Ang construction worker mula sa Cavite na si Ricardo Cadavero o Cardong Trumpo ang hinirang na grand winner sa ikapitong season ng Kapamilya talent show na Pilipinas Got Talent (PGT).
Ngayong Linggo, June 22, 2025, naganap ang final showdown ng PGT kunsaan nagtapat-tapat ang walong grand finalists, kasama na si Cardong Trumpo.
Sa huling pagkakataon, isa-isa nilang ipinakita ang kanilang talento sa panel of judges na binubuo nina Kathryn Bernardo, Freddie M. Garcia (FMG), Donny Pangilinan, at Eugene Domingo.
Read: Eugene Domingo reveals Kathryn's role in her stint as PGT judge
Sa huli ay nanaig ang talentong pagpapaikot ng trumpo ni Cardong Trumpo.

Ang trumpo ay isa sa mga tanyag na sinaunang laruan sa Pilipinas.
Yari ito sa kahoy na hinugis pabilog at ang isang bahagi ay bahagyang kinortehan ng patulis na nagbibigay rito ng hitsurang parang itlog.
Mula sa patusok na bahagi ay may pako na nakabaon. Ang dulo ng pako ay hinahasa at pinapatulis.
Gamit ang isang metrong tali ay napapaikot ng isang manlalaro ang laruang ito.
Read: Kathryn Bernardo reacts to "Daniel Padilla look-alike" on PGT
PGT season 7 WINNERS
Nang pagsamahin ang judges' score at online votes, nakuha ni Cardong Trumpo ang halos perpektong score na 99.5 percent.
Dahil dito, siya ang nakakuha ng grand prize na two million pesos.
Second place naman ang LGBTQIA+ (lesbian, gay, bisexual, transgender, queer, Intersex, and asexual) dance crew na Femme MNL.
Naiuwi nila ang PHP150,000, makaraang makapagtala ng 50.4 percent combined votes.

Habang PHP100,000 naman ang napanalunan ng third placer na Carl Quion dahil sa score niyang 47.8 percent.

Halos hindi makapaniwala si Cardong Trumpo sa kanyang pagkapanalo at pagkahirang bilang PGT Season 7 grand winner.
Mangiyak-ngiyak niyang sabi: "Ang pangarap ko lang po [noon] yung isang kilong bigas ay magkasya sa tatlong beses sa isang araw. Pero ngayon sobra-sobra po yung binigay niyo sa akin.
"Lord, thank you."

