"Very strict!"
Ganito ilarawan ni Carmella Ford ang nakatatanda niyang kapatid na si Daniel Padilla pagdating sa pagdedesiyon sa kanyang personal na buhay.
Kung pagkukumparahin, masasabi raw ni Carmella na mas istrikto pa ang kanyang Kuya Daniel kaysa sa ina nilang si Karla Estrada.
Si Daniel ang panganay sa apat na anak ni Karla.
Ang tatlo pang kapatid sa ina ni Daniel ay sina Jose Carlito, Magui, at Carmella.
Read: Karla Estrada hurt by harsh words vs Daniel after KathNiel split
Kagaya na lamang ng kagustuhan ni Carmella na pumasok sa mundo ng showbiz.
Taon daw ang inabot bago niya napapayag si Daniel.
Ito ang ibinahagi ni Carmella sa pagpirma niya ng exclusive contract sa Star Magic, ang talent management arm ng ABS-CBN nitong Biyernes, July 25, 2025.

Ani Carmella, maraming bilin sa kanya si Daniel at ang ina nilang si Karla nang magdesisyon siyang pasukin ang mundo ng showbiz.
Read: Daniel’s song adlib sparks buzz amid Kathryn-Mark dating rumors
Bagama't nakakaramdam ng konting kaba, mas nanaig daw kay Carmella ang tiwala at suporta ng kanyang pamilya—lalo na nina Karla at Daniel.
Saad niya: "Of course, they were happy naman po and proud naman sila. But, yeah, sila Mama at Kuya, pinagsabihan lang din ako na hindi raw po talaga madali pumasok sa showbiz.
"So, if gusto ko raw po talaga, I really need to put one hundred percent effort, energy, and dapat gusto ko talaga.
"Si Kuya po kasi very protective and since naranasan na po niya rito lahat, wina-warning-an niya rin po ako.
"Ang advice lang naman po sa akin ni Kuya is magpakatotoo lang po ako. That's it, very simple lang po kasi si Kuya and very supportive lang din po siya sa akin."

Sundot na tanong kay Carmella, "Nag-yes ba agad si Daniel noong nagpaalam ka?"
Mabilis at natatawang sagot ng bunsong anak ni Karla, "Hindi po, pinilit ko po talaga si Kuya.
"Actually si Mama rin, tina-try niyang pilitin si Kuya kasi yun nga, very strict talaga si Kuya.
"Two years na po since yung first-ever Star Magic Games ko po. From there, pinipilit ko na po si Kuya until now.
"Nawalan na lang siya ng choice kasi nag-eighteen na ako."
Ang Star Magic Games na sinasabi ni Carmella ay noong 2023 nang mapasama siya sa mga koponan ng Star Magic Lady Spikers.
February 12, 2024, naman nang ipagdiwang niya ang kanyang ika-18 na kaarawan.
Read: Daniel Padilla thanks Kathryn Bernardo as he renews contract with ABS-CBN
Is Carmella ready to be part of a love team?
Dahil nagsisimula na si Carmella sa showbiz, hindi naiwasang itanong sa kanya kung handa ba siyang ipareha o i-love team sa mga kaedad niyang Star Magic actor.
Read: KathNiel: Box-Office Love Team Timeline
Sagot ni Carmella, "Love team? I mean, hindi naman po kasi ako yung nagde-decide kung bibigyan ako ng love team.
"Pero kung ayun po yung ibibigay sa akin nina Direk Lauren, why not? I'll get the opportunity," tukoy pa niya sa head ng Star Magic na si Lauren Dyogi.
Sabay hirit ni Carmella sa huli, "Pero sana pumayag si Kuya [Daniel]."
Sundot na muling tanong sa dalaga, "Bakit, ganun ba talaga ka-strict si Daniel?"
Sagot ni Carmella, "Yeah, gets ko na kahit wala po siyang sabihin, titignan lang niya ako nang ganun. 'Tapos, alam ko na yun, quiet na lang.
"Si Kuya, very strict siya kasi napagdaanan niya po lahat here, e, sa industry na ito.
"He knows there are ups and downs, and he’s just looking out for me."
Samantala, bukod kay Carmella ay kasabayan din niyang pumirma ng exclusive contract sa Star Magic sina Angelina Cruz, ang panganay na anak nina Sunshine Cruz at Cesar Montano; Michelle Garcia, ang panganay ring anak nina Patrick Garcia at Nikka Martinez; at Joaquin Arce, stepson ni Angel Locsin at anak ng mister niyang si Neil Arce sa nauna nitong karelasyon.
Opisyal na ring bahagi ng talent management si Iñigo Jose, anak ng aktor na si James Blanco; Christof Sommereux, anak ng mag-asawang Gladys Reyes at Christopher Roxas; Mitra sisters— sina Tasha, Ezri, at Julia, mga pamangkin ng singer na si Regine Velasquez; at Time to Dance grand winner na si Ice Almeria.
