The puksaan edition of Miss Universe Philippines 2025 has officially begun.
Nakilala na isa-isa ang animnaput siyam (69) na kandidatang kalahok sa Miss Universe Philippines 2025.
Ngayong Sabado, February 15, 2025, nang maganap ang pinakahihintay ng pageants fans na press presentation, kunsaan opisyal nang ipinakilala ang mga kalahok sa kompetisyon.
May mga baguhan at mayroon ding mga beterana na sa beauty pageant ang nagbabalik sa pag-asang masungkit ang Miss Universe Phillipines 2025 crown at marepresenta ang Pilipinas sa Miss Universe stage.
MA. AHTISA MANALO, QUEZON PROVINCE
Isa na sa mga pageant veteran na nagbabalik ay ang pambato ng Quezon Province na si Ma. Ahtisa Manalo.

Si Ahtisa ang reigning Miss Philippines Cosmo 2024.
Read: Ahtisa Manalo asks fans to stop bashing Miss Cosmo 2024 winner
Si Ahtisa rin ang itinanghal na Bb. Pilipinas-International noong 2018.
Hinirang din siyang Miss International 2018 first runner-up.
Ka-batch niya sa Binibining Pilipinas si Catriona Gray na kinoronahang Miss Universe 2018.
Read: Ahtisa Manalo's Reason for Quitting Miss Universe PH
WINWYN MARQUEZ, MUNTINLUPA CITY
Isa pa sa ngayo'y inaabangan ay ang pagbabalik sa entablado ng pambato ng Muntinlupa City na si Winwyn Marquez.

Read: Winwyn Marquez is Miss Universe Philippines-Muntinlupa 2025
Katulad ni Ahtisa, hindi na rin baguhan si Winwyn sa pagsali sa mga beauty pageant.
Siya ang pinakaunang kinoronahang Reina Hispanoamericana, isang international pageant na ginanap sa Santa Cruz, Bolivia.
Nirepresenta niya roon ang Pilipinas matapos manalo sa Miss World Philippines 2017.
Bago nagwagi sa nabanggit na international beauty competition, naranasan ni Winwyn na sumali sa 52nd Bb. Pilipinas noong March 2015 pero nabigo siyang makuha ang Bb. Pilipinas-Universe title na napanalunan ni Pia Wurtzbach.
Read: Winwyn Marquez ano naman kaya ang pauusuhing walk?
YLLANA MARIE ADUANA, SINILOAN LAGUNA
Pageant fans' favorite naman si Yllana Maria Aduana ng Siniloan Laguna.

Si Yllana ang kinoronahang Miss Earth Air 2023 sa Van Phúc City sa Ho Chi Minh City, Vietnam noong December 22.
CHELSEA FERNANDEZ, SULTAN KUDARAT
Isa pang nagbabalik sa beauty pageant stage si Chelsea Fernandez ng Sultan Kudarat.

Hindi nalalayo ang karanasan ni Chelsea sa iba pang beterana niyang makakatapat dahil laman na rin siya noon ng iba't ibang beauty pageant.
Taong 2018 nang hiranging Miss Philippines Earth-Water si Chelsea.
2020 nang manalo siyang Miss Bikini Philippines.
Hanggang noong 2022 nang masungkit niya ang Binibining Pilipinas Globe 2022 title.
Read: Chelsea Fernandez Aims for 2022 Bb. Pilipinas Globe Title
MA. KATRINA LLEGADO, TAGUIG CITY
Susubukan ding makuha ni Ma. Katrina llegado ng Taguig City ang titulong Miss Universe Philippines 2025.

Si Katrina ang nagrepresenta sa Pilipinas sa Reina Hispanoamerica 2019, kunsaan niya naiuwi ang fifth runner-up.
Ariella Arida named as national director of Miss Universe Philippines
Samantala, bukod sa pagpapakilala sa 69 na kandidata, sinabay rin pinakilala sa naganap na press presentation ang bagong national director ng Miss Universe Philippines Organization

Ito'y walang iba kundi Miss Universe 2013 third runner-up na si Ariella Arida.
Read: Ariella Arida looks forward to new era of Miss Universe
Pinalitan ni Ariella sa posisyon si Miss Universe 2011 third runner-up Shamcey Supsup.
Read: Aiko Melendez, Ara Mina, Shamcey Supsup for councilor sa 2025
