PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Miles Ocampo now managed by All Access to Artists

Miles Ocampo dreams of working with Judy Ann Santos.
by Rose Garcia
Published Apr 25, 2025
Miles Ocampo now managed by All Access to Artists, the same talent agency handling Maine, Marian.
Actress-host Miles Ocampo now belongs to Triple A Management, the same talent management arm that manages the careers of Marian Rivera, Carla Abellana, and Maine Mendoza.
PHOTO/S: @raymondcauilan / @milesocampo Instagram

Pumirma ng management contract si Miles Ocampo sa All Access to Artists, aka Triple A Management.

Ang Triple A ay talent management company, kunsaan kabilang sa artists ang kaibigan ni Miles na si Maine Mendoza, gayundin sina Marian Rivera at Carla Abellana.

Pinamumunuan ito nina Direk Michael Tuviera (president at CEO), Jojo Oconer (CFO at COO), at Jackie Cara (head of Operations and Sales).

Ginanap na contract signing sa Lola Ote’s Restaurant sa Quezon City noong April 22, 2025.

Dito ay paulit-ulit sa pagsasabi si Miles na tinatanong daw niya ang mga boss ng Triple A kung sigurado na raw bang papipirmahin siya ng kontrata.

Ganitong-ganito rin si Miles nang ilunsad siya sa unang seryeng pinagbidahan, ang Padyak Princess ng TV5, na umere noong June-September 2024.

Hindi siya makapaniwala noon nang ipagkatiwala sa kanya ang isang lead role sa show ng APT Entertainment, ang production company ni Tuviera.

Kung tutuusin, mula pagkabata, ilang beses na ring napatunayan ni Miles ang husay niya bilang aktres.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pero, bakit tila hindi siya makapaniwala na susugalan siya ng iba?

Kaya diretsong tanong namin kay Miles, wala ba siyang kumpiyansa sa sarili at kakayahan niya?

“Actually, meron naman kapag nandiyan na," nakangiting sagot ni Miles.

Paliwanag niya: "Kapag nandiyan na ang moment, wala akong choice kung hindi ibigay ang 101% best ko.

“Pero, ganun kasi ako lumaki. Lumaki ako sa industriya na alam kong replaceable ka talaga.

"Kahit may na-offer na project sa iyo, hangga’t hindi pa umeere, hindi ka pa sigurado. Hangga’t hindi pa umeere, puwede pang mapunta sa iba.

“So, lumaki ako na ang mindset ko dito sa industry, you always have to prove yourself para tumagal ka."

Ayaw daw niyang makampante.

Pagpapatuloy ni Miles: “Siyempre, hindi lang dapat sa trabaho ka magaling. Dapat marunong ka rin makisama sa paligid mo.

“At the end of the day, minsan, kahit ano ang ugali mo, minsan kahit hindi ka ganun ka-101% mag-perform, pero alam nilang marunong kang makisama, ikaw pa rin ang pipiliin nila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Pinalaki rin ako ng mga magulang ko na kailangan, stay humble lang.

"At the end of the day, hangga’t may mga taong nagtitiwala, ibinibigay ko po talaga lahat.”

Maine Mendoza, Vic Sotto and Miles Ocampo hosting
Maine Mendoza, Vic Sotto and Miles Ocampo hosting "Peraphy" segment on Eat Bulaga! April 24, 2025 episode.
Photo/s: Eat Bulaga!

Read: Miles Ocampo and Elijah Canlas PDA caught on camera

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

MILES GRATEFUL FOR WHAT SHE ACHIEVED

Ang mga ka-batch ni Miles bilang child stars at mainstay ng Goin’ Bulilit ay sina Sharlene San Pedro, Julia Montes, at Kathryn Bernardo.

Hindi raw si Miles ang tipo na nagkukumpara sa iba ng kung anumang naabot niya.

Mas nananaig daw sa kanya ang pagiging grateful.

"Sabi ko nga noon, di ba, dumating sa point nung bata-bata ako, na naiinip na ko. Na bakit ang tagal? Hanggang dito na lang ba ko?

“Dumating sa point na habang tumatagal ka sa industry, dun ko napatunayan na hindi naman pala importante na ikaw ang pinakasikat.

“That’s why I’m here,” sabi ni Miles.

Sa pagpili ng roles, dagdag niya, “Dun ako sa longevity. Dun ako sa hindi mo kailangang maging lead all the time.

“As long as maganda yung role at na-deliver mo nang maayos.”

Read: Elijah Canlas reveals relationship status with Miles Ocampo

MILES DREAMS OF WORKING WITH JUDY ANN

Sa mga artista, ang pangarap daw ni Miles na makatrabaho ay si Judy Ann Santos.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kasama ni Miles ang mister ni Judy Ann, si Ryan Agoncillo, sa daily noontime show na Eat Bulaga!

May mga okasyong kasama ni Ryan si Judy Ann, kaya nakilala na raw ni Miles ang idolo.

“Alam niya po na starstruck ako, na minsan sinusuway niya ako kapag nakikita niyang nahihiya ako sa kanya," tukoy ni Miles kay Judy Ann.

“Minsan, may mga party po, like birthday ni Kuya Jose [Manalo], may mga ganun.

"Nakaka-starstruck talaga na tatahimik na lang ako minsan.”

Hindi raw siya nagkaroon ng pagkakataong makatrabaho ito kahit noong pareho silang Kapamilya.

“Hindi po talaga, kaya yung hiya ko… siyempre, dream ko yun na maka-work ko.

“Alam ni Kuya Ryan na nahihiya ako. Pero minsan, tumatambay kami sa bahay nila, pero nahihiya pa rin ako,” natawang sabi ni Miles.

Kung mabibigyan ng pagkakataon, gusto raw niya na magkasama sila sa isang proyekto na drama ang genre.

“Parang bata pa lang po ako, si Ms. Judy Ann na ang gusto kong makasama.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

ON SCRIPTWRITING

Isa rin sa hilig ni Miles ang pagsusulat. Kaya nakatapos siya ng scriptwriting workshop ni National Artist Ricky Lee.

“Tuwing makikita ko ni Sir Ricky, napi-pressure ako,” natawang pag-amin ni Miles.

“Hindi ko nga binabalikan, pero isa iyon sa mga gusto kong gawin this year.

"Kasi, gusto ko ngang makapagsulat. Malay mo, may sarili akong pelikula, kung papayagan ako.

“Kumbaga, nandito po ako sa stage ngayon na I wanna explore. I want to collaborate with different people. Sobrang gutom kong mag-acting talaga.”

Ayon kay Cara, head of operations ng Triple A, posibleng bigyan ng oportunidad si Miles na makapagsulat ng script, lalo na't may APT Entertainment, na sister company ng Triple A.

Si Miles ay galing sa Crown Artist Management, ang talent management company na pinamumunuan ng mag-asawang Maja Salvador at Rambo Nunez.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Actress-host Miles Ocampo now belongs to Triple A Management, the same talent management arm that manages the careers of Marian Rivera, Carla Abellana, and Maine Mendoza.
PHOTO/S: @raymondcauilan / @milesocampo Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results