Inamin ni Miles Ocampo, 28, na apat na taon na ang relasyon nila ni Elijah Canlas, 24.
Bandang November 2023 nang mapabalitang hiwalay na sila, pero pagsapit ng March 2024 ay sinubukan nilang ayusin ang kanilang relasyon.
Read: Miles Ocampo now managed by All Access to Artists
Makalipas ang ilang buwan, unti-unting naging bukas ang dalawa sa kanilang pagbabalikan.
Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), inamin ni Miles na "napag-uusapan" na nila ni Elijah ang kasal.
"Sabi ko nga, hindi naman kami magkakabalikan kung hindi namin nakita yung isa’t isa. Kung hindi namin pinipili at minamahal ang isa’t isa," ani Miles.
Hindi naman daw sila nagmamadali sa ngayon.
"Pareho kaming marami pang gustong gawin. Pareho pa kaming marami pang gustong patunayan sa industry.
"Alam namin na we’ll get there.
"Pero right now, ine-enjoy muna namin ang isa’t isa at trabaho.
Aminado si Miles na may ibang couples na kahit na matagal nang magkarelasyon ay hindi nauuwi sa kasalan.
Pero diin ni Miles, naniniwala pa rin siya sa long-term relationship.
"Nasa sa inyo naman iyan ng partner mo kung pareho niyong pipiliin ang isa’t-isa.
"Di ba, may mga days naman na stressed kayo pareho sa work niyo, pero kung nandiyan kayo for each other, kung pareho niyong pinipili ang isa’t isa..."
Read: Miles Ocampo and Elijah Canlas PDA caught on camera
MILES OCAMPO SIGNS UP WITH ALL ACCESS TO ARTISTS
Inihayag ito ni Miles nang makapanayam ng PEP at ibang press nang pumirma siya ng kontrata sa All Access To Artists, aka Triple A management.
Naganap ang event noong April 22, 2025 sa Lola Ote’s Restaurant sa Quezon City.
Ang Triple A ay talent management company, kunsaan kabilang sa artists ang kaibigan ni Miles na si Maine Mendoza, gayundin sina Marian Rivera at Carla Abellana.
Pinamumunuan ito nina Direk Michael Tuviera (president at CEO), Jojo Oconer (CFO at COO), at Jackie Cara (head of Operations and Sales).
Biniro ni Direk Mike si Miles na "end of contract" na raw sakaling magdesisyon si Miles na magpakasal na.
Si Miles ay tatlong taon nang isa sa co-hosts sa Eat Bulaga!, ang daily noontime show na co-produced ng TVJ Productions at MediaQuest Holdings sa TV5.
