Bukod sa culinary industry, ipinagluluksa rin ng ilang showbiz personalities at iba pang celebrities ang pagpanaw ng kilalang restaurateur at chef na si Margarita Forés.
Si Margarita ay pumanaw sa edad na 65 habang nasa Hong Kong.
Kinumpirma ng anak ni Margarita na si Amado Forés ang malungkot na balita, Martes, February 11, 2025.
Read: Restaurateur and chef Margarita Fores dies at 65
Bagamat hindi tinukoy ni Amado ang sanhi ng pagkamatay ng kanyang ina, ikinagulat ng marami ang biglaang pagpanaw ng sikat na chef.

EDU MANZANO REMEMBERS MARGARITA Forés
Kabilang sa mga nabigla at nagdadalamhati sa pagpanaw ni Margarita ay ang mga kaibigan at kliyente niya mula sa showbiz industry.
Isa na rito ang TV host-actor na si Edu Manzano.
Sa Instagram ngayong Miyerkules, February 12, nag-post si Edu ng video clip para alalahanin ang masayang buhay ng matalik na kaibigan.
Kalakip nito ang mensahe ng pasasalamat ni Edu dahil sa kanilang pagkakaibigan at pinagsamahan.
Mababasa sa kanyang caption (published as is): "To my dear friend Margarita, your presence will be deeply missed but your memories will live on in my heart forever.
"I am grateful for the moments we shared and the laughter we created together.
"Rest in paradise my friend."
MAINE MENDOZA PAYS TRIBUTE TO MARGARITA Forés
Idinaan din ni Maine Mendoza sa pagpu-post sa Instagram ang pagbibigay-pugay niya kay Margarita, na tinawag niyang "true icon in the Philippine culinary scene."
Sa Instagram Stories nitong Martes, February 11, ni-repost ni Maine ang isang IG post na nagpapahayag ng pakikiramay sa naulilang pamilya ni Margarita.
Kalakip nito ang pagkilala ni Maine sa beteranang chef.
Pagbabalik-tanaw ng Eat Bulaga! host, hindi niya makakalimutan si Margarita dahil may malaki itong partisipasyon sa kasal nila ng asawang si Arjo Atayde.
Si Margarita ang chef sa reception ng kasal nila ni Arjo na itinuturing ni Maine na dream come true.
Saad ni Maine (published as is): "A true icon in the Philippine culinary scene.
"I had the privilege of meeting her and was fortunate enough to have her cater our wedding.
"It was on my wedding bucket list, as I've always loved Cibo—I consider myself the biggest Cibo fan I know."
Dagdag pa niya, "Her passion and exceptional food touched so many lives and will continue to do so.
"Her legacy will live on in the hearts of those she inspired. Rest in peace, Ms. Gaita."
"Gaita" ang palayaw ni Margarita.

MAIQUI PINEDA MOURNS DEATH OF MARGARITA Forés
Katulad ni Maine, inalala rin ni Maiqui Pineda si Margarita bilang chef sa kasal nila ng asawang si Robi Domingo noong January 6, 2024.
Read: Robi Domingo marries long-time girlfriend Maiqui Pineda
Hinding-hindi raw ito makakalimutan ni Maiqui dahil mas lalong naging espesyal ang mahalagang okasyon sa buhay nila ni Robi dahil sa masasarap na pagkaing niluto at inihanda ni Margarita.
Mensahe ni Maiqui: "Thank you, Tita @margaritafores for making our wedding day special and memorable for us and all our guests.
"I loved seeing how passionate and excited you were to create a menu that incorporated Bulacan and Bacolod in it, two provinces that meant a lot to you.
"Until now, people keep raving to us about how good your food was.
"You will be missed by so so many."

EllA Pangilinan'S message of gratitude to Margarita Forés
Binalikan naman ni Ella Pangilinan, kapatid ng aktor na si Donny Pangilinan, ang mga magagandang alaala nila ni Margarita.
Ayon kay Ella, makailang beses niyang nakasama si Margarita, gaya na lamang noong nagpunta sila sa Florence, Italy, at noong kasal niya nila ng kanyang mister na si Enrique Lhuillier-Miranda noong December 6, 2023.
Read: Ella Pangilinan in Revived Wedding Gown
Sa Instagram Stories ni Elle, ibinahagi niya kung paano ginawang espesyal ni Margarita ang kanyang kasal at ang ilan nilang pagkikita sa Florence, Italy.
Mensahe ni Elle, "I love you, Margarita Fores. Thank you for the best experiences of my life in Florence, my wedding and so much more in between.
"Forever in my heart."

MARGARITA FORÉS
Si Margarita Forés ay itinanghal na Asia's Best Female Chef noong 2016.
Taong 1997 nang buksan niya ang Cibo, isang casual Italian restaurant na kaagad naging hit sa mga customer.
Read: Margarita Fores: Remembering the chef-restaurateur behind Cibo
Pagkatapos nito ay binuksan din ni Margarita ang iba pa niyang restaurants na Pepato, Lusso, Grace Park, pati na ang catering business na Cibo de M.
Si Margarita ay apo ng tycoon na si J. Amado Araneta, na nag-develop ng 35-hectare na Araneta Center sa Cubao, Quezon city, at ng prominenteng surgeon na si Dr. Jose Y. Forés, isa sa mga founder ng Makati Medical Center.
Ang mga magulang niya ay sina Raul Forés at Maria Lourdes Araneta.
Read: Chef Margarita Fores and her last gastronomical posts from HK
