Inalala ng aktor na si Albert Martinez ang ika-sampung anibersaryo ng kamatayan ng asawang si Liezl Martinez.
Sa pamamagitan ng Instagram Story, nagbahagi siya ng clips ng lumang pelikulang pinagsamahan nila.

Walang caption na nilagay si Albert sa kanyang mga repost.


Read: Liezl Martinez: good daughter, wife, mom, and friend
Pumanaw si Liezel sa edad na 47 noong March 14, 2015.
Ang sanhi ng kanyang kamatayan ay ang matagal na pakikipaglaban niya sa breast at lung cancer.
Read: Liezl Martinez dies at 47
ALBERT MATINEZ DAUGHTERS Alyanna AND ALISSA Martinez, SON Alfonso Martinez's tribute post
Nag-post din ng kanilang pangungulila ang mga anak nina Albert at Liezel na sina Alyanna Martinez, Alissa Martinez, at Alfonso Martinez.
Sabi ni Alissa sa kanyang post, "Today marks 10 years without mama.
"I really don’t know how I’ve been surviving and doing life and being a mother to three little babies without you here.
"I miss you every day and think about you a lot.
"I just can’t believe it’s been 10 long years. I wish you were here to enjoy all your grandchildren (heart emoji). You would’ve been a great Lola."
View this post on Instagram
Ayon naman kay Alyanna, "10 Years Today 3/27/67 - 3/14/15
"Not a day goes by [that I do not] wish you were still here..."

Ni-repost naman ni Alfonso ang post ng kapatid na si Alissa.

Read: Albert Martinez pays tribute to his late wife Liezl: "I owe everything to her."
FROM CHILD STAR TO WIFE, MOTHER...
Si Liezl ay nagsimula sa showbiz bilang child actress sa edad na 4, gamit ang screen name na Anna-Lissa.
Kabilang sa mga nagawa niyang pelikula bilang child actress ay ang Portrait of an Angel (1971), Liezl at ang 7 Hoods (1971), Europe Here We Come (1971), Pinokyo en Little Snow White (1972), Poor Little Rich Girl (1972), at Anghel ng Pag-ibig (1972).
Nang magdalaga ay inilunsad siya, gamit na ang screen name na Liezl, sa pelikulang Ibulong Mo Sa Puso na ipinalabas noong 1984.
Naging katambal niya rito ang isa sa pinakasikat na matinee idol noon—si Albert.
Habang ginagawa nila ang pelikula ay nagkagustuhan sina Liezl at Albert.
Sa kabila ng mahigpit na pagtutol ng ina ni Liezl na si Amalia Fuentes ay nagtanan ang dalawa at nagtungo sa Amerika kung saan binuo nila ang kanilang pamilya.
*additional text from Erwin Santiago
