PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Vice Ganda teases Shuvee and Fyang about "best PBB batch"

Shuvee: "Kuya... lahat ng edition, e, magagaling at magaganda."
by Khryzztine Joy Baylon
Published Jul 16, 2025
Vice teases Shuvee and Fyang about "best PBB batch"
Vice Ganda (center) asks PBB Celebrity Collab Edition ex-housemate Shuvee Etrata (right) "Who's the best PBB batch?" in front of PBB Gen 11 Big Winner Fyang Smith (right).
PHOTO/S: Screengrab ABS-CBN Entertainment on YouTube

Hindi nakaligtas ang Pinoy Big Brother (PBB) alumna na sina Shuvee Etrata at Fyang Smith sa pagbibiro ni Vice Ganda.

Kahapon, July 15, 2025, naging guest co-host si Shuvee sa Kapamilya noontime show na It's Showtime, partikular na sa segment na "Escort of Appeals."

Si Fyang at ang ka-loveteam niyang si JM Ibarra ay mga hurado naman para sa nasabing segment.

Vice teases Shuvee and Fyang about
PBB alum Fyang Smith (right) and JM Ibarra (left).
Photo/s: Screengrab ABS-CBN Entertainment on YouTube
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sina Shuvee, Fyang, at JM ay pare-parehong naging housemates sa PBB sa magkakaibang edition.

Sina Fyang at JM ay bahagi ng PBB Gen 11 noong 2024. Si Fyang ang hinirang na Big Winner habang na-evict naman si JM bago ang Big Night.

Read: Fyang Smith is PBB Gen 11 Big Winner

Si Shuvee ay kabilang sa housemates ng katatapos lamang na PBB: Celebrity Collab Edition, ang kauna-unahang pagsasanib-puwersa ng ABS-CBN at GMA Network pagdating sa produksiyon ng reality show.

Hindi nakaabot si Shuvee at ang ka-duo niyang si Klarisse de Guzman sa Big Night.

Read: Shuvee Etrata fulfills dream of becoming a PBB housemate

VICE TEASES SHUVEE

Bago mag umpisa ang "Escort of Appeals" ay pinuri ni Vice ang taas ng energy ni Shuvee sa paghu-host.

Hirit ni Vice, "Hay naku, ginagalingan ni Shuvee, parang gusto niyang ano, patotohanan kay Fyang na yung batch nila ang mas magaling kaysa sa batch nila Fyang."

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Hindi naman napigilang mapahagikhik sa tawa ang mga co-host nina Vice at Shuvee na sina Kim Chiu, Vhong Navarro, Jhong Hilario, Jugs Jugueta, at Teddy Corpuz.

"Naku ha, Shuvee, who's the best PBB batch?" dagdag pa ni Vice.

Panggagatong naman ni Vhong, "Best batch? Alam mo kung sino? Kay Kim Chiu daw."

Natatawang iwas naman ni Kim, "Hoy wala akong sinabi."

Si Kim Chiu ang Big Winner sa kauna-unahang PBB Teen Edition noong 2006.

Read: Pinoy Big Brother Teen Edition 1 housemates: Where are they now?

Hindi roon natapos ang pagbibiro kay Shuvee dahil pinakausap sa kanya si "Kuya," na boses ng co-host nilang si Jhong.

Tanong ni Jhong bilang Big Brother, "Shuvee, gusto ko lang tanungin sa iyo, sino ba talaga sa inyo ang pinaka?"

Naitawid naman ni Shuvee ang tanong sa kanya ni "Kuya."

Sagot ng Kapuso actress: "Hindi ko alam, Kuya, kasi marami naman kaming [brand deals na].

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Joke lang, pero sabi raw ng iba, successful man daw ang PBB: Celebrity Collab Edition.

"Pero para sa akin, Kuya, lahat ng mga housemate mo, lahat ng edition, e, magagaling at magaganda."

Vice teases Shuvee and Fyang about
Shuvee Etrata was part of PBB: Celebrity Collab Edition.
Photo/s: Screengrab ABS-CBN Entertainment on YouTube

Read: Mika Salamanca donates PHP1M PBB prize to orphanage

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa isang anggulo ng camera ay makikita naman ang pagsang-ayon ni Fyang sa sinabi ni Shuvee na kanyang pinalakpakan.

THE BATTLE OF PBB BEST BATCH

Ang isyung "PBB best batch" na binanggit ni Vice ay nag-ugat sa naging pahayag ni Fyang kamakailan.

Read: PBB: Celebrity Collab Big Night highlights

Sa viral video ni Fyang, pabiro niyang sinabing kahit ilang edisyon pa ng PBB ang dumaan ay wala raw makakatalo sa batch nila.

Ayon sa netizens, noong April 6, 2025, kuha ang viral na video ni Fyang sa ginanap na fan meeting ng former housemates ng PBB Gen 11.

Putol daw ang kumalat na video kaya hindi malinaw ang buong konteksto ng sinabi ni Fyang.

Pero narito ang buong pahayag ni Fyang sa kanilang fan meet:

"Alam mo, kahit ilang batch pa yan, walang makakatalo sa batch namin. Hello, Gen 11. Breaking, highest [concurrent views], hello?

"Hindi, joke lang. Kaya walang makakatalo sa batch namin kasi lahat kami very genuine, very authentic.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Akala nga namin walang nanonood, kaya lahat kami ganun mga ugali namin, di ba, pagpasensiyahan niyo na.

"Well, para sa amin lang yun na walang [makakatalo], siyempre batch namin yun e."

Read: Pokwang reminds PBB Gen 11 Big Winner Fyang Smith to "be humble"

Sa tala ng ABS-CBN, nananatiling record breaking ang Big Night ng PBB Gen 11 makaraan nitong makapagtala ng 2.26 million concurrent views.

Mas malaki ito kumpara sa mga nagdaang edisyon, maging ang Big Night ng PBB: Celebrity Collab Edition na nakapagtala lamang ng 1.5 million concurrent views.

Ang kaibahan lamang, ang PBB Gen 11 ay hindi ipinalabas sa free TV.

Samantalang ang PBB: Celebrity Collab Edition ay napanood sa GMA-7, kaya hindi matiyak kung ano ang bilang ng nanood ng Big Night nito.

Read: BreKa hailed Big Winner Duo of PBB

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Vice Ganda (center) asks PBB Celebrity Collab Edition ex-housemate Shuvee Etrata (right) "Who's the best PBB batch?" in front of PBB Gen 11 Big Winner Fyang Smith (right).
PHOTO/S: Screengrab ABS-CBN Entertainment on YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results