PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Bianca de Vera says "yes" to Dustin Yu as his GMA Gala 2025 date

DustBia will walk together as a couple in GMA Gala 2025.
by Khryzztine Joy Baylon
Published Jul 30, 2025
Bianca de Vera says "yes" to Dustin Yu as his GMA Gala 2025 date
Dustin Yu surprises Bianca de Vera with a candle-lit setup and asks her to be his date to the GMA Gala 2025 — and she said yes!
PHOTO/S: Dustin Yu on Instagram

Isang matamis na "yes" ang natanggap ng Kapuso actor na si Dustin Yu nang alukin niyang maka-date ang Kapamilya actress na si Bianca de Vera sa GMA Gala 2025.

Ibig sabihin, magkasamang dadalo sina Dustin at Bianca sa GMA Gala na gaganapin sa Manila Marriott Hotel sa August 2, 2025.

Sina Dustin at Bianca ang naging final duo sa katatapos lang na Pinoy Big Brother (PBB) Celebrity Collab Edition.

Ang GMA Gala ang taunang selebrasyon ng GMA Network kung saan nagsasama-sama ang Kapuso stars, executives, at iba pang VIPs upang ipagdiwang ang mga tagumpay ng network, magbigay ng parangal, at suportahan ang charitable cause nito.

Read: Sandro Muhlach, dadalo ba sa GMA Gala 2025?

Sa Instagram nitong Martes, July 29, ibinahagi ni Dustin ang inihanda niyang romantic candle-lit dinner para kay Bianca.

Sa video, makikitang naka-blindfold si Bianca nang pumasok sila ni Dustin sa isang silid.

Nang tanggalin ang kanyang piring ay gulat na gulat ang aktres sa nakita niyang setup ng dinner nila ni Dustin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Are Dustin Yu and Will Ashley open to do a project with Bianca?

Sa kalagitnaan ng kanilang pagkain, inaya ni Dustin si Bianca na tumayo at pumunta sa bintana ng kanilang silid.

Dito na nakita ang letter LED light na "GALA?"

Bianca de Vera says
Photo/s: Dustin Yu on Instagram

May inabot ding sulat si Dustin sa aktres na binasa ni Bianca bago siya sumagot ng "oo" sa aktor.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Sa huli, isang mahigpit na yakap ang pinagsaluhan ng dalawa.

Bianca de Vera says
Photo/s: Dustin Yu on Instagram

May parte pa sa video na hinalikan ni Dustin si Bianca sa noo habang nakayakap sa kanya ang binata.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Did Bianca de Vera just "taping friend" zone Will Ashley?

Bukod sa video, ini-upload din ni Dustin ang mga kuhang litrato sa naging dinner nila ni Bianca.

"See you, [Bianca de Vera]," simpleng caption ng aktor.

Netizens React to Dustin’s Gala Proposal to Bianca

Ang gala proposal ni Dustin kay Bianca ay kinakiligan ng ibang kapwa nila celebrities, at lalo na ng kanilang fans na DustBia.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Komento ng best friend ni Dustin na si David Licauco (published as is), "Iva ka."

Hirit ng kapwa nilang ex-housemate na si Klarisse de Guzman, "Yun oh!!! lala!!"

Kinikilig na sabi ng isa nilang fan (published as is), "I'm gonna cry, I'm gonna cry, I'm gonna cry!!! Grabe ang nag iisang Dustin Yu!! Kudos paps. Soafer loverboy talaga!"

Sabi naman ng isa (published as is), "OMG, jusko hihimatyin na lang talaga kame dito paps sa kilig."

"As much we are dying sa chemistry ni Will at Bianca, but you got me in this Paps. Every girl, deserves real and genuine love," dagdag pa ng isa.

Ang "Will" na sinasabi ng isang fan ay ang kapwa Kapuso actor ni Dustin na si Will Ashley.

Read: Did Bianca de Vera just "taping friend" zone Will Ashley?

Si Will ay sini-ship din ng ibang fans kay Bianca dahil sa pagiging malapit nila bago pa man sila pumasok sa Pinoy Big Brother house.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Will Ashley addresses real score with Bianca de Vera

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Dustin Yu surprises Bianca de Vera with a candle-lit setup and asks her to be his date to the GMA Gala 2025 — and she said yes!
PHOTO/S: Dustin Yu on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results