PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Pinoy Big Brother's Kuya answers questions in a rare interview

Kuya of PBB: "Hindi naman ako laging seryoso. Hindi naman ako robot."
by Arniel C. Serato
Published Jun 26, 2025
Kuya of PBB exclusive interview
Pinoy Big Brother's "Kuya" answers intriguing questions about the reality show in a rare interview.
PHOTO/S: Courtesy: Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition on Facebook

Sa isang pambihirang pagkakataon ay nagpaunlak ng panayam si "Kuya" ng Pinoy Big Brother (PBB).

Ang PBB ay ang sikat na reality show ng ABS-CBN na nagsimula noong 2005.

Sa loob ng 20 taon ay mayroon na itong 18 seasons, kabilang na ang kasalukuyang umeereng PBB Celebrity Collab Edition.

Si "Kuya" ang may-ari ng PBB house kung saan pansamantalang naninirahan ang napiling housemates.

PBB Celebrity Collab cover
Photo/s: Courtesy: Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition on Facebook
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kamakailan ay pumasok sa Bahay Ni Kuya ang beteranong broadcaster na si Rico Hizon upang kapanayamin ang marahil ay pinakasikat na boses sa bansa.

Sa tanong kung siya ba ay nagpapahinga, sagot ni Kuya, “Ako ay laging nakaabang sa aking mga housemates."

Read: RaWi claims second spot in Big 4 of PBB Celebrity Collab

ON PBB celebrity COLLAB EDITION

Patuloy pa rin daw si Kuya sa paggabay sa housemates ng PBB Celebrity Collab Edition sa loob ng kanyang bahay.

Paano pinipili ni Kuya ang kanyang housemates?

Sagot nito: "Pinipili ko ang housemates hindi lang basta sa indibidwal na pagkatao, kundi sila bilang isang grupo."

Pagdating naman daw sa pagbibigay ng payo, palagi itong ibinabase ni Kuya sa "individual experiences and emotional states of each housemate."

Aniya, “Ang mga payo ko ay base sa kung ano yung mga karanasan nila, kung ano yung nararamdaman nila, at kung ano yung kailangan nila.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pagdating naman sa tasks sa loob ng bahay, ibinabatay raw ito ni Kuya sa kakayahan ng bawat isa.

Saad niya, "Ang bawat task ay idinisenyo para subukin ang puso, character, at samahan.”

Ano naman ang pinakamalaking leksiyong naipamalas ng housemates sa ongoing na PBB Celebrity Collab Edition?

Aniya, “Generally, pakikisama, pakikitungo sa mga kasama, at pagtanggap sa pagkakaiba-iba.”

Ano ang ipinapayo niya sa housemates sa mga emosyunal na sitwasyon sa bahay?

Tugon niya, “Pinapaalala ko lang sa kanila kung ano yung halaga at kung ano yung totoong dahilan nila sa pagpasok nila rito sa bahay ko.”

Seryoso ba siya palagi?

Pabirong sagot ni Kuya, “Hindi naman ako laging seryoso. Hindi naman ako robot."

Ano ang magsisilbing legacy ni Kuya?

Mensahe ni Kuya, “Na marahil ang bahay ko ay bukas para sa lahat upang marami ang makaranas at makapagbago.”

Read: CharEs first duo to enter Big 4 of PBB Celebrity Collab Edition

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

LAURENTI DYOGI DENIES HE'S BIG BROTHER

Bagamat sikat na sikat ang kanyang pangalan, tanging boses lamang ni Kuya ang pagkakakilanlan sa kanya.

Wala siyang mukha.

Kaya malaking palaisipan sa masugid na tagasubaybay ng popular show ang katauhan sa likod ng boses ni Kuya, o kilala rin sa tawag na Big Brother.

Mula noong mga unang taon hanggang sa kasalukuyan, pinaghihinalaan pa ring ito ay walang iba kundi si Laurenti Dyogi, ang tagapamuno ng ABS-CBN TV Production at Star Magic.

ABS-CBN TV Production Head Laurenti Dyogi named as the new head of Star Magic last 2021.
ABS-CBN TV Production Head Laurenti Dyogi named as the new head of Star Magic in 2021.
Photo/s: ABS-CBN PR
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pero, paulit-ulit na itong itinanggi ni Direk Lauren sa kanyang interviews.

Sa panayam sa kanya ni Toni Gonzaga, dating host ng PBB, noong October 2021, muli niya itong pinabulaanan.

Saad ni Direk Lauren: "I’ve denied it. People will believe, people will not believe.

“I think the essence and I think the imprint that I left in the beginnings of... Big Brother, because I was the one, pag may kontrobersya, ako yung haharap.

"Tapos, I think Kuya is a good mimic, my intonation, my inflection because in the beginning, I was really the one in control, creatively in control.

"So malaki po talaga yung parte ng pagkatao ko na napupunta kay Kuya, at napupunta roon sa programa because I was the one in control."

"Baby" na din kung ituring ng direktor ang show.

Dagdag niya, "And at that time, it was really my baby. It was really what I breathed day in day out."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Pinoy Big Brother and its memorable real-life drama

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Pinoy Big Brother's "Kuya" answers intriguing questions about the reality show in a rare interview.
PHOTO/S: Courtesy: Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results