PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Maris Racal says Incognito "saved" her

Maris: "Making this series, making Incognito has saved me."
by Khryzztine Joy Baylon
Published Jun 27, 2025
Maris Racal says doing Incognito "saved" her
Maris Racal couldn’t help but get emotional as she thanked the people behind the scenes of the action-drama series Incognito.
PHOTO/S: Khryzztine Joy Baylon

Hindi napigilang maging emosyunal ng Kapamilya actress-singer na si Maris Racal habang nagbibigay-pugay at nagpasalamat sa mga cameraman, staff, at crew ng action-drama series na Incognito.

Ayon kay Maris, malaki ang naitulong sa kanya ng mga tao sa likod ng camera kung kaya't nagawa niya nang maayos at kapani-paniwala ang karakter niya bilang Gab Rivera.

Kaya naman wala raw ibang nararamdaman ang aktres kundi lungkot sa nalalapit na pagtatapos ng Incognito.

Mangiyak-ngiyak na pahayag ni Maris sa press conference ng Incognito: "Tiningnan ko yung mga cameraman natin ngayon, thank you sa bonding, sa friendship ninyo.

"Kung manonood kayo ng Incognito, kami yung mga astig tingnan, tough tingnan.

"But in reality, it’s the crew, the stuntmen, lahat ng tao sa creative aspect, lahat ng writers, sa business unit head namin, sa director namin, sa stunt choreographer namin, promo team namin.

"As in, sa kanila yung massive respect ko talaga, as in."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nitong Miyerkules, June 25, 2025, naganap ang finale press conference ng seryeng pinagbibidahan ni Maris kasama sina Daniel Padilla, Richard Gutierrez, Ian Veneracion, Kaila Estrada, Anthony Jennings, at Baron Geisler.

Maris Racal says doing Incognito
(L-R) Anthony Jennings, Richard Gutierrez, Daniel Padilla, Maris Racal, Kaila Estrada, and Baron Geisler during Incognito's finale press conference.
Photo/s: Khryzztine Joy Baylon
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Richard Gutierrez shrugs off "cheaters" label on Incognito cast

Bukod sa walang kapagurang pagtulong at pagsuporta sa kanyang karakter, natulungan din daw si Maris ng mga taong nakasama niya sa Incognito para malampasan ang mga personal na pinagdaanan niya sa buhay kamakailan.

Lumuluha niyang sabi: "Now that we’re saying goodbye, I just want to say that making this series, making Incognito has saved me.

"You have no idea how much it saved me and paano ako nag-grow as an actor.

"And salamat sa pagbigay sa akin ng role ni Gab Rivera."

Read: Maris Racal teases new song after cheating controversy

MARIS RACAL CHEATING CONTROVERSY

Bagamat hindi binanggit ni Maris ang pinagdaanan niya, mahihinuhang ang kanyang tinutukoy ay ang pagkakadawit niya sa hiwalayan ng dating magkasintahang Anthony Jennings at Jamela Villanueva.

Si Anthony ang ka-loveteam ni Maris.

Maris Racal says doing Incognito
Onscreen partner Anthony Jennings and Maris Racal at the Incognito finale press conference.
Photo/s: Khryzztine Joy Baylon
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Read: Jam Villanueva still in the process of forgiving Anthony, Maris

Noong December 3, 2024, kasagsagan ng taping at pagpu-promote ng Incognito, ay sumambulat sa social media ang nakakabulabog na Instagram posts ng ex-girlfriend ni Anthony na si Jamela.

Ito'y matapos niyang matuklasan na mayroong lihim na relasyon sina Anthony at Maris.

Bilang patunay, naglabas pa si Jamela ng screenshots ng palitan ng private messages nina Anthony at Maris, kabilang na rito ang ilang maseselang usapan nila.

Ito raw ang dahilan kaya nagdesisyon si Jamela na tapusin na ang halos pitong taon nilang relasyon ni Anthony.

Read: Anthony, Jamela, Maris: The unfinished tale of a messy breakup

Dahil dito, pinaratangan sina Maris at Anthony ng cheating o panloloko habang may kanya-kanya pa silang karelasyon.

Noong mga panahon kasing iyon ay karelasyon ni Maris ang Rivermaya vocalist na si Rico Blanco.

Read: Maris clarifies Anthony not involved in her breakup with Rico

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pagdating ng December 6, naglabas ng video ang ABS-CBN ng magkasunod na public apology nina Maris at Anthony.

Read: Maris Racal breaks silence after revelations of Anthony's ex

Dito ay inako ng dalawa ang kanilang pagkakamali at humingi ng tawad sa mga taong nadamay at nasaktan, lalo't higit kay Jamela.

Read: Anthony Jennings apologizes to Maris Racal, Jamela Villanueva

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Maris Racal couldn’t help but get emotional as she thanked the people behind the scenes of the action-drama series Incognito.
PHOTO/S: Khryzztine Joy Baylon
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results