Isang bittersweet goodbye message ang ibinahagi ni Miss Universe Asia at Miss Universe Philippines 2024 Chelsea Manalo sa Instagram kahapon, May 5, 2025.
Sa post ni Chelsea, sinabi nitong kasama sa napanalunan niyang korona noong isang taon ang responsibilidad.
Sa loob daw ng kanyang isang taong reign, marami siyang nakilalang iba't ibang indibidwal at nagkaroon siya ng kaparaanan upang tumulong sa iba.
Mensahe ni Chelsea: "From the moment I was crowned, I knew this was more than just a title, it was a responsibility, an opportunity to inspire, and a chance to grow.
"Throughout, I have had the privilege of meeting incredible people, of being given a platform to support meaningful causes, and to represent not just myself, but a community that I cherish deeply."
Read: Chelsea Manalo wins Miss Universe Philippines 2024
Ayon pa kay Chelsea, ibang-iba ang naging karanasan niya na malaking tulong sa kanyang pagyabong bilang babae.
Kahit nagtapos na ang kanyang reign, hindi naman daw ito nangangahulugang titigil na ang kanyang biyahe sa buhay.
Saad niya: "Every experience from the glamorous moments on stage, to the heartfelt connections developed behind the scenes have been stepping stones in my growth as a woman and as a leader.
"Though my reign is ending, my journey does not stop here. I will carry the lessons, memories, and friendships with me forever.
"Thank you all for making this an unforgettable experience."
View this post on Instagram
Read: Miss Universe Philippines 2024 Question and Answer
FROM CHELSEA MANALO TO AHTISA MANALO
Sa Miss Universe Philippines 2025 grand coronation noong Biyernes, May 2, ay ipinasa ni Chelsea ang kanyang korona sa nagwaging si Ahtisa Manalo ng Quezon Province.
Si Ahtisa ang magiging kinatawan ng Pilipinas sa Miss Universe 2025 na gaganapin sa Thailand sa November 2025.
Read: Ahtisa Manalo's poise after stage slip draws praise online
Sa Miss Universe Philippines 2024 ay naging mahigpit na magkalaban sina Chelsea at Ahtisa.
Ngunit sa huli ay si Chelsea ang nakakuha ng pinakaaasam na korona habang si Ahtisa naman ay itinanghal na second runner-up.
Ngayong taon ay muling sinubukan ni Ahtisa ang kanyang kapalaran nang lumahok ulit sa Miss Universe Philippines 2025.
At sa huli ay hindi naman siya nabigo dahil siya na ang nanalo.
Sa first official announcement ng Miss Universe Philippines Organization sa pagkapanalo ni Ahtisa ngayong taon ay nagkomento ng heart emoji si Chelsea.
Read: Ahtisa Manalo of Quezon Province crowned MUPH 2025
View this post on Instagram

