PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Albert Martinez, nadiskubre ang ganda ng Basilan

Albert Martinez, travel show host na sa pamamagitan ng Wonderful Pinas.
by Jojo Gabinete
Published Oct 12, 2024
albert martinez genros sermonia wonderful pinas
Albert Martinez (left) and retired PNP Lt. General Rhodel Sermonia co-host the new travel program Wonderful Pinas, which airs on UNTV every Sunday morning beginning October 13, 2024.
PHOTO/S: Jojo Gabinete

Travel show host na rin ang seasoned actor na si Albert Martinez.

Sila ni retired PNP Lt. General Rhodel Sermonia ang mga host ng Wonderful Pinas, ang programang mapapanood sa UNTV simula sa Linggo, Oktubre 13, 2024, 9 A.M.

Pangunahing layunin umano ng programa nina Albert at GenRos ang ipakita sa lahat ang mga wonderful o kahanga-hangang travel destinations sa Pilipinas na hindi pa natutuklasan.

Malaki ang kinalaman ng pagkakaibigan ng dalawa kaya mabilis na naisakatuparan ang kanilang planong magkaroon ng travel show.

Malaki umano ang maitutulong nito sa adbokasiyang isinusulong nila—ang mapangalagaan ang kalikasan.

Read: Albert Martinez asked about his love life: "I don’t have any."

SAME PASSION

Kuwento ni Albert: “We share the same passion of trekking. Pareho kaming nagha-hike.

"Na-trek na namin from Talisay to People’s Park, Tagaytay. Mga ten kilometers yon considering I am 63 years old.

“Nabigyan ako ng panibagong buhay at interes na nae-enjoy ko with GenRos Sermonia kasi kahit saan mo siya ibato, nag-iikot yan, lakad nang lakad.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“At the same time, we have the same advocacy of preserving the environment.

"So, sa dalawang yon, nagkasama kami at nagkaroon kami ng pagkakataong mag-isip ng programa, para yung aming advocacy ay maibalik sa publiko at magawa namin into a more solid way of information.

"Ito nga yung Wonderful Pinas.”

Read: Now and then: Albert Martinez, mala-bampira ang kapogian kahit 60 years old na siya

albert martinez genros sermonia
Albert Martinez and retired PNP Lt. General Rhodel Sermonia
Photo/s: Jojo Gabinete
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

DISCOVER THE BEAUTY OF BASILAN

Kumpleto na ang labintatlong kabanata ng Wonderful Pinas.

Sa mga lugar na napuntahan niya, ang Basilan ang itinuturing ni Albert na pinakamaganda ang tanawin at hindi nauubusan ng mga pagkaing-dagat.

Paglalarawan ng aktor sa Basilan: “It’s beautiful. Dun ko na-realize na napakaganda ng Pilipinas.

"The best seafoods, the best view, ang gaganda ng mga beach.

"Yung dagat nila, sobrang virgin dahil makikita mo yung pinakamalalim na isda.

“Sabi ko kay GenRos, gawan natin ng paraan na ma-discover ang Mindanao kasi napakaganda niya.

“Ito nga, gumawa kami ng show na affordable pa sa budget at secured.

"Kasi ang problema natin sa Mindanao, yung stigma, pero galing kami doon, inikot namin, hindi ganoon.

“Napakabait at napaka-accommodating ng mga local. Nandoon yung hospitality at unli seafoods.

"Dun ko na-experience yung ayaw ko na ng lobster, pero may mga lobster pa rin.

“Nag-trekking pa kami sa bundok, it was really beautiful.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"So, dun nga nagsimula itong Wonderful Pinas.

“Nag-brainstorm kami para ma-discover yung areas na may stigma at mabigyan ng focus ng local at foreign tourists.”

Read: Albert Martinez not closing doors on new relationship

Napangiti si Albert nang itanong ng Cabinet Files kung hindi ba nagkaroon ng conflict ang taping niya para sa Wonderful Pinas at sa schedule ng kanyang taping para sa Lavender Fields, ang action-drama series ng ABS-CBN na napapanood sa Netflix.

“Hindi nagkaproblema sa schedule ng taping ng Lavender Fields, ako yung nagkaproblema!” natawang sagot ni Albert.

“Wala akong tulog dahil after taping ng Lavender Fields, diretso ako sa airport para mag-shoot for Wonderful Pinas.

“Tapos last flight, balik ng Manila diretso ako ng taping for Lavender Fields.”

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Albert Martinez (left) and retired PNP Lt. General Rhodel Sermonia co-host the new travel program Wonderful Pinas, which airs on UNTV every Sunday morning beginning October 13, 2024.
PHOTO/S: Jojo Gabinete
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results