PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Daniel Miranda reveals he was blocked by Sofia Andres on IG

Daniel Miranda: "Binlock niya ako!"
by Bernie V. Franco
Published Jun 25, 2025
Daniel Miranda, Sofia Andres
Daniel Miranda sheds light on being "unfollowed and blocked" by Sofia Andres on Instagram: "Ganyan siya pag nagagalit, unfollow."
PHOTO/S: Kuan on One via ABS-CBN Entertainment

Nagpaliwanag ang racer na si Daniel Miranda ukol sa isyung pag-follow at pag-unfollow nila ni Sofia Andres sa isa’t isa sa social media.

Sina Sofia at Daniel ay kilalang magkarelasyon.

Mayroon silang five-year-old daughter, si Zoe.

Noong Marso 2025, naging laman ng mga balita ang pagpapakasal umano ng dalawa.

Walang kumpirmasyon o pagtanggi mula sa couple.

Sa interview nila sa digital Visayan talk show ni Melai Cantiveros na Kuan On One, na umere noong June 23, 2025, tinanong sina Daniel at Sofia tungkol sa kanilang buhay “mag-asawa.”

Walang ginawang pagtanggi rito sina Daniel at Sofia.

Read: RaWi claims second spot in Big 4 of PBB Celebrity Collab

DANIEL MIRANDA BLOCKED BY SOFIA ANDRES

Isa sa pinag-usapan at sinagot ng couple ay ang kanilang love-hate relationship sa social media.

Naiulat sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kamakailan ang pag-follow muli ni Daniel kay Sofia.

May recent posts ang dalawa sa kani-kanilang Instagram ng family picture, indikasyong maayos ang kanilang pagsasama.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Daniel Miranda follows back Sofia Andres on Instagram

Pero kung pagbabasehan ang mga naging pahayag ni Daniel sa panayam sa kanila ni Melai, hindi niya in-unfollow ang aktres sa social media.

Hindi rin daw siya in-unfollow ni Sofia kundi binlock siya nito kaya hindi lalabas na naka-follow sila sa isa't isa.

Ibinunyag ni Sofia na kapag nagagalit siya kay Daniel, ang una niyang ginagawa ay ina-unfollow o bina-block si Daniel sa Instagram.

Paliwanag niya, “Ako pa naman kapag tumaas ang temper ko, I block him, unfollow…”

Aminado si Sofia sa pagkukulang niyang ito, at tanggap na kailangan pa niyang magpaka-mature.

Hindi rin daw niya dapat ilabas ang personal na problema nila ni Daniel sa social media.

“Kasi ang mga netizen, sobrang updated sila kung sino yung nag-follow and yung nag-unfollow,” sabi ng aktres.

Hirit ni Daniel, “Yan ang problema niya.”

Sa kanilang pag-uusap, sinabi ni Melai na ang pag-unfollow ni Sofia kay Daniel ay indikasyon ng inis ng aktres.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dito na sumabat si Daniel.

Nilinaw niyang hindi lang unfollow ang sinapit niya sa karelasyon.

Paglilinaw ng racer: “Parang hindi lang unfollow yun. Hindi ako nag-a-unfollow. Binlock niya ako!

"So, wala akong option. Wala talaga akong option!”

Read: DJ Nicole Hyala remains unfazed amid thyroid cancer diagnosis

DANIEL TELLS SOFIA NOT TO POST THEIR RELATIONSHIP ISSUES

Sinabi ni Daniel na pinayuhan niya si Sofia na huwag nang ipaalam pa sa social media ang kanilang mga problema sa relasyon.

Saad niya: “I mean, of course, may misunderstandings talaga.

"Pero at the end of the day, sinabihan ko siya na, ‘Wag mo nang i-post. Mas maayos kung silent lang. Wag nang magkuwento, wag na yung cryptic posts. Kasi it’s nothing, di ba? Problema natin ito.’”

Dagdag ni Daniel, “Kayo lang din ang makaka-solve. Kami makaka-solve nito.

"Noon pa man, ganyan siya pag nagagalit, unfollow. But it’s okay."

Nagpaliwanag si Sofia na importante ang communication sa relasyon.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Bina-block daw niya si Daniel kapag pakiramdam niya ay "hopeless" na ang effort niyang makipag-communicate dito.

Sabi ni Sofia, “But pag nagagalit ako, block na agad, kasi it means I’ve tried my best to communicate.

“Pero, if sometimes, di siya mag-listen or something, for us, babae, nakakapagod din.”

Pero kabig din ni Sofia, “But you really have to be there just to have a complete family.

“Kailangan ko rin siyang ma-understand, not just my own emotion.”

Sa panig naman ni Daniel, bilang lalaki sa pamilya, kailangan niyang magsilbing magandang ehemplo sa kanyang anak at asawa.

Sabi niya: “Para sa akin, ang pinakaimportante talaga ay family.

“Of course, di ba, upbringing ni Zoe pinakaimportante.

“Bata si Zoe at nakikita niya yung paano si Mama at Papa…

“So, para sa akin, kailangan ko talagang… I gotta be the man of the family.

"Para makita ni Zoe na, ‘Si Papa at si Mama, sila ang examples ko. Iyan ang gusto ko.'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Kaya every miscommunication, every argument, aayusin ko para sa kanila.

“Di lang para kay Zoe, di lang para kay Sofia, pero para sa pamilya.”

Sa interview, inamin ni Daniel na si Sofia ang kanyang first girlfriend.

Sinabi rin nitong nakikita niya si Sofia bilang kanyang lifetime partner.

Read: Ivana Alawi addresses netizens tagging her as "homewrecker"

NETIZENS’ SUSPICION

Ang pagsasalita nina Sofia at Daniel ay paglilinaw sa unang nasulat na tila pag-follow ulit ni Daniel kay Sofia.

Naghinala ang netizens na may pinagdaraanan ang dalawa dahil, noong April 24, 2025, tila naka-unfollow sila sa isa’t isa sa Instagram.

Nahimasmasan ang fans nila nang mag-post nang sabay ang dalawa ng sweet photos nila pagsapit ng April 30.

Mas nakumbinsi ang netizens na maayos ang kanilang relasyon nang mag-post ng Mother’s Day greeting si Daniel kay Sofia noong May 11, 2025.

Read: Fifth Solomon reveals being diagnosed with bipolar disorder

Daniel Miranda posts pics with Sofia Andres on Mother's Day
Daniel Miranda posts pics with Sofia Andres on Mother's Day.
Photo/s: Courtesy: Instagram
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Daniel Miranda sheds light on being "unfollowed and blocked" by Sofia Andres on Instagram: "Ganyan siya pag nagagalit, unfollow."
PHOTO/S: Kuan on One via ABS-CBN Entertainment
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results