PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Jiro Manio mulls Coco Martin’s offer to join Batang Quiapo

"Sabi niya kung okay na ako, sabihan ko raw siya."
by Melba R. Llanera
Published Jun 20, 2025
jiro manio invited by coco martin to join batang quiapo
Jiro Manio (main) confirms getting an invitation from Coco Martin to join the series Batang Quiapo, but says, "Di ko pa kaya ang pagod."
PHOTO/S: Melba Llanera/ @dreamscapeph on Instagram

Kinumpirma ni Jiro Manio na inalok siya ni Coco Martin na mag-guest sa ABS-CBN teleseryeng Batang Quiapo, pero tinanggihan niya muna ito.

Ayon sa former child star, hindi pa raw siya handang bumalik lalo't sumasailalim pa siya sa treatment mula sa pagkakalulong sa ipinagbabawal na gamot.

Ayaw rin daw niyang maulit yung nagawa niyang pagkakamali noon sa Tayong Dalawa, kung saan bigla na lang siyang di sumipot sa taping at inalis na lang ang kanyang karakter sa istorya.

Taong 2009 nangyari iyon.

Kasunod ng pagkakatanggal sa kanya sa serye, binitawan din siya ng Star Magic bilang talent.

Ekslusibong nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Jiro sa birthday celebration ng reporter at Philippine Movie Press Club (PMPC) board director na si Rommel Placente na ginanap sa Tower C ng Magnolia Residences Quezon City.

Ang kuwento ng 33-year-old actor: "Nagkausap kami ni Coco sa Indiing-Indie Festival, sabi niya kung okay na ako, sabihan ko raw siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Medyo pinag-iisipan ko pa, wala pa sa kagustuhan ng katawan ko.

"Nakausap ko ang family ko, ipasok ko raw ang sarili ko sa Batang Quiapo.

"Sabi ko, 'Di ko pa kaya ang pagod.' Saka natatakot ako na um-oo ako sa kanila tapos mangyari uli yung nakaraan na di ako pumunta. Baka mayari na naman ako.

"Gusto ko, pag totally back to normal na ako, saka ako babalik."

WHY JIRO MANIO IS NOT YET READY TO MAKE A SHOWBIZ COMEBACK

Marami raw ang nag-uudyok sa kanyang maging aktibo ulit sa showbiz, pero alam niyang dapat munang ayusin ang sarili bago sumabak ulit sa trabaho.

"Marami.ang nagsasabi, pero hindi nila naiintinidihan ang pinanggagalingan ko, yung pagod ko na hanggang ngayon, nasa akin pa rin.

"Kumbaga, mas gusto ko na ma-refresh ako nang mabuti bago ako bumalik sa pag-aartista.

"Wala naman sa ngayon, pero mga guesting, mga raket, mayroon naman."

Pero under medication pa raw siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa pagpapatuloy ng award-winning actor: "May treatment sa akin rehab, e. Bale, di pa tapos yung pagte-take ko ng medicine.

"Baka kasi magkaroon ng kumplikasyon pag nasabayan ng puyat, pagod, or work, mga ganun.

"Di ko alam kung hanggang kailan pero sa ngayon, regular pa rin yung pag-inom ko."

Read: Trans woman Kylie Celebre falls in love with trans man Jan Pablo

JIRO MANIO ON AI-AI DELAS ALAS

Isa sa mga tumulong kay Jiro para mas mapabuti ang lagay niya ay ang aktres na si Ai-Ai delas Alas.

Nagkatrabaho sila Ang Tanging Ina movies ng Star Cinema

Matatandaang sinimulang kupkupin ni Ai-Ai si Jiro matapos mapabalitang nagpalabuy-laboy ito sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 taong 2015.

Dalawang beses na ipina-rehab ng komedyana ang Magnifico star.

Una, sa Quezon City, kung saan siya nananatili sa loob ng isang taon noong 2015. Pangalawa, sa Bataan, kung saan siya nagpagamot ulit sa loob ng isang taon noong 2017.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Tinulungan din ni Ai-Ai ng i-locate ng anak-anakan ang kanyang biological dad sa Japan.

Taong 2020 noong umamin si Ai-Ai sa falling-out nila ng anak-anakan, na, at that time, nasangkot sa isang frustrated homicide complaint.

Nitong lamang October 2024 sila nagkita ulit noong naging guest si Jiro sa My Mother, My Story episode ni Ai-Ai.

Alam ba niya ang tungkol sa paghihiwalay ni Ai-Ai sa asawa nitong si Gerald Sibayan? May komunikasyon pa silang dalawa?

"Wala naman akong comment kasi nung nakaraan, dati nagkita na kami nun, okay naman, masayahin naman siya.

"Nalungkot din ako nung nabalitaan ko nagkahiwalay sila. Marami namang iba diyan.

"Communication? Sa ngayon wala na pero nagkita kami nung birthday niya, in-interview siya ni Tito Boy Abunda, yung sa Music Box.

"Okay naman, nagbatian kami, di naman galit sa akin. Saka wala naman akong dapat ikabahala.

"Bilib nga ako sa kanya kasi sa kabila ng mga nangyayari, masaya siya para sa akin dahil nagbabago na ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"May utang na loob ako sa kanya, tinulungan niya ako, at hanggang ngayon, nagbabago na."

Read: Kylie Padilla “heartbroken” over Amihan’s death in Encantadia

Bilang isang tao na sumailalim sa rehab sa loob na matagal na panahon, nagbo-volunteer daw si Jiro sa rehabilitation na tinuluyan niya sa Bataan.

"Pag pupunta ako, nagbo-volunteer ako. Nakakatulong din sa mga nagre-rehab dun, sa mga bagong pasok, nabibigyan sila ng inspirasyon.

"Tulad ako, nakikita nila ako, artista ako, kumbaga mas lalo silang nai-inspire na mas ayusin yung program nila dun, tapusin yung pagre-rehab.

"Saka bigay nila ang best nila kasi nakita nila nakatapos dun ako, e. Mahirap kasi, di basta-basta."

Ang kagustuhan na mabago ang buhay ang nagsilbing rason kung bakit nagdesisyon si Jiro na tuluyang talikuran ang paggamit ng pinagbabawal na gamot.

"Sa isip ko nag-umpisa,, naisip ko kung gagawin ko yun uli, babalik na naman ako.

"Mapapagod na naman ako, ako ang magke-carry over ng mga mahihirap na gawain.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Inunahan ko na ang isip ko bago ko naisip na mag-drugs uli.

"Isipin mo kung ano ang mga pinagpaguran mo dun.

"At saka ang family ko, umaasa sila na magbabago ako.

"Nung una kasi talaga, mahirap kasi pabalik-balik ako tapos itong nakaraan lang, siguro mga last two years ago, nag-going straight na ako."

Drug-free na raw siya ngayon.

"Wala na, tinigilan ko na , kusa na lang nawala sa akin.

"Parang hinawakan ng Diyos ang dibdib ko, 'Tama na, pagod ka na. Wag ka namg umasa sa mga masasamang bisyo. Panahon na para ipakita mo na kaya mong mabuhay sa sarili.mong mga paa.'"

Inamin din ng aktor na may anak siyang babae na 17 years old na ngayon.

"Anak? Mayroon, okay naman, nagkakausap naman kami. Seventeen na, dalaga na, nandun siya sa mother niya.

"Nagkakausap kami sa chat, sa messenger, nasa Quezon siya. Nakikita ko siya sa video call minsan, personal, may plano, pero saka na pag talagang naka-recover na ako."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kamakailan ay binigay ng Indin- Indie Film Festival kay Jiro ang Natatanging Aktor Ng Bansa award.

Napanood din siya kamakailan sa pelikulang Eroplanong Papel.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Jiro Manio (main) confirms getting an invitation from Coco Martin to join the series Batang Quiapo, but says, "Di ko pa kaya ang pagod."
PHOTO/S: Melba Llanera/ @dreamscapeph on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results