Umabot na sa isang milyon ang followers sa Facebook ng celebrity surfer na si Philmar Alipayo.
Sa kanyang FB account kahapon, February 17, 2025, nagpasalamat si Philmar sa followers niyang sumusuporta sa kanyang page.
Sabi niya sa salitang Bisaya: "Salamat karajaw naka abot nata sa 1M. ma pasalamaton ako karajaw sa mga nag supporta sanan nag sobaybay sa ako, padajon rata gihapon"
[Maraming salamat nakaabot na tayo ng 1M. Malaki ang pasasalamat ko sa mga sumusuporta at nakasubaybay sa akin, magpapatuloy pa rin tayo.]
Read: Andi claims female pal encouraged Philmar to break up with her
PHILMAR ALIPAYO ANSWERS QUESTIONS FROM NETIZENS
Sa comments section ng kanyang post, may ilang netizens ang nagbiro na kaya ra umabot sa isang milyon ang followers ni Philmar ay dahil sa isyung kinasangkutan nito kamakailan.
Ito ay bunsod ng pagsasapubliko ng partner niyang si Andi Eigenmann ng alitan nila dahil sa couple tattoo ng surfer at ng matalik nitong kaibigan, ang Swedish marine photographer na si Pernilla Sjoö.
Komento ng isang netizen (published as is), "Ng dahil sa 224 [laughing emojis]"
Game naman itong sinagot ni Philmar.
Aniya, "dahil sayo"

Ang tinutukoy ng netizen na "224" ay ang couple tattoo nina Philmar at Pernilla kung saan ang kahulugan nito ay "today, tomorrow, forever."
Read: Andi posts "love couple tattoo" of Philmar & female friend
Ayon naman sa isang netizen, "kung wala ang issue wala mag increase"
Sagot ni Philmar, "Salamat kay isa ka sa nag mahal nako [laughing emoji]"
[Salamat dahil isa ka sa nagmamahal sa akin.]

Puro biro lang ang mga komento ng ibang netizens.
Pero hindi naman bina-bash si Philmar.
Sa ngayon ay nagkaayos na sina Philmar at Andi.
Noong Valentine's Day, February 14, 2025, sinorpresa ni Philmar si Andi ng bouquet of vegetables and flowers.
Ginawa ito ni Philmar sa pamamagitan ng paggamit ng puso ng saging, na binalot niya ng dahon ng saging, at pinalamutian ng iba't ibang native na bulaklak.
Sabi niya sa caption ng kanyang post, "Bahalag puso ng saging basta kinasingkasing. [Bahala na kung puso ng saging basta galing sa puso.]"
Read: Philmar surprises Andi with unique bouquet on Valentine's day
