Trigger warning: This article includes mention of sexual misconduct and grooming
Disbanded na ang Filipino indie pop-rock band na Ang Bandang Shirley.
Ito'y matapos masangkot sa matinding kontrobersiya ang lead vocalist-guitarist ng banda na si Ean Aguila.
Nitong Miyerkules, February 19, 2025, opisyal na inanunsiyo ng mga co-member ni Ean na sina Debb Acebu, Miggy Abesamis, Kathy Gener, at Paolo Arciga ang pagkalas nila sa banda.
Sa pahayag ng banda, kinumpirma nilang ang kanilang desisyong kumalas sa banda ay dahil sa alegasyong sexual misconduct laban kay Ean.
Hindi raw nila ito kayang kunsintihin at ipagsawalang-bahala.
Bilang dating kagrupo ay sinabihan daw nila si Ean na akuin at panagutan kung anuman ang nagawa niyang pagkakamali, matapos nitong maunang kumalas sa banda.
Mababasa sa inilabas nilang pahayag: "This January, past allegations towards Ean resurfaced with new information, which has significantly affected the band members.
"Let it be known that we strongly do not condone his behavior, and we urged him to take full responsibility for his actions.
"He made a statement and eventually decided to quit the band.
"We support this decision, and we sincerly hope for the healing of all parties involved."
Kasunod nito ang pagpapasalamat ng Ang Bandang Shirley sa lahat ng fans na sumuporta at nagmahal sa kanila sa halos dalawampu't dalawang (22) taon.
Anila: "As for the rest of the band members, we have decided not to continue as a band.
"This is the end for Ang Bandang Shirley.
"We thank you for all your support and for listening to our music throughout the years."

THE GROOMING ALLEGATIONS AGAINST Ean Aguila
Ayon sa Child Rights Network Philippines, ang grooming ay nangyayari kapag ang isang nakatatanda ay intensiyonal na kinakaibigan ang isang bata para sa kanyang masamang hangarin.
Ito ang kanyang nagiging tulay para abusuhin o pagsamantalahan ang potensiyal niyang biktima.
January 2025 nang muling balikan ng netizens ang grooming allegation kay Ean ng ex-girlfriend nito noong 2017.
Ito'y matapos may isang lumutang na fan na biktima rin umano ni Ean pagdating sa grooming.
Ayon sa nasabing fan, nagkaroon sila ng relasyon ng lead vocalist-guitarist noong siya'y menor de edad pa lamang.
Labimpitong (17) taong gulang lang daw siya noon habang trenta (30) anyos naman si Ean.
Read: 17 Filipino celebrity couples with big age gaps (female edition)
Naganap ang pagbubunyag ng fan nang mag-post siya sa Instagram, na ngayon ay burado na.
Mababasa rito (publishd as is): "I was a fan of his beloved band and I was vocal about it, nung nag-comment siya sa isang original track ko sa soundcloud nung 2013.
"I was in 4th year high school. I was 17, tapos tuloy-tuloy na yun.
"I felt like I was so mature for being in a relationship with him. I honestly felt in control and cool about it.
"I was dating Ean of Ang Bandang Shirley, of course, it felt good."
2023 lang daw nang mapagtanto ng nasabing fan na na-groom siya ni Ean.
Aniya: "Walang language for this before, natutunan ko lang yung salitang grooming nung 2023.
"Since 2023 ko buhat yung bigat nung lahat ng awareness about how all that shit went na biktima pala ako after all this time."
Read: How housemates with 51-year age gap get along: “We never argue.”
2017 allegation AGAINST ANG BANDANG SHIRLEY MEMBERS
Bago ang pagsasapubliko sa umano'y pakikipagrelasyon ni Ean sa 17-year-old fan, nasangkot na rin ang kanyang pangalan sa "predatory behavior or sexual abuse" na akusasyon ng isang X (dating Twitter) user noong 2017.
Bukod kay Ean, kasama ring naakusahan ang kabanda niya sa Ang Bandang Shirley na sina Owel Alvero at Joe Fontanilla.
Mariin itong itinanggi ng tatlo.
Pahayag nila sa inilabas nila noong pahayag: "We categorically deny any insinuations of predatory behavior or sexual abuse.
"However, our misconduct contributes to a larger culture of toxic masculinity that allows for these problems to perpetuate.
"We recognize our individual accountabilities and we want to exonerate our other bandmates who were unfortunately dragged into this matter."
Taong 2003 nang mabuo ang banda sa pangunguna nina Ean at Owel.
Sa sumunod na mga buwan at taon ay unti-unting nadagdagan ang miyembro ng Ang Bandang Shirley, hanggang sa mai-release ang kanilang first album na Theme Songs noong 2008.
Ilan sa mga awitin nila ay “Nakauwi Na” (2015), “Umaapaw” (2016), “Siberia” (2016), “Favorite” (2017), “Alam Mo Ba? (Ang Gulo)” (2018), at “Isip at Kamalayan” (2022).
Read: Couple with 32-year age gap together for nearly 2 decades
