PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Kathryn Bernardo reacts to "Daniel Padilla look-alike" on PGT

An observation from a netizen: "Naka-move on na talaga siya."
by Khryzztine Joy Baylon
Published Apr 14, 2025
Kathryn Bernardo reacts to Daniel Padilla look-alike on PGT
Kathryn Bernardo (center) looks amused after Pilipinas Got Talent co-judge Freddie M. Garcia (not in photo) points out that a PGT contestant (right) looks like her ex-boyfriend Daniel Padilla (left).
PHOTO/S: Screengrab ABS-CBN Entertainment on YouTube

Natawa na lang si Kathryn Bernardo nang mabanggit ang pangalan ng kanyang ex-boyfriend na si Daniel Padilla sa Pilipinas Got Talent (PGT) Season 7.

Sa episode ng PGT nitong Linggo, April 13, 2025, isang contestant ang nagngangalang Raymart Pandalan ang napansin ni Freddie (FMG) Garcia na kahawig daw ni Daniel.

Sina FMG at Kathryn ang dalawa sa panel of judges ng PGT.

Pagkaharap na pagkaharap pa lang ni Pandalan sa PGT judges ay napansin na agad siya ni Kathryn.

"Para kang si Ronnie no, Ronnie Alonte," bungad ni Kathryn.

Kapwa Kapamilya star ni Kathryn si Ronnie.

Read: Kathryn Bernardo, most desirable Pinay ngayon?

Um-acting si Pandalan na kunwa'y magwu-walk out sa hiya, pero halatang masaya si Pandalan sa paghalintulad sa kanya ni Kathryn sa isang artista.

Kung Ronnie ang tingin ni Kathryn kay Pandalan, ibang katauhan naman ang nakikita ni FMG.

Bago magsimula sa kanyang act si Pandalan ay may pahabol na tanong si FMG sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Saad ni FMG, "May isang tanong lang ako. Kamag-anak mo ba si Daniel Padilla?"

Sa gilid ni FMG ay makikita ang reaksiyon ni Kathryn nang mabanggit ang pangalan ng kanyang dating nobyo na si Daniel. Sinabayan pa ito ng matinding sigawan ng studio audiences.

Kathryn Bernardo reacts to Daniel Padilla look-alike on PGT
Netizens spot Kathryn Bernardo’s (right) expression as FMG (left) mentions Daniel Padilla.
Photo/s: Screengrab Pilipinas Got Talent on YouTube
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Natatawang sabi ni Kathryn kay FMG, "Ronnie nga sabi ko. Ronnie."

Sabay sumang-ayon si Kathryn kay FMG.

Komento ni Kathryn, "Hair? Same hair. Incognito."

Ang Incognito na sinasabi ni Kathryn ang bagong pinagbibidahang teleserye ngayon ni Daniel.

Read: Richard Gutierrez shrugs off "cheaters" label on Incognito cast

Gaya ng karakter ni Daniel sa Incognito, naka mullet-style haircut din kasi si Pandalan kaya napansin ni Kathryn ang pagkakahawig ng kanilang buhok.

NETIZENS REACTION

Mabilis na nag-trend sa TikTok ang video clip na makikita ang reaksiyon ni Kathryn nang mabanggit ang pangalanan ni Daniel.

Marami sa netizens, partikular na ang KathNiel fans, ang natuwa.

Komento ng isang KathNiel fan sa video na ini-upload ng ABS-CBN (published as is), "Umaasa parin talaga ako sa kathniel until now grabe ngiti ni Kathryn Bernardo nung mabanggit si Daniel Padilla."

Sabi naman ng isa, "To think na kaya niya na banggitin ang name ni Daniel ng diretso it means naka-move on na talaga siya. Parang wala nang pain at na-accept na ni Kath."

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Read: Kathryn Bernardo names her first-ever crush

May iba pang nagsabi na tila nakasubaybay si Kathryn sa Incognito dahil alam na alam daw ng aktres ang look ni Daniel sa serye.

Sabi ng isa pang netizen, "Incognito pa nga, halatang nakasubaybay si Kathryn."

Dagdag pa ng isa (published as is), "wow, my kathniel heart. nanonood sguro to si kath sa Incognito, alam na alam e."

Read: Kathryn Bernardo admits to experiencing quarter-life crisis

KATHRYN-DANIEL CONTROVERSIAL BREAKUP

Noong November 30, 2023, sa pamamagitan ng magkahiwalay na statement, kinumpirma nina Kathryn at Daniel na nagwakas na ang labing-isang taon nilang relasyon.

Read: Kathryn Bernardo confirms breakup with Daniel Padilla

Read: Daniel Padilla on Kathryn Split: Love Endures

Nabaling kay Daniel ang sisi sa nangyaring hiwalayan.

Diumano, nagkaroon si Daniel ng lihim na ugnayan sa aktres na si Andrea Brillantes, na naging mitsa sa hiwalayan ng couple.

Read: WHAT PEP KNOWS: Kathryn Bernardo discovers Daniel Padilla cheated on her from Andrea Brillantes herself—sources

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nadikit din noon ang pangalan ni Daniel sa iba pang mga babae, gawa ng cryptic post ng kapatid ni Kathryn na "WE KNOW WHAT YOU DID LAST SUMMER."

May mga naghinalang may kinalaman iyon sa diumano'y pagtataksil ni Daniel kay Kathryn.

Hindi nagkomento sina Kathryn at Daniel noong kasagsagan ng isyu, at wala rin silang inihayag na tunay na dahilan ng kanilang breakup.

Read:

Sa kabila ng kanilang masalimuot na hiwalayan, inamin ni Kathryn na wala siyang pinagsisihan na makasama si Daniel ng labing-isang taon.

Sinabi niya ito sa Boy Abunda sa Fast Talk With Boy Abunda ng GMA-7 noong October 28, 2024.

Read: Kathryn Bernardo, Karla Estrada cross paths at ABS-CBN Ball

Tinanong kasi ni Boy si Kathryn kung may maipapayo siya sa kanyang younger self para hindi na nito maranasan pa ang sakit na pinagdaanan niya sa love story nila ni Daniel.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sabi ni Kathryn: "You know, nothing. I don’t regret anything.

"Ayoko siyang pangunahan. I want you to experience all the happiness, all the pain.

"Feeling ko maraming magkukuwestiyon nun, but it was eleven beautiful years...

"Kung ano yung nakikita niyo sa akin ngayon, ang laking part ng eleven years na yon.

"So, kung nandiyan si little Kath, sasabihin ko, 'You know, ayaw kitang pangunahan. I want you to experience all these emotions, all these things, kasi it’s gonna be a big part of your growth.'"

Read: Kathryn Bernardo now ready to fall in love again

Sa ngayon ay marami ang nali-link kay Kathryn.

Ayon sa ina ni Kathryn na si Min Bernardo, nananatiling single ang kanyang anak kahit marami raw ang lumiligaw sa dalaga.

Read: Min Bernardo says Kathryn has many suitors but remains single

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kathryn Bernardo (center) looks amused after Pilipinas Got Talent co-judge Freddie M. Garcia (not in photo) points out that a PGT contestant (right) looks like her ex-boyfriend Daniel Padilla (left).
PHOTO/S: Screengrab ABS-CBN Entertainment on YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results