noon, grabe talaga ang mga Bisaya, 'Pokpok.']
"Na motuo ka, tanang sakit nga istorya gibala na sad ba."
[Na maniwala ka, lahat na lang ng masasakit na salita ibinato na.]
Nagtataka raw si Crissa kung bakit sa sandamukal na bashing sa kanya noon ay tila tahimik ang mga Bisaya na magkomento sa babaeng nasasangkot ngayon kay Philmar.
Pag-analisa niya, sabay biro, hindi raw kasi marunong magsalita ng English ang mga ito.
Aniya, "Pero karon, kana sa iyang baje karon, nagka-isyu-isyu karon, kana i-bash ninyo, sige, tan-awon nato ug kabalo bamo mo-English.
[Ngunit ngayon, sa kanyang babae ngayon, nagkaroon ng isyu-isyu ngayon, yan ang i-bash ninyo, sige, tingnan natin kung marunong ba kayo mag-English.]
"L*ts* ninyo ha, lagot kaayo mo ba. Kanang ubang Bisaya no, mga tarantado kayo, na, nanggigil kaayo ko ba.
[L*ts* kayo ha, nakakainis talaga kayo ha. Yang ibang Bisaya no, mga tarantado kayo, nanggigil talaga ako.]
"Grabe kasakit ug mga istorya sa akoa sa una. Karon, nay bag-ong babaye nga na-isyu karon, di ninyo i-bash, ngano man? Di mo kabalo mo-English."
[Grabe ang sakit ng mga sinabi tungkol sa akin dati. Ngayon, merong bagong babae na na-isyu ngayon, hindi ninyo binash, bakit naman? Hindi kasi kayo marunong mag-English.]
@crishabibi ? original sound - HABIBI MAIN
Read: Woman in viral video denies flirting with Philmar Alipayo
