Si KC Concepcion kaya ang mystery Valentine date ng dating Azkals player na si Aly Borromeo?
Ito ang tanong ngayon ng netizens matapos magbahagi si Aly ng larawan niyang may ka-date nitong February 14, 2025, sa mismong Valentine's Day.
Sa pamamagitan ng Instagram Stories, ipinost ni Aly ang larawan niya na may kasamang babae.
Nakasuot ng kulay cream na jacket at naka-pony tail ang nasabing mystery woman.
Hindi matukoy kung sino mismo ang babae dahil tinakpan ni Aly ng heart emoji ang mukha nito.
Kalakip ang nakasulat niyang caption na, "Happy Valentine's!! [pink heart emoji]."

Hinala tuloy ng netizens, ang ex-girlfriend ni Aly na si KC ang mystery woman na kanyang ka-date, lalo pa't kamakailan lang ay nali-link na naman sila sa isa't isa.
Tulad ni KC, may dimples din ang babae at pareho ang hugis ng kanilang mukha.
KC CONCEPCION AND ALY BORROMEO'S REPORTED SIGHTINGS
Si Aly ay dating team captain ng Azkals, ang national football team na nagrirepresenta sa Pilipinas sa international tournaments.
As early as August 2, 2024, nagpahiwatig si KC na magkasama sila ni Aly sa Paris base sa Instagram Story ni KC. Kita roon ang cropped photo ni Aly.
Read: WHAT PEP KNOWS: Is KC Concepcion dating ex-BF Aly Borromeo?
October 7 nang ibahagi ni KC ang pagdalo niya sa Azkals Celebrity Cup kunsaan kabilang si Aly sa mga manlalaro.

Maliban dito ay walang direktang pahayag si KC sa estado ng kanya ngayong love life, makaraan niyang mahiwalay sa Filipino-Swiss bank manager niyang boyfriend na si Mike Wuethrich.
Read: KC Concepcion, Mike Wuethrich unfollow each other on IG
Sharon CUNETA on DAUGHTER KC's love life
Samantala, kamakailan lang din nang mahingan ng reaksiyon ang mismong ina ni KC na si Sharon Cuneta sa napapabalitang pagbabalikan diumano ng kanyang anak at ex-boyfriend nitong si Aly.
Nang tanungin tungkol sa hinihinalang pagbabalikan nina KC at Aly, ang tanging sagot ni Sharon, "I think we should ask KC. She's old na, e."
Hindi raw sa walang alam, kundi ayaw lang ni Sharon na panghimasukan ang personal na buhay ng anak kaya't hindi siya makapagsalita na walang pahintulot ni KC.
Read: Sharon Cuneta, KC Concepcion reconnect over Christmastime
Saad ng Megastar tungkol kay KC: "Weve talked. I don't want to betray her trust naman.
"She's a full-fledged adult. You can ask her. She'd be happy to tell you.
"But I don't think its my place to talk about her personal stuff."
Read: Sharon Cuneta hands-off in KC-Aly rumored reconciliation
