PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Ice Seguerra refutes pregnancy rumor

Years have passed since Ice Seguerra and Liza Diño revealed their IVF plans.
by Khryzztine Joy Baylon
Published May 15, 2025
Ice Seguerra slams pregnancy rumors
Ice Seguerra on new pregnancy rumor: "HINDI PO AKO BUNTIS!!! Bilbil lang po ito."
PHOTO/S: Ice Seguerra on Facebook

Hindi totoong buntis ang OPM singer at transgender man na si Ice Seguerra.

Ito ang nilinaw ni Ice makaraang may lumabas na litrato nila ng asawang si Liza Diño na nagsasabing nagdadalantao raw ang singer.

Maraming netizens ang agad itong pinaniwalaan, dahil bukod sa litrato nila ni Liza ay may kalakip na sonogram ang kumalat na post.

Bago pa patuloy na paniwalaan ang maling impormasyong iyon, pinabulaanan ni Ice ang balitang buntis siya.

Sa Facebook nitong Miyerkules, May 14, 2025, ipinost niya ang screenshot ng kumakalat na post. Nilapatan niya ito ng salitang "FAKE NEWS!"

Hirit pa niya, belly fats lang ang mayroon siya.

Mababasa sa kanyang caption (published as is), "HINDI PO AKO BUNTIS!!! Bilbil lang po ito. #FakeNewsAlert."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

ICE'S PREVIOUS PREGNANCY RUMORS

Hindi ito ang unang pagkakataong pinabulaanan ni Ice ang maling impormasyong siya ay buntis.

Noong 2019 naintriga na rin siya nang may lumabas na tweet sa X (dating Twitter) na nagsasabing siya ay nagdadalantao.

Sabi rito: "OMG! Shocking! Aiza Seguerra is PREGNANT after Many Years Wife Liza Seguerra REVEALED!

"How Aiza Seguerra and Liza Dino seguerra made it possible to have a baby?

"Daming negative comments! PANOORIN DITO."

Sa halip na mainis, idinaan na lang sa biro ng singer-actor ang kanyang reaksiyon sa maling balita tungkol sa kanya nang ipost niya ito sa Instagram.

Sabi ni Ice, "Ayos! May excuse na ako kung bakit ako mataba. [face with tears of joy emoji] #kahitakonashock"

Read: Ice Seguerra laughs off fake news that he's pregnant

ICE-LIZA'S BABY PLAN VIA IVF

Samantala, bukas sa pagsasabi si Ice at asawang si Liza na pangarap nilang bumuo ng pamilya.

Liza Dino and Ice Seguerra on FDCP events
Ice Seguerra (right) pens appreciation post for wife Liza Diño as they marked their 12th “commitment-versary" on May 15, 2025.
Photo/s: @lizadino Instagram
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Ice Seguerra willing to carry baby if wife Liza Dino will have high-risk pregnancy

Dati nang naiulat ang plano nilang makabuo ng anak via IVF, o in-vitro fertilization.

Ang IVF ay assisted reproduction medical procedure, kunsaan kumukuha ng egg cells mula sa ovary ng isang babae at saka ipagsasama ito sa sperm ng lalaki sa isang laboratory.

Kapag na-fertilize na ang pinagsamang egg cells at sperm, ito ay kailangang maipunla sa uterus ng babae o ng surrogate mother na siyang magdadala ng bata sa sinapupunan nito.

Sa kaso ng mag-asawang Ice at Liza, si Liza ang tatayong surrogate mother habang ang eggs naman ay nagmula kay Ice.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Liza noong February 2022 ay ipinagtapat nitong nakahanap na sila ng sperm donor.

Paglahad niya: "Hindi na ako bata. Inabot na tayo ng ilang ano… kita mo tumaba na ako.

"And yun nga, sana maano namin, ma-process namin yung kailangang gawin para maka-IVF na kami. Marami rin kasi ang naging restrictions dito in terms of the process, para magawa yung proseso.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Kailangan na lang magtagpo. Kailangang magtagpo nung donor at nung mismong... kailangan yung phase noong process ng IVF.

"So, it’s either from the US dadalhin sa Malaysia yung sperm para ma-fertilize sa frozen egg ni Ice para maging embryo siya.

"Or kung hindi sa Malaysia…. yung egg ni Ice yung pupunta ng, dadalhin sa US for the process. So, yun iyong dalawa lang yun."

Ilang beses nang plinano iyon ng couple, pero ipinagpapaliban nila dahil sa mga kunsiderasyon nila sa trabaho.

Read: Liza Dino, Ice Seguerra making headway in baby plans via IVF

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ice Seguerra on new pregnancy rumor: "HINDI PO AKO BUNTIS!!! Bilbil lang po ito."
PHOTO/S: Ice Seguerra on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results