PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Yayo Aguila says she has forgiven Baron Geisler

Yayo Aguila: "Kung si Lord nga nagpapatawad, tayo pa kayang tao."
by Arniel C. Serato
Published Feb 19, 2025
Yayo Aguila forgives Baron Geisler after acts of lasciviousness case
Yayo Aguila on forgiving Baron Geisler after their legal battle in 2008: "Kung si Lord nga nagpapatawad, tayo pa kayang tao? Basta, at least kami, nabawasan naman kami ng bigat sa dibdib, forever."
PHOTO/S: File

Napatawad na raw ng aktres na si Yayo Aguila ang aktor na si Baron Geisler, pero hangga't maaari ay ayaw na niya itong makatrabaho.

Taong 2008, kinasuhan ng anak ni Yayo na si Patrizha Maree Martinez si Baron ng acts of lasciviousness.

Read: Yayo Aguila breaks her silence on daughter's complaint against Baron Geisler

Nag-ugat ito sa insidenteng nangyari sa isang bar sa Makati City noong April 25, 2008.

Humantong ito sa pagdedemanda ni Patrizha kay Baron sa Makati City Metropolitan Trial Court.

Noong 2013, nahatulang "guilty" si Baron ng korte.

May parusa itong anim na buwan hanggang dalawang taong pagkakakulong at pinagmumulta rin ang aktor ng PHP30,000 para sa moral damages.

Ngunit hindi natuloy ang pagpapakulong kay Baron matapos makipag-settle ng kanyang kampo kina Yayo.

Naging housemates sina Yayo at Baron sa reality show ng ABS-CBN na Pinoy Big Brother: Celebrity Edition 2 noong 2007.

Read: Yayo Aguila reveals Baron Geisler tried to settle after court found him guilty of acts of lasciviousness

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

YAYO AGUILA SAYS BARON GEISLER APOLOGIZED TO HER

Sa guest appearance ni Yayo sa programang Lutong Bahay ng GTV kahapon, February 18, 2025, diretso siyang tinanong ng co-host ng show na si Chef Hazel kung napatawad na ba niya si Baron.

yayo aguila lutong bahay
Lutong Bahay host Chef Hazel (left) and guest co-host Jenzel Angeles (center) interview actress Yayo Aguila (right)
Photo/s: Courtesy: GMA Public Affairs on YouTube
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Tugon ni Yayo: "Oo naman! Nagkita na kami, years ago, sa isang event ng showbiz.

"Wala akong choice, nagkasalubong kami, tapos binati niya ako.

"Nag-sorry naman siya. Nag-sorry siya.

"So, sa akin, malaking bagay yung... it takes guts para makapag-sorry ka.

"Feeling ko naman sincere siya. Ayoko siyang i-judge.

"Pero yun, nag-sorry siya sa akin."

Sinabi ito ni Yayo sa anak niyang si Patrizha, na napatawad na rin daw si Baron.

Lahad ni Yayo: "Tapos sinabi ko yun sa daughter ko.

"Actually yung anak ko, sabi niya, 'Napatawad ko naman siya pero hindi ko makakalimutan yung ginawa niya.'

"Ganun din yung stand ko. Napatawad naman na namin siya pero ayoko siya makatrabaho.

"Yung ganun, napatawad ko naman siya."

Read: Yayo Aguila, four years na ang relationship sa non-showbiz guy

Pero kung may maganda raw talagang proyektong ialok sa kanya at makakatrabaho niya si Baron, may mga paraan naman daw na maaaring gawin.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Saad niya: "Pero if given the chance, kunwari may magandang project, kasama ko siya, puwede ko naman siyang hindi kausapin sa set...

"Work is work.

"Kakasabi ko lang kanina, work is work. So you don't have to be friends with him.

"Kasi sa work, di naman kailangan lahat friends mo. Kung work, work lang. Ganun."

Dagdag ni Yayo, "Kung si Lord nga nagpapatawad, tayo pa kayang tao?

"Basta, at least kami, nabawasan naman kami ng bigat sa dibdib, forever."

Read: Yayo Aguila is happy Baron Geisler is undergoing rehab for his drinking problem

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Yayo Aguila on forgiving Baron Geisler after their legal battle in 2008: "Kung si Lord nga nagpapatawad, tayo pa kayang tao? Basta, at least kami, nabawasan naman kami ng bigat sa dibdib, forever."
PHOTO/S: File
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results