Muli na namang nahaharap sa batikos online ang BINI member na si Jhoanna Robles.
Ito'y matapos niyang maghayag ng saloobin patungkol sa leksiyon na kanyang natutunan mula sa critically acclaimed film na Sunshine.
Read: BINI, Ethan David, Shawn Castro apologize for viral video
Nitong Miyerkules, July 30, 2025, nag-post sa Instagram Story si Jhoanna ng maikling movie review makaraan niyang dumalo sa special screening ng pelikula na pinagbibidahan ni Maris Racal.
Sa nasabing post ni Jhoanna ay pinuri niya ang Sunshine dahil sa pagtalakay umano nito sa usaping mental health.
Read: Maris Racal dazzles in Sampaguita gown at Berlinale 2025
Na kapag apektado ang mental health ng isang tao, maaari raw itong gumawa ng mga desisyong nakabatay sa pansamantala lamang na kaligayahan.
Kaya naman marapat lang daw na makiramdam tayo sa mga taong nakakasalamuha natin sa araw-araw dahil hindi natin alam kung may mabigat ba silang pinagdaraanan.
Pinuri rin ni Jhoanna ang ipinamalas na performance ni Maris sa Sunshine, at kung paano isinulat ng direktor na si Antoinette Jadaone ang kuwento ng pelikula.
Mababasa sa post ni Jhoanna: "Just finished watching Sunshine. A must-watch movie!
"Congrats po, direk Tonet Jadaone and thank you po for sharing this movie to everyone. Kailangan ito lalo na ng generation namin.
"And to ate Maris, napakahusay niyo po. You gave your whole heart to the role.
"I love how it tackled mental health, na kapag yan na yung tinitira, ang lakas-lakas na ng loob natin gumawa ng mga bagay na ikapapahamak natin.
"You never really know what someone's going through and it's really important to be more understanding of the silence, the sadness, and always try to lift others up with kind words.
"Sa mga katulad ni Sunshine (young moms), you are seen and you are strong.
"Strength isn't about being tough, it's about choosing to keep going kahit ang bigat-bigat na.
"Sa mga hindi, mag-isip nang mabuti. Huwag nating ipagpalit ang future natin sa pansamantalang happiness.
"Napakagandang pelikula po!"

Jhoanna’s take ON THE MOVIE draws MIXED REACTIONS
Umani ng magkahalong reaksiyon mula sa netizens sa X (dating Twitter) ang opinyon ni Jhoanna tungkol sa Sunshine.
Ayon sa ibang netizens na nakapanood na ng Sunshine, tila hindi raw naintindihan ni Jhoanna ang konteksto ng pelikula.
Naisantabi raw kasi sa review ni Jhoanna ang pangunahing mensahe ng Sunshine na tumatalakay sa safe sex, reproductive rights, at abortion.
Malumanay na pagpuna ng isang netizen (published as is): "Parang may mali miss Jhoanna parang mental health yung takeaway niya sa Sunshine when it tackled safe sex and abortion as healthcare. Sunshine's mental state in the movie is actually stable mhiema."
Ayon naman sa isa (published as is): "disappointed w/ bini jhoanna’s take on sunshine haha baka need ng bini ng overall situationer ng reproductive health and rights sa pinas. I can be a tribute po. Though sana naintindihan talaga niya ung movie and sana nag ingat lang siya? idk halatang anti-abortion ung stance."
Pagkukuwestiyon pa ng isa (published as is): "When I read her story my first thoughts were ‘did we watch the same movie???’"
Read: Sharlene San Pedro defends BINI against "maarte" accusations.
Kung may bumabatikos kay Jhoanna ay mayroon din namang nagtanggol sa kanya.
Kabilang na rito ang direktor ng Sunshine na si Antoinette Jadaone.
Depensa ng direktor, maaaring natakot si Jhoanna na magbahagi ng opinyon tungkol sa abortion kaya mas pinili nitong ilagay sa kanyang movie review ang tungkol sa mental health na napasadahan naman daw sa kanilang pelikula.
Post sa X ni Direk Antoinette (published as is): "i’m surmising these girls can’t just openly express opinions on abortion or other polarizing issues, so jho just shared whatever touched her most deeply in sunshine (she posted it just mins after watching, naiyak sila ng nanay nya).
“'the author is dead' kaya pag napanood nyo na, sa inyo na, kay jho na ang sunshine. :) salamat jho sa panonood at laging pag-support!!"
Pagtatanggol pa ng isang netizen (published as is): "I saw a post criticizing BINI Jhoanna's takeaway from the movie ‘Sunshine.’ Anong magagawa niyo kung yon ang takeaway niya???
"Pagdating sa 'takeaway' sa mga pelikula, or TV show o kahit na anong mateyal pa yan.. walang tama o mali. May kanya-kanya tayong perspective. Hindi mo pwedeng diktahan ang tao na tignan ang nakita mo kasi iba ang nakita niya."
BINI Jhoanna addresses criticismS ABOUT her take on the film
Nakarating kay Jhoanna ang mga negatibong reaksiyon ng ilang netizens sa kanyang rebyu sa Sunshine.
Sa pamamagitan ng isa pang Instagram Story, inihayag ni Jhoanna ang pagiging bukas niya sa pagtanggap sa constructive criticisms.
Aminado siyang hindi niya nailagay sa kanyang unang post ang nais ipahiwatig ng pelikula, na naging dahilan ng pagkuwestiyon ng ilang netizens.
Gayunpaman, inihihingi raw ito ng paumanhin ng dalaga.
Mababasa sa kanyang pahayag: "Before this goes further, I wasn't aware of the discussion on X, since I haven't been using it recently, and a friend just shared it with me.
"I appreciate the constructive feedback po. If my choice of words and how I posted Sunshine's experience came across differently than I intended, I sincerely apologize po.
"What I hoped to emphasize was the weight of societal pressure, how crucial support systems are, and how access to proper education can empower people to make informed, safe decisions for themselves, whatever those decisions may be.
"With that, I do understand po that my initial post didn't quite capture the heart of what the film was trying to convey especially given how deeply it tackles a much more personal and urgent issue that deserves to be approached with more care and clarity."
Read: Vice Ganda calls out "toxic" fans of PBB housemates
Sa huli, sinabi ni Jhoanna na mananatili siyang bukas sa iba't ibang diskusyon na makatutulong sa kanyang paglago.
Aniya, "I'm always open to thoughtful discussions and learning from different perspectives. Thank youuuu everyone."

