Mas tumindi ang hinala ng netizens na nagkabalikan sina KC Concepcion at Aly Borromeo kasunod ng Instagram post ni KC nitong weekend.
Nag-post ang anak nina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion ng higit one-minute video na kuha mula sa wedding ng isang non-showbiz couple.
Sa maraming pagkakataon, kabilang sa video si Aly, dating team captain ng national football team ng Pilipinas na Azkals.
Si Aly ay dating boyfriend ni KC, at ngayon ay usap-usapang nagkabalikan sila.
Sa ipinost niyang video, ipinakita ni KC ang entourage ng kasal, kabilang dito ang paglalakad ni Aly, na isa sa groomsmen.
Makikita ring magkatabi sina KC at Aly sa reception, batay sa video ni KC.
Kinunan ng video ng aktres ang kanyang pagkain na pinag-aagawan ni Aly at ng Azkals teammate nitong si Anton del Rosario.
Kasama rin sa video ang selfie photo ni KC kasama si Aly, Anton, at isa pang male attendee.

Bago ang recent post na ito, may sightings na sina KC at Aly mula pa noong nakaraang taon.
Gayunpaman, wala pang pahayag ang dalawa kung ano ang tunay na estado ng kanilang relasyon.
PREVIOUS SIGHTINGS
Noon lamang Valetine’s Day, February 14, 2025, nagbahagi ng larawan si Aly sa Instagram. Selfie niya ito katabi ang babaeng natatakpan ang mukha ng emoji.
Hinala ng netizens, si KC ang mystery date ni Aly dahil kahawig nito ang prominenteng hugis ng mukha ni KC at ang dimple nito sa pisngi.
August 2, 2024 ay may post si KC na kuha sa Paris, France. Kasama sa post ni KC ang cropped photo ni Aly na kita ang mukha at man bun nito.
October 7, 2024, nag-post si KC sa Instagram tungkol sa ginanap na Azkals Celebrity Cup, kunsaan isa sa mga naglaro si Aly.
Sa carousel post ni KC sa IG, kasama pa niya roon ang nakababatang kapatid sa ama na si Samantha Concepcion, at ang photo ng players kunsaan naroon si Aly.
Sa caption, sinabi ni KC na “invited” siya sa event.
Read:
- Did KC Concepcion, Aly Borromeo celebrate Valentine's Day?
- WHAT PEP KNOWS: Is KC Concepcion dating ex-BF Aly Borromeo?
NETIZENS ROOTING FOR KC-ALY
Sa pinakahuling Instagram post ni KC, nagkomento ang netizens na naiintriga kung nagkabalikan ba siya at si Aly.
May nagpahayag ding supporters na boto sila kina KC at Aly.
Gayunpaman, walang sagot si KC sa mga komento.


Taong 2018 nang kumpirmahin ni KC, sa pamamagitan ng Instagram, ang breakup nila ni Aly matapos ang two-year relationship.
Caption noon ni KC: “If the stars choose to align us together again in the future, then why not? Who knows what will happen then. Timing is everything. As for me, I've decided to fully support him at the same time move on and spread my wings.”
Ang malaking katanungan ngayon: muli bang pinagtagpo ng tadhana ang dating magkasintahan?
Aantabayanan natin ang kanilang pahayag ukol sa tunay na estado ng kanilang relasyon.
Read: KC Concepcion breaks silence on rumored breakup with Aly Borromeo
