Walang nakikitang problema ang Kapuso actor na si Dustin Yu kung magkasama silang tatlo nina Will Ashley at Bianca de Vera sa isang proyekto.
Sina Dustin, Will, at Bianca ay naging housemates sa katatapos lamang na Pinoy Big Brother (PBB): Celebrity Collab Edition.
Read: Dustin Yu, may nakaabang nang projects paglabas sa PBB
Hindi lingid sa kaalaman ng iba na parehong malapit sina Dustin at Will kay Bianca.
Si Dustin ang ka-loveteam at nauugnay ngayon sa Kapamilya actress.
Si Will naman ay nakatambal at nakatrabaho ni Bianca sa unang collab drama series ng ABS-CBN at GMA-7, ang Unbreak My Heart, noong 2023.
Read: Will addresses "love triangle" with Bianca and Dustin in PBB
Bagamat may nabuong magandang pagtitinginan sa loob ng PBB house sina Bianca at Dustin o DusBi, hindi pa rin nawawala ang mga nagsi-ship sa tambalan nina Will at Bianca o WillCa.
Read: Will clarifies viral hug with Bianca in PBB Big Night
Ito ang dahilan kung bakit hindi naiiwasang magbangga ang dalawang fandom sa social media.
Read: Kapuso Ashley and Kapamilya Bianca Love Team?
Dustin on a POSSIBLE project with Will and Bianca
Sa naganap na grand mediacon ng Kapuso PBB: Celebrity Collab Edition housemates sa Harolds Hotel ngayong Huwebes, July 17, 2025, tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Dustin kung kumusta ang samahan nila ngayon ng kapwa Kapuso actor na si Will.
Diretsahan din siyang tinanong ng PEP kung bukas ba siya sa posibilidad na gumawa sila ng proyekto ni Bianca, kasama si Will.

Mabilis na sagot ni Dustin: "Siyempre, oo. Straight to the point, oo naman.
"Kagaya nga ng sinabi ko kanina, lahat ng opportunities, e, iga-grab natin as long as approved by the management, ang Sparkle [GMA Artist Center]."
Kung saka-sakaling bigyan sila ng proyekto, tingin daw ni Dustin ay hindi na siya maninibago dahil nagkatrabaho naman na sila ni Will, halos dalawang taon na ang nakakaraan.
Ito ay sa Kapuso drama series na Mano Po Legacy: The Flower Sisters noong 2022.
Aniya: "Kami kasi ni Will, nag-work na kami together sa Mano Po, two years ago, I think.
"So, interesting din na mag-work kami ulit and now... is with Bianca naman, alam ko na maraming nag-aabang niyan.
"So, yeah, ite-take natin yung opportunity na yan and let's see kung anong mangyayari.
"But for now, sasabihin kong yes."
Read: Dustin Yu admits he was jealous of Will Ashley
Will looks forward to possible project with Dustin and Bianca
Dahil naroon din sa mediacon si Will, hindi pinalampas ng PEP ang pagkakataong hingan siya ng reaksiyon sa naging pahayag ni Dustin.

Ayon kay Will, kagaya ni Dustin ay bukas din siyang makatrabaho ito kasama ang dating kaparehang si Bianca.
Saad ng tinaguriang Nation's Son: "I’ve worked with Dustin and Bianca na rin and pareho ko silang friends, and masasabi ko talaga na very, very professional sila.
"So, looking forward talaga na makatrabaho sila ulit ngayon na nakalabas na kami sa Bahay Ni Kuya."
Read: Did Bianca de Vera just "taping friend" zone Will Ashley?
@pepalerts @Dustin Yu willing to work anew with @Will Ashley and loveteam partner @biancadeveraa #DustBi #DustBia #WillCa #PEPNews #NewsPH #EntertainmentNewsPH ? original sound - PEP.ph
Paglilinaw pa ni Will, masaya siya sa closeness at relasyong mayroon ngayon sina Dustin at Bianca.
Excited at looking forward din daw siyang makita ang growth ng dalawa hindi lang sa kani-kanilang sarili kundi maging sa kanilang mga career.
Sabi niya, "Excited ako na makita ang growth nila not just as a person but also sa craft nila.
"And, of course, gusto ko rin ma-share namin together yung craft namin, lahat ng iyon."
Read: Will Ashley reflects on his PBB Celebrity Collab journey
