Patuloy na usap-usapan ang estado ng relasyon ng Kapuso actress na si Kyline Alcantara at basketbolistang si Kobe Paras.
Nagsuspetsa ang netizens na hiwalay na ang dalawa matapos umanong mag-delete kamakailan si Kobe ng ilang mga litrato nila ni Kyline sa Instagram.
Read: Did Kyline Alcantara, Kobe Paras break up?
Maging si Kyline, ayon sa mga tagahanga nito, ay nagbura rin ng mga larawang kasama si Kobe.
Sa kabila nito ay pinabulaanan ng ama ni Kobe na si Benjie Paras ang haka-haka at sinabing maayos ang relasyon ng dalawa.
"Ewan ko sa kanila. Magkasama lang kami, nag-inuman pa, eh," sagot ni Benjie sa Viber message na ipinadala ni Gorgy Rula ng PEP Troika.
Pagdidiin ni Benjie: "Sila pa rin."
Read: Kobe Paras at Kyline Alcantara, di totoong hiwalay na — Benjie
KOBE'S PARTY PICTURES
Samantala, lalong kinutuban ang mga tagahanga nina Kyline at Kobe na nagkakalabuan ang dalawa matapos lumabas ang mga larawan ng huli na nagpa-party at tila may kasamang mga babae.
Wala si Kyline sa mga picture na lumabas online.
Isang content creator na tagahanga raw ni Kyline ang gumawa ng Reel na nagpapakita ng mga larawan at may naka-superimpose na mga salitang: "Lifestyle na gusto niya."
Makikita rin dito ang caption niya sa Reel: "Life style niya parang nakawala sa hawla."
Agad namang dumepensa ang kapatid ni Kobe na si Andre Paras at matalinong sinagot ang content creator.
Ani Andre (published as is): "Kobe is with his friends and he’s having fun. They are doing it in the right place and time. They are in a club. It’s legal to have fun and make noise there right?
"Magtaka po kayo kapag nag club ang isang tao tapos nag nagbabasa lang sila lang ng libro doon o kaya pumunta doon para lang matulog."
Sumbat ni Andre sa content creator: "I know what you’re trying to do
"You’re trying to make my brother look like a bad person."
Tungkol naman sa mga babaeng nasa larawan, sinabi ni Andre na kung magii-stalk din lang, dapat nalamang "girlfriends" ito ng mga barkada ni Kobe.
KYLINE UNFOLLOWS KOBE ON IG
Pero tumibay ang teorya ng netizens na hiwalay na ang dalawa matapos mapansin ng ilan nitong weekend na nag-unfollow na si Kyline sa Instagram account ni Kobe.

Ito na nga kaya ang sinyales na break na ang magkasintahan?
Patuloy namang naka-follow si Kobe kay Kyline sa nasabing social media app.

KYLINE ALCANTARA AND KOBE PARAS DATING TIMELINE
November 1, 2024, sa "Cosmo Confession" na lumabas sa YouTube channel ng Cosmopolitan Philippines, unang inamin ni Kobe na "dating" ang estado ng relasyon nila ni Kyline.
Read: Are Kyline Alcantara and Kobe Paras dating?
Dito kasi ay natanong ang binata kung sino ang kanyang "biggest celebrity crush."
Aniya, "Kyline Alcantara, because we are dating."
Sundot na tanong sa kanya, "When did you realize that you had a crush on her?"
Nakangiti ngunit tipid na sagot ni Kobe, "Early this year."
Bago pa ang pag-amin ni Kobe ay marami na ang nakapansin sa closeness ng dalawa at madalas silang makita na magkasama sa labas.

Read: HARD LAUNCH? Kobe Paras and Kyline Alcantara spotted HHWW
Naging madalas din ang pag-comment ni Kobe sa mga social media post ni Kyline, bagay na nagpakilig sa mga tagahanga ng dalawa.
Nasundan pa ito ng ibang pictures at videos na nag-viral, at nagpapakita ng sweetness ng dalawa sa publiko.

Read: Kyline Alcantara “kandong” video with Kobe Paras goes viral
Ikinatuwa rin ng kanilang mga tagahanga ang malamang nakilala na nila Kyline at Kobe ang pamilya ng isa't isa.

Read: Kyline Alcantara spotted with Kobe Paras and family
Pero lately ay naging madalang nang makita ang dalawa sa publiko, dahilan para isipin ng marami na tila nagkakalabuan na ang relasyong Kyline at Kobe.