Labis daw ang pagkadurog ng puso ni Alfred Vargas dahil sa pagpanaw ng kanyang longtime manager na si Lolit Solis.
Pumanaw ang beteranang showbiz columnist at showbiz talk-show host dahil sa acute coronary syndrome noong July 3, 2025.
Siya ay 78.
Read: Lolit Solis, talent manager and showbiz columnist, dies at 78
ALFRED VARGAS SAYS HIS HEART IS TOTALLY BROKEN
Sa Instagram noong July 5, nagpaliwanag si Alfred kung bakit natagalan ang kanyang post tungkol sa yumaong manager.
Durog na durog daw kasi ang kanyang pakiramdam dahil sa pagyao ni Lolit.
Bukod sa nawalan daw siya ng nanay, nawalan din siya ng kaibigan, ninang, tagapayo, at tagapagtanggol.
Saad ni Alfred: "My heart is totally broken. I feel like nawala ang isang malaking bahagi ng buhay ko.
"Ngayon ko lang nakayanan magpost.
"Nawalan ako ng Nanay. Nawalan ako ng kaibigan. Nawalan ako ng Ninang.
"Nawalan ako ng tagapagpayo, mapacareer man o personal.
"Nawalan ako ng tagapagtanggol. Nawalan ako ng manager."
Lagpas dalawang dekadang tumayong manager ni Alfred si Lolit.

Tiwala lamang daw sa salita ng isa't isa ang kanilang pinanghawakan.
Dagdag ni Alfred: "21 years tayong magkasama, Nay Lolit. Walang kontrata.
"Just our word of honor at pagmamahal ang pinanghawakan natin through our meaningful years together.
"Bihira ang ganitong pagsasama. Through thick and thin talaga."
Si Lolit din daw ang laging umaalalay sa kanya tuwing down na down siya.
Itinuring daw siya nitong tunay na anak.
Saad ni Alfred: "You believed in me when many didn’t. You were always honest with me and made sure I improved my craft and character.
"You picked me up when I was down. You helped me become stronger. You treated me like your own child.
"Mahal na mahal kita, Nay Lolit. Sobrang mamimiss kita. Isa lang ang LOLIT SOLIS. Isa lang! Rest in peace, Nay.
"#lolitsolis #rip #restinpeace #restinpower"
View this post on Instagram
Nauna na ring nagbahagi ng kanilang hindi makakalimutang karanasan kay Lolit ang iba pa niyang naging alaga na sina Bong Revilla, Pauleen Luna, at Yasmien Kurdi.
Read: Bong, Pauleen, Yasmien pay tribute to talent manager Lolit Solis
