PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Shaira Diaz "shookt" by EA Guzman's butt exposure at fashion show

Shaira Diaz: "Yung pwet ng asawa ko alam na ng lahat itsura..."
by Khryzztine Joy Baylon
Published Mar 22, 2025
Shaira Diaz on EA Guzman's butt exposure at Body of Work: The Bench Show
Shaira Diaz (m) on fiance EA Guzman's butt exposure at Body of Work: The Bench Show (published as is): "Sabi mo sakin sasayaw ka lang, nagulat ako nagsigawan sa labas..."
PHOTO/S: Shaira Diaz and EA Guzman on Facebook

Gulat at gulat at tila hindi pa rin naka-get over ang Kapuso TV host-actress na si Shaira Diaz sa ginawa ng kanyang fiancé na si Edgar Allan "EA" Guzman sa katatapos lang na Body of Work: The BENCH Show.

Nitong Biyernes, March 21, 2025, rumampa ang iba't ibang personalidad—kasama ang magkasintahan—sa SM Mall of Asia Arena.

Read:

Body of Work: The Bench Show highlights and sidelights

KathVid, KathDen, at mga tinilian sa Body of Work: The Bench Show

Kanya-kanyang gimmick ang mga artista. May dumating na naka-motorsiklo, may nag-aerial dance, may nagpakilig, at kung anu-ano pang pakulo.

Si EA, suot ang purple boxers, ay confident na rumampa at nag-flex ng muscles.

Pero bago nilisan ang stage, may panggulat pala ang aktor: wala siyang kiyemeng ibinaba ang suot na boxers at ipinakita ang butt.

Dumagundong ang malakas na sigawan sa venue.

ea guzman's butt exposure at body of work: the bench show
EA Guzman posts on his social-media accounts a photo of his butt exposure at the Body of Work: The Bench Show.
Photo/s: Screen Grab from EA Guzman on FacebooK

Read: Edgar Allan Guzman, Shaira Diaz claim they've been celibate since 2013

SHAIRA DIAZ SHOCKED BY EA GUZMAN'S BUTT EXPOSURE

Ngayong Sabado, March 22, sunud-sunod ang posts ni Shaira sa kanyang Facebook account.

"Shookt" siya.

Saad niya (published as is): "PWETMALU KA EA Guzman [laughing in tears emoji] lintek na yan!

"Sabi mo sakin sasayaw ka lang, nagulat ako nagsigawan sa labas, tanong ko pa sa FD, “bakit nagtilian? Si EA ba yun?? Ano ginawa??” *nagpakita daw* syempre ako *HA??*

"pagbalik backstage.. Me: baba ano ginawa mo? Bakit sila nagtilian? Baba: *ngumiti lang*

"ABA AYON PALA GINAWA. MAGALING."

Dagdag na post ni Shaira (published as is), "Mygooodnessssss! Yung pwet ng asawa ko [crying in tears emoji] alam na ng lahat itsura susginoo!

"Hindi ko talaga alam! Im shookt!!!"

Read: Shaira Diaz on Catching Edgar Allan Guzman Watching Porn

NETIZENS REACT

Sa comments section ng mga posts ni Shaira, wala namang mababasang kritisismo sa ginawa ni EA.

Komento ng isang netizen (published as is), "That is called being professional. Let’s not judge him for what he did. that's why it’s called Bench Body work. That show was created specifically for undergarments. I don’t see anything wrong with what he did, except for how some people perceive it based on their own views and opinions. It’s up to the runway model how they choose to present the trunks they’re wearing. Besides, we all know his wife isn’t narrow-minded enough to judge him over something like that. Just spread the love and enjoy the show!"

Mabilis itong sinang-ayunan ni Shaira (published as is), "yes! I support him all the way!"

May ilang netizens ding inasar si Shaira na nauna pa raw ipinakita ni EA sa publiko ang butt nito kaysa sa aktres.

Saad ng isang netizen (published as is), "Shaira, nauna pa namin nakita kesa sayo."

Sabi pa ng isa (published as is), "Ikakasal na daw po kasi so, pa gift nyo na lang po Miss Shaira sa mga fans nyo hahahaha na view lang naman po hindi naman po na touch."

Read: Shaira Diaz, kinumpirma ang petsa ng kasal nila ni EA Guzman

Dagdag pa ng isa (published as is), "Yung iba na naka una maka kita ng wetpaks ng asawa mo madam pero ikaw hindi pa."

May koneksiyon ang komentong ito ng mga netizens sa pag-amin nina Shaira at EA noon na wala munang premarital sex hangga't hindi sila ikinakasal.

Magseselebra ng 12th anniversary ang couple sa taong ito.

Sa August 2025 ang kanilang wedding.

Read: Shaira Diaz, EA Guzman still practice celibacy on their 12th year

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Shaira Diaz (m) on fiance EA Guzman's butt exposure at Body of Work: The Bench Show (published as is): "Sabi mo sakin sasayaw ka lang, nagulat ako nagsigawan sa labas..."
PHOTO/S: Shaira Diaz and EA Guzman on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results