PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Ice Seguerra “shattered” after Mommy Caring’s death

Ice Seguerra: "Kahit wala ka na, sa bawat awit at bawat letra, nandoon ka."
by Arniel C. Serato
Published Jun 28, 2025
Ice Seguerra feels shattered after Mommy Caring's death
Ice Seguerra: "I was looking forward to June 28, because ngayon yung drop ng 'Shelter of the Broken.' We’ve been preparing for today for months now. Pero siguro gano'n talaga ang buhay. Instead of feeling excited, my heart is shattered because my mama passed away the morning of June 27th."
PHOTO/S: Instagram

Labis-labis ang lungkot na nararamdaman ng singer/songwriter/concert producer na si Ice Seguerra matapos ang pagpanaw ng ina niyang si Caridad Yamson Seguerra, o mas kilala sa showbiz bilang si Mommy Caring.

Binawian ng buhay si Mommy Caring kahapon, June 27, 2025.

Read: Ice Seguerra mourns the passing of Mommy Caring

ICE SEGUERRA HER HEART SHATTERED AFTER MOM'S DEATH

Tila dobleng kalungkutan naman ang nararamdaman ni Ice sa pagkamatay ng ina. Ngayong araw kasi, June 28, ang pag-release ng bago niyang kantang "Shelter of the Broken."

Ang "Shelter of the Broken" ay isang indie pop ballad na magiging unang single sa ilalabas niyang bagong album na Being Ice.

"Shelter of the Broken," Ice Seguerra's new single.
Photo/s: Instagram
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa Instagram kagabi, isang madamdaming post ang ibinahagi ni Ice.

Hindi na raw kasi nahintay ng ina ang paglabas ng kanyang bagong kanta.

Saad niya, "I was looking forward to June 28 because ngayon yung drop ng 'Shelter of the Broken.'

"We’ve been preparing for today for months now.

"Pero siguro gano'n talaga ang buhay. Instead of feeling excited, my heart is shattered because my mama passed away the morning of June 27th.

"Hindi mo man lang nahintay, mama."

Gayunpaman, masaya na rin daw siya dahil kahit papaano ay narinig naman ng kanyang ina ang kabuuan ng album noong ginagawa nila ito.

Iniaalay rin ni Ice ang "bawat awit at bawat letra" ng kanyang mga kanta sa pumanaw na ina.

Aniya, "Pero happy ako kasi kahit papaano, narinig mo yung buong album bago ka nawala. Sinabi mong proud ka sa akin at nagandahan ka sa mga kanta. Napanood mo pa yung shoot namin ng lyric video.

"At kahit wala ka na, sa bawat awit at bawat letra, nandoon ka. Sa bawat pagsampa ng entablado, kahit hindi na makikita, alam ko, nasa puso kita.

"Ang hirap, mama. Tulungan mo akong kayanin ‘to, ha.

"Mahal na mahal kita."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
View this post on Instagram

A post shared by Ice Seguerra (@iceseguerra)

Nagpaabot naman ng kanilang pakikiramay ang ilang celebrities kagaya nina Angeline Quinto, Karylle, at Ara Mina.

Celebrities message of sympathies to Ice Seguerra

Nag-post na si Ice sa kanyang social media ng detalye ng wake ng kanyang ina.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Read: Female celebrity allegedly involved in case of missing sabungeros

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ice Seguerra: "I was looking forward to June 28, because ngayon yung drop ng 'Shelter of the Broken.' We’ve been preparing for today for months now. Pero siguro gano'n talaga ang buhay. Instead of feeling excited, my heart is shattered because my mama passed away the morning of June 27th."
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results