Dinepensahan ni Crissa Liaging ang sarili matapos siyang putaktihin ng bashers dahil sa inilabas niyang TikTok video kasama si Philmar Alipayo.
Si Crissa ay isang influencer.
Ayon sa bashers, base sa video na kumalat ay parang nilalandi ni Crissa ang surfer at fiancé ng aktres na si Andi Eigenmann.
Sa Facebook, nag-upload si Crissa ng isang Reel kahapon, May 27, 2024. Dito ay itinanggi niya ang akusasyon laban sa kanya.
Read: Andi Eigennman and Philmar Alipayo still together
"SAYuP NAKU..."
Salitang Bisaya ang ginamit ni Crissa.
Sabi niya, "Kailangan ko na mutingog 'no? [Kailangan ko nang magsalita ano.]
"Ako lang i-address ang nag-viral na video about sa amoa ni Philmar. [Kailangan ko lang linawin ang nag-viral na video namin ni Philmas.]
"Dili tinood ang inyohang gihuna-huna ug dili tinood ang mga nanggawas nga isyu sa social media. [Hindi totoo ang inyong mga iniisip at hindi rin totoo ang mga lumalabas na isyu sa social media]"
Inamin ni Crissa na nagkamali siya sa pag-upload ng nasabing video nang hindi binibigyan ito ng tamang konteksto.
Aniya, "Kahibaw ko mga higala nga sayup nako, ako ra pod ang naglaglag sa akong sarili. [Alam ko mga kaibigan na mali ako, ako lang din ang naglaglag sa aking sarili.]
"Ug kahibaw ko nga sayup nako nganu gi-post nako ang pagsturya namo ni Philmar, which is dili dapat. [Alam ko din na mali ako kung bakit ko pinost ang video ng pag-uusap namin ni Philmar na hindi naman dapat.]
"Unya behind that video, daghan taw sa amoang likod nga magpa-picture sa akoa ug kang Philmar. [Sa likod ng video na yan, angdaming taong gustong magpa-picture sa akin at kay Philmar.]"
Read: Andi Eigenmann addresses breakup rumors with Philmar Alipayo
NOT FLIRTING WITH PHILMAR
Kasunod nito ang paglilinaw ni Crissa na hindi niya nilalandi si Philmar dahil alam niyang mayroon na itong pamilya.
Sabi ni Crissa, "Then walay flirting nahitabo mahitungod kay naa mi sa public place. [Hindi maaaring may harutan na nangyari kasi nasa public place kami.]
"Wala me, dili maayong gibuhat. [Wala kaming hindi magandang ginawa.]
"Ug dili pod naku ma-please si Philmar the way siya mutan-aw o mu-act sa akoa. [At hindi ko rin ma-please si Philmar the way na tingnan o kumilos siya sa harap ko.]
"Ang sayup pud naku mga higala, wala ko mu-distansya. [Ang mali ko mga kaibigan, hindi ako lumayo kahit kaunti.]
"Pero kanang ingon ninyo nga nag-uwag-uwag ko, wala ko nanguwag kay kahibaw ku, pamilyadong tao mana. [Ngunit yung sinasabi niyong lumandi-landi ako, hindi ako lumandi dahil alam kong pamilyadong tao siya.]
"Ang akoa lang mga higala, na-overwhelm lang kong taman mahitungod kay wala ako nagdahum nga kaila pod diay siya sa akoa. [Ang sa akin lang, na-overwhelm lang ako talaga kay hindi ko inaasahang kilala rin pala niya ako.]"
Read: Andi Eigenmann postpones wedding to Philmar Alipayo
THE VIRAL TIKTOK VIDEO
Nilinaw rin ni Crissa ang nilalaman ng pag-uusap nila ni Philmar.
Muli nitong iginiit na hindi niya nilandi ang surfer, at hindi rin niya ito hinawakan.
Wala raw silang masamang ginawa.
Saad ni Crissa: "Ug kadtong conversation namo ni Philmar, wala me lain topic ato about lang adtong isa ka kauban niyang surfer. [Yung conversation namin ni Philmar ay tungkol lamang sa isa niyang kasamahang surfer.]
"Wala kuy intention sama anang ginahuna-huna ninyo nga nag-uwag-uwag ko sa iyaha kay mismo gani mogunit sa iyaha, wala man nako gibuhat. [Wala akong intensiyon nga katulad ng iniisip niyong nilandi-landi ko siya dahil ni paghawak sa kanya ay hindi ko ginawa.]
"Ug kadtong panghitabo mga higala, hubog ming duha. [Yung mga pangyayarin yun mga kaibigan, lasing kaming dalawa.]
"Timing kaayo nga nagkasabay me sa usa ka bar. [Nagkataon lamang na nagkasabay kami sa isang bar.]
"Nag-bonding-bonding me kauban ang mga surfer. [Nag-bonding-bonding lang kami kasama ang mga surfer.]
"Wala me, dili maayong ibuhat. [Wala kaming hindi magandang ginawa.]
"So ako mga higala, ug makaila ka sa akoa, friendly pud ko nga taw. [Mga kaibigan, kung nakilala niyo ako, palakaibigan akong tao.]
"Ug samot na si Philmar, kaya even mga locals diri, mga sweet ba. [Lalo na si Philmar, dahil kahit mga locals dito, mga sweet na tao ba.]
"Mga buutan, mga maayong taw. [Mga mababait, maayos na mga tao]."
an associate clears CRISSA LIAGING from issue
Kaugnay nito, ni-repost ni Crissa ang post ng isang netizen na nagtanggol sa kanya.
Nakasaad dito: "Speak nako with this issue, i save this photo sa nag nag viral na post atong babae nga naa during ato na time. [Ang sasabihin ko tungkol sa isyu, sinave ko ang larawang ito dahil sa nag-viral na babae noong time na iyon.]
"The photo is not mine. just to clear not to defend,crissa is trying to exit during that time pero naay ga pa picture sa ilaha... [Hindi akin ang larawan. Isa itong paglilinaw, hindi upang depensahan, crissa is trying to exit during that time pero merong mga nagpa-picture sa kanila.]
"judging by just reading the first page of the book, They know each other and walay [walang] someting sailang [sa kanilang] pag bonding we just want to enjoy not to biga2 [landi-landi]
"kana nlang sad daw uwag uwagan niya na gipangita sad raba namo c miss andi that time. [Ganyan ba yung landi-landi, e, hinahanap din namin si Miss Andi that time.]
"Dili na sala sakong amo kung ingon ana ka clingy si philmar saiya Go lang bash lang, [Hindi yan kasalanan ng boss ko kung ganyan ka-clingy si Philmar sa kanya, go bash lang]"
ANDI EIGENMANN BREAKS SILENCE ON ISSUE
Tila sinagot na rin ni Andi ang isyu tungkol sa viral video ng fiancé niyang si Philmar.
Sa kanyang Instagram Story kagabi, May 27, 2024, may pahaging si Andi sa isang taong nagpapapansin lamang umano at ginawan ng malisyosong istorya ang video ng pakikipagkuwentuhan ni Philmar sa kanya.
Hindi man tinukoy sa post si Philmar, malinaw sa pahayag ni Andi na malayang-malayang lumabas ang fiancé kasama ang kanyang mga kaibigan, makipag-inuman paminsan-minsan, at makikipag-usap kanino man.
Buong post ni Andi, "He can go out with his friends, go drinking every once in a while, and chat with whoever he wants. No harm in that.
"What's shameful is purposely posting and editing a video to ause a stir, disturbing the peace of people and dragging them into their negativity, just for some social media attention"

Read: Andi Eigenmann breaks silence on Philmar Alipayo viral video
PHILMAR ALIPAYO VIRAL TIKTOK VIDEO
Noong Biyernes, May 25, nag-viral sa TikTok ang ipinost na video ng influencer/video creator na si Crissa, kung saan nakasama si Philmar sa Siargao.
Binigyang kulay ito ng netizens na alam ang love story ni Philmar at ng aktres na si Andi.
Makikita sa viral video na nag-uusap ang TikTok content creator at negosyanteng si Crissa at Philmar.
Read: Woman talking to Philmar Alipayo in viral video speaks up
Wala pang pahayag si Philmar sa isyu.
