PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Vic Sotto proud of son Vico being the standard of good governance

Vic Sotto: “Matindi yung napatunayan niya sa Pasig, e.”
by Arniel C. Serato
Published Jun 9, 2025
Vic Sotto very proud of son Vico Sotto as public servant
Vic Sotto on son Mayor Vico Sotto: "Hindi naman sa pagyayabang, pero matindi yung napatunayan niya sa Pasig, e. Na kung gugustuhin ng ating mga leaders, na talagang sugpuin at puksain ang korapsyon ay kaya. Kailangan lang talagang manindigan ka."
PHOTO/S: Arniel Serato / Facebook

Hindi talaga maiaalis kay Vic Sotto ang pagiging proud sa anak niyang si Pasig City re-elected Mayor Vico Sotto.

Napanalunan ni Vico ang kanyang pangatlo at huling termino bilang mayor ng lungsod ng Pasig matapos ang landslide victory niya sa katatapos lang na May 12, 2025 election.

Si Mayor Vico ay anak ni Vic sa aktres na si Coney Reyes.

Read: How did celebrities fare in the 2025 elections?

Sa tingin ba ni Vic ay tatakbo sa mas mataas na posisyon ang anak pagdating ng araw?

Thirty-five years old pa lang ngayon si Mayor Vico. Pagdating sa susunod na eleksyon sa 2028, siya ay kuwalipikado nang tumakbo bilang senador.

Sagot ni Vic, "E, it's up to him. Ang desisyon nasa kanya."

Kasunod nito ay sinabi ni Vic na ipinamalas ni Mayor Vico ang totoong kahulugan ng "good governance."

Saad niya: "May prinsipyo, may paninindigan, may political will, na good governance talaga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Yung totoong good governance, hindi yung kuwento-kuwentuhan na good governance.

"Yun ang ibig ko sabihin nun. Sana yung next president natin, e, someone like him."

Read: Vic Sotto explains "next president" declaration about son Vico

Dahil dito, isa si Mayor Vico sa naging batayan kapag napag-uusapan ang "good governance."

Ano ang masasabi ni Vic tungkol dito?

Pagmamalaki niya: "E, dapat lang. I mean, hindi naman sa pagyayabang, pero matindi yung napatunayan niya sa Pasig, e.

"Na kung gugustuhin ng ating mga leaders, na talagang sugpuin at puksain ang korapsyon ay kaya.

"Kailangan lang talagang manindigan ka.

"Kailangan talagang tumataas ang prinsipyo mo pagdating sa mabuting pamamahala."

Paano yan gayong last term na ni Mayor Vico sa Pasig?

Biro ng Eat Bulaga! host, "E, usap tayo after three years."

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Vic sa contract signing niya bilang bagong endorser ng PLDT Global's TinBo (Tindahan ni Bossing) app sa Alabang Country Club nitong nakaraang June 3, 2025.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Vic Sotto with PLDT Global President and CEO Albert Villa-Real during the contract signing at Alabang Country Club in Muntinlupa June 3, 2025.
Vic Sotto with PLDT Global President and CEO Albert Villa-Real during the contract signing at Alabang Country Club in Muntinlupa June 3, 2025.
Photo/s: PR Photo

Read: Vic Sotto explains "next president" declaration about son Vico

VIC SOTTO CLOSES DOOR ON POLITICS, HAPPY TO SERVE OFWS

Biniro ng PEP si Vic kung wala ba siyang balak sumabak sa pulitika.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Bukod kay Vico ay marami sa miyembro ng pamilya Sotto ang nasa politika, gaya ng nakatatandang kapatid ni Vic na si Tito Sotto na magbabalik sa Senado sa ikalimang pagkakataon.

Sagot niya, "Ay, hindi. Ako'y masaya na sa nakakatulong sa mga overseas Filipino workers."

Ayaw ba niyang matawag na senator?

Natatawang sabi ni Vic, "Ayoko. Okay na sa akin yung ano, bossing-bossingan, ganun."

Read: Vic Sotto clarifies Eat Bulaga! hosting stint of Tito Sotto

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Vic Sotto on son Mayor Vico Sotto: "Hindi naman sa pagyayabang, pero matindi yung napatunayan niya sa Pasig, e. Na kung gugustuhin ng ating mga leaders, na talagang sugpuin at puksain ang korapsyon ay kaya. Kailangan lang talagang manindigan ka."
PHOTO/S: Arniel Serato / Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results