Halatang matindi ang sama ng loob ni Dennis Padilla dahil naging "visitor" o guest lang siya sa halip na "father of the bride" sa kasal ng sarili niyang anak na si Claudia Barretto kahapon, April 8, 2025.
Bukod sa burado na niyang post sa Instagram tungkol dito, nag-iwan din ng maanghang na komento si Dennis sa Instagram post ng isa pa niyang anak na si Julia Barretto.
Sina Julia at Claudia ay mga anak ni Dennis sa dating asawa na si Marjorie Barretto. Ang isa pa nilang anak ay si Leon Barretto.
Ikinasal si Claudia sa kanyang long-time boyfriend na si Basti Lorenzo kahapon.

Kinagabihan, habang ginaganap pa ang reception ng kasal nina Claudia at Basti, isinapubliko ni Dennis ang kanyang himutok sa pamamagitan ng social media.
Buong post niya: (published as is): "GRABE KAYO!! NABUDOL NYO AKO! FATHER OF THE BRIDE NAGING VISITOR! GALING NYO!"

Dalawang beses itong ipinost ni Dennis sa kanyang social media accounts na kalaunan'y dinelete din niya.
Read: Dennis Padilla heartbroken after being treated as "visitor" at daughter Claudia's wedding
DENNIS leaves comment on Julia's Instagram post
Lumalabas na hindi lang kay Claudia may sama ng loob si Dennis.
Nitong umaga ng Miyerkules, April 9, nagkomento si Dennis sa isang post ni Julia sa Instagram.
Bagamat wala kakune-konekta ang nasabing post ni Julia sa kasal ng kapatid na si Claudia, dito napiling ilabas ni Dennis ang himutok sa kanyang mga anak.
Maanghang na komento ng aktor (published as is): "Kapal nyo."

Agad din itong binura ni Dennis, ngunit marami na sa followers ni Julia ang nakapag-screenshoot nito at ni-repost sa social media.
Read: Dennis Padilla hopes for longer talk with estranged children
JULIA REPOSTS sweet VIDEO WITH SISTER DANI FOLLOWING DENNIS'S COMMENT
Tila hindi naman nagpaapekto rito si Julia.
Ilang oras matapos mag-comment ng kanyang amang si Dennis ay isang video ang ni-repost ni Julia sa Instagram Stories.
Sa video ay makikita ang sweet bonding nila ng half-sister niyang si Dani Barretto sa kasal ni Claudia.
Si Dani ay anak ni Marjorie Barretto sa dati nitong nakarelasyong si Kier Legaspi.
Read: Dani Barretto and Julia Barretto: No sibling rivalry
Mapapakinggan sa background ng IG Story ni Julia ang awiting "Dont Worry Be Happy" ng American-singer na si Bobby McFerrin.

Read: Dani Barretto on father Kier Legaspi, being a prodigal daughter
Samantala, hindi na rin makikita sa social media accounts ni Dennis ang in-upload niyang larawan ng muling pagkikita nila ng tatlo niyang anak na sina Julia, Claudia, at Leon.

Read: Dennis Padilla reunites with children Julia, Claudia, and Leon
Hinala ng netizens, dala ito ng labis niyang galit at tampo dahil sa mga pangyayari sa kasal ni Claudia.
Read: Dennis Padilla deletes photo with children Julia, Leon, Claudia
