Kasunod ng nakatakdang pagde-demolish ng makasaysayang Millennium Transmitter ng ABS-CBN, binalikan ni Zsa Zsa Padilla ang panahong nagsisimula pa lang siya sa kanyang karera sa showbiz.
Noong Linggo, March 2, 2025, kasabay ng pagdiriwang ng ika-30 anibersaryo ng ASAP, nagkaroon ng pictorial at interview sa TV Patrol ang mga host ng musical-variety show kung saan background ang Millennium Transmitter ng ABS-CBN.
Suot ng ASAP hosts ang white T-shirts kung saan nakasulat ang taon kung kailan sila naging bahagi ng Sunday musical-variety show ng ABS-CBN.
Suot ni Zsa Zsa ang T-shirt na may nakasulat na Batch 1996, ang taon kung kailan siya nagsimula sa show.

Read: Zsa Zsa Padilla: The Divine Farmer
ZSA ZSA PADILLA: "I couldn’t help but feel a deep sense of melancholy."
Sa post ni Zsa Zsa sa Instagram ngayong Martes, March 4, 2025, binalikan niya ang pagsisimula ng kanyang singing career may apat na dekada na ang nakararaan.
Saad ng Divine Diva: "I’ve witnessed the many transformations of the ABS-CBN compound over the years.
"When I was beginning my singing career in 1983, the space was still used by PTV 4, and I vividly remember promoting my songs in one of the studios.
"The ELJ building we know today was just a parking lot back then."
Inaalala rin niya ang pamamayagpag ng ABS-CBN noon kung saan nagkaroon ng mga patok na palabas ang istasyon.
Aniya: "During the Aquino administration, ABS-CBN reopened its doors, and I had the privilege of doing a musical special for a season.
"Then came a grand new chapter—shows like Home Along da Riles, Palibhasa Lalake, and The Sharon Cuneta Show marked the network’s resurgence, bringing unforgettable moments to Filipino households."
Ngayong naibenta na ng ABS-CBN sa Ayala Land, Inc. ang malaking bahagi ng kanilang ari-arian, maaaring sa mga susunod na araw ay gibain na ang Millennium Transmitter ng ABS-CBN.
Read: ABS-CBN, ibebenta ang malaking bahagi ng lupa sa halagang P6.2B
Dahil dito, nakakaramdam daw ng kalungkutan si Zsa Zsa dahil maraming mga nabuong maganda at masayang alaala ang lugar na iyon ng ABS-CBN.
Ayon kay Zsa Zsa: "In 1996, I became a regular on ASAP, and from that moment on, the show became part of my life.
"Fast forward to the present, and standing with my ASAP family at the iconic ABS-CBN tower for Patrol the other night, I couldn’t help but feel a deep sense of melancholy.
"This place holds decades of history, memories, and milestones—not just for us, but for everyone who grew up watching.
"Knowing that the next time we return, the tower may no longer be there, makes this moment even more bittersweet."
View this post on Instagram
Nauna nang nagpaalam sa tower ng ABS-CBN sina Regine Velasquez at Ogie Alcasid, na kasamahan ni Zsa Zsa sa ASAP.
Read: Ogie at Regine, nagpaalam na sa Millennium Transmitter ng ABC-CBN
