Hindi napigilang maging emosyunal ng content creator-actor na si Esnyr Ranolla nang mag-open up siya tungkol sa hidwaan nila ng kanyang ama.
Sa episode ng Pinoy Big Brother: Celebrity Collab Edition nitong Martes, April 1, 2025, isa-isang ibinahagi ng housemates ang misconception sa kanila ng ibang tao.
Parte ito ng task ng house guest na si Miss Universe Philippines 2023 Michelle Dee.
Read: PBB Celebrity Collab Edition: Meet the 15 housemates
Pagbabahagi ni Esnyr, dahil sa positibo niyang personalidad, akala ng maraming tao ay wala siyang binibitbit na problema.
Pero lingid sa kaalaman ng marami, sa likod ng kanyang masayahing imahe sa harap ng camera ay ang masalimuot na relasyon niya sa sariling ama.
Read: PEP Most Influential 2024 Social Media Superstar: ESNYR
Kuwento ni Esnyr, nagsimula ang gusot nila ng kanyang ama nang magpunta siya sa Maynila, buhat sa Davao del Sur, para isulong ang career niya bilang content creator.
Sa Maynila raw kasi niya nakita ang oportunidad na kumita ng malaking halaga para pantustos sa pangangailangan ng kanyang pamilya.
Saad ni Esnyr: "Misconception sa akin ng ibang tao is sobrang saya kong tao, na sobrang dami kong kaibigan, at sobrang stable ko na sa life.
"Sana nga marami akong kaibigan na masasabihan ko ng mga problema ko kasi yung ibang tao iniisip nila sa akin na okay ako, na sobrang busy kong tao, [which is] no.
"No one bothered to check up on me."
Patuloy niyang lahad: "Noong nagsimula kasi ako noong pandemic, [kumikita] ako sa mga video ko ng mga tigpa-five K [PHP5,000], tigte-ten K [PHP10,000], ganyan.
"Tapos napapansin ko sa ref namin na wala na kaming ulam, wala talagang laman yung ref namin.
"So [sabi ko] ako na bahala sa grocery, ako na bahala sa kuryente, ganyan. Sobrang little things lang hanggang sa palaki nang palaki.
"Hanggang ayun nga, nagkaroon ako ng opportunity dito sa Manila, doon pala magsisimula yung problem ko sa family ko."
Read: PBB Celebrity Collab, mas humahataw sa online kumpara sa free TV
Dumating daw sa puntong tumawag sa kanya ang mga magulang niya para sabihing makukulong ang kanyang ama dahil sa pagkakautang nila.
Bilang anak, natakot si Esnyr sa maaaring sapitin ng kanyang tatay kung kaya't ginawa raw niya ang lahat para makabayad ng utang.
Lahad niya: "One day, nag-call sa akin yung parents ko, tapos sasabihin na makukulong papa ko kasi raw may utang daw kami.
"Tapos sakto pala yung utang namin ganoon kalaki sa makukuha kong [sahod].
"Siyempre ayokong makulong papa ko kaya binigay ko ta's nangutang ako. Doon nag-start yung utang chronicles ko.
"Since medyo malaki yung binayaran ko para lang hindi makulong ang father ko, like, kumayod ako, tinanggap ko lahat-lahat ng brands.
"Every day gumagawa ako ng script, mag-e-edit ako, magsu-shoot ako."
Read: Ashley Ortega says PBB Celebrity Collab stint "life-changing"
ESNYR RECALLS Instance when he wasn't able to reply TO HIS FATHER'S TEXT
Sa sobrang busy raw ni Esnyr sa paggawa ng kanyang content, may mga pagkakataong hindi niya nasasagot ang mga text message ng kanyang ama na noo'y humihingi ng pera.

Dito raw nagsimulang makarinig si Esnyr ng masasakit na salita mula sa kanyang ama.
Aniya: "Sobrang busy ko that time na nagme-message sila Papa sa akin, monthly sila nagme-message, 'Saan na yung pera?'
"Tapos hindi ako nakapag-reply.
"Doon ko unang natanggap yung unang message ng papa ko sa akin na, 'Grabe ka magpasarap sa buhay mo diyan. Kaya mo makita yung parents mo na naghihirap. Pero sige lang, gusto kong malaman mo na mabubuhay kami kahit wala ka.'"
Read: AC Bonifacio, Ashley Ortega first evictees in PBB Celeb Collab
Sa puntong ito ay nagsimula nang mapahagulgol sa iyak si Esnyr.
Giit ni Esnyr, ginagawa naman niya ang lahat pero pakiramdam niya ay kulang pa ito para matawag at matrato siyang mabuting anak ng sariling ama.
Sa tanang buhay raw kasi niya ay never siyang nakarinig ng papuri mula sa kanyang ama sa lahat ng naitulong at nagawa niya sa kanilang pamilya.
Umiiyak na sabi ni Esnyr: "Sobrang sakit nun kasi ginawa ko lahat para sa kanila. Hindi ako humihingi ng mga bagay sa kanila. Ako yung bigay nang bigay.
"Takot nga akong tawagin yung sarili ko na breadwinner kasi si Papa, sinasabi niya sa akin na, 'Huwag mo namang i-take credit lahat kasi nagwu-work naman ako.'
"Nage-gets ko naman yon.
"Every month nagme-message siya sa akin na, 'Hello, John [Esnyr's second name], kumusta diyan?'
"Tapos magre-reply ako. After nun, always na nanghihingi. Never ako na-chat na kumusta, na kumusta lang.
"Never in my life naging close kami.
"Never in my life nagsabi ako ng 'I love you' sa kanya.
"Never in my life sinabihan niya ako ng 'I love you, sobrang saya ko na anak kita.'
"Wala, wala akong narinig na ganun."
Read: Esnyr, apple of the eye ng PBB Celebrity Collab male housemates
ESNYR hopES TO be on good terms with his father
Aminado si Esnyr na may nararamdaman siyang tampo sa kanyang ama.
Ganunpaman, ito raw ngayon ang ginawa niyang motibasyon sa pagpasok sa PBB house.
Nais daw niyang iparating sa ama ang tapat at umaapaw na pagmamahal dito — na lahat ay kaya niyang gawin para mabigyan sila ng maayos at matiwasay na buhay na malayo sa kanyang nakagisnan.
Aniya: "Gusto ko talaga na sumali dito [sa PBB] kasi hindi lang dream ko sa sarili ko na gustong maging kauna-unahang LGBT [lesbian, gay, bisexual, and transgender] representation sa Big 4, pero talagang mostly para talaga sa pamilya ko.
"Gusto kong malaman nila ang sobrang mahal na mahal ko sila."
Read: Herlene Budol expresses support for Ashley Ortega in PBB
Sa huli, nagbigay ng mensahe si Esnyr sa kanyang ama.
Aniya: "Pa, sobrang mahal kita, Pa. I'm doing everything for you.
"Kahit wala man itong PBB o meron, gusto ko lang na magiging okay kami ng papa ko kasi parang buong buhay ko na ito binibitbit."
