Ibinahagi ni Andi Eigenmann ang mga larawan ng kanyang grandparents na sina Eddie Mesa at Rosemarie Gil habang naglalakad sa Siargao.
Ito ay sa gitna ng usaping may pinagdadaanan ang relasyon ni Andi at partner nitong si Philmar Alipayo.
Si Andi ay anak ng namayapang aktor na si Mark Gil at ng namayapa na ring aktres na si Jaclyn Jose.
Si Mark ay anak nina Rosemarie at Eddie.
Read: Mark Gil: loving father, grandfather, friend, and brother
ANDI EIGENMANN SHARES PHOTOS OF GRANDMA WITH CHILDREN
Sa kanyang Instagram Story, unang ipinakita ni Andi ang larawan nina Rosemarie at Eddie habang naglalakad sa gilid ng kalsada.
Caption dito ni Andi, "Mama & Papa walking on the streets of my neighborhood."

Kasunod nito ang larawan ni Rosemarie kasama ang apong si Ellie Eigenmann, anak ni Andi sa ex-boyfriend na si Jake Ejercito.

Gayundin ang larawan ni Rosemarie kasama ng mga anak ni Andi kay Philmar na sina Lilo at Koa, habang nasa isang souvernir shop.

Hindi malinaw kung ano ang pakay nina Rosemarie at Eddie sa pagbisita kay Andi at sa mga anak nito sa Siargao, ngunit marami ang naniniwalang may kinalaman ito sa kasalukuyang sitwasyon ng relasyon ng kanilang apo kay Philmar.
Read: Tessa Prieto sues ex-GF Angel Chua for physical abuse
ANDI-PHILMAR-Pernilla ISSUE
Noong Biyernes, February 7, 2025, hindi nakaligtas sa mga Marites ang pag-unfollow-han nina Andi at Philmar sa isa't isa sa Instagram.
Nagparamdam si Andi noon tungkol sa pang-aahas dahil sa kanyang post na may kinalaman sa Year of the Snake.
Sabi niya sa kanyang post, "I just found out its the year of the snake!! I thought it was the year of the wolf in sheep's clothing!"
Read: Andi Eigenmann cryptic message after unfollowing Philmar Alipayo
Kasunod nito ang pag-post ni Andi na ang tinutumbok ay ang pinagdadaanan ng relasyon nila ni Philmar.
Nag-post na rin si Andi ukol sa “betrayal.”
May kaugnayan ito sa pagkakaroon ng “love couple’s tattoo” ni Philmar at ng isang babae, na ayon kay Andi ay hindi ipinaalam ni Philmar sa kanya.
Read: Andi posts "love couple tattoo" of Philmar & female friend
Kinalaunan, natukoy ang babae na si Siargao-based Swedish marine photographer Pernilla Sjoö.
Read: Pernilla Sjoö speaks up on Andi-Philmar alleged breakup
Sa kanyang panig, sunud-sunod ang Instagram Stories ni Philmar noong Sabado, February 8, 2025, kasunod ng matinding reaction ng netizens.
Aniya, totoo raw ang lahat ng nabasa ng netizens. Hindi naman mawari kung ano sa mga lumalabas na ito ang kinukumpirma ni Philmar.
Read: Philmar Alipayo on ‘cheater,’ ‘ugly,’ other claims: 'Totoo yon'
