Paghingi ng tawad at pag-ako sa nagawang pagkakamali ang nilalaman ng inilabas na official statement ng K-pop girl group na BINI ngayong Huwebes ng gabi, May 8, 2025.
Kaugnay ito sa kumalat na video ng tatlong miyembro ng BINI—sina Jhoanna Robles, Colet Vergara, at Stacey Sevilleja—na pinagmulan ng akusasyong ginawa nilang katatawanan ang maselang isyu ng grooming at sexual abuse.
Read: BINI Aiah thanks bashers for encouraging them to strive harder
Nitong Miyerkules, May 7, mainit na pinag-usapan sa social media sina Jhoanna, Colet, at Stacey matapos mag-trending sa X (dating Twitter) ang video nilang kasama sina Ethan David at Shawn Castro.
Si Ethan ay miyembro ng P-pop boy group na GAT at kasali sa cast ng hit Viva One series na Ang Mutya ng Section E.
Si Shawn naman ay professional dancer at content creator.
Read: Bagong P-pop group GAT, proudly Filipino made
Sa nasabing video, makikita si Shawn na pumuwesto sa likuran ni Ethan. Umakting na sinasabunutan ito habang yumuyugyog ang gitnang bahagi ng kanyang katawan.
Ang tingin ng maraming nakapanood ng video, umaaktong nagtatalik sina Shawn at Ethan.
Habang ginagawa ito ng dalawa, makikita naman si Jhoanna, na nakaupo sa sofa, na humahagikhik ng tawa.
Maririnig din sa background ang boses ng pinaniniwalaang si Stacey, na ang sabi habang tumatawa rin: "Ganyan ginagawa niya kay Ashtine… sinasabunutan."
Hirit naman ng isa pang babae na hindi rin kita sa video ngunit, ayon sa netizens, ay kaboses ni Colet: "Oo, thirteen years old"
Hindi malinaw kung sino ang tinutukoy na "Ashtine" sa video.
Hindi rin malinaw kung kailan at saan kuha ang nasabing video.
Dahil sa videong kumalat, maraming netizens—partikular na ang fans ng BINI na tinatawag na Blooms—ang nadismaya sa inasal ng tatlong BINI members.
Ayon din sa netizens, ginawa raw katatawanan nina Jhoanna, Stacey, at Colet, at mangyari pa nina Ethan at Shawn, ang sensitibong usapin ng grooming at sexual abuse, lalo na't menor de edad daw ang Ashtine na kanilang binanggit.
Read: BINI members Jhoanna, Gwen graduate from senior high school
BINI issues OFFICIAL statement
Bunsod ng kaliwa't kanang batikos mula sa netizens at maging sa Blooms, naglabas ng official statement ang BINI kaugnay ng viral video.
Inako ng mga sangkot na miyembro na may mali silang nagawa at nasabi.
Ang nilalaman daw ng video ay isang "private moment" sa pagitan nilang magkakaibigan.
Wala raw silang intensiyong saktan ang sinuman at pinagsisisihan daw nila ang kanilang maling aksyon.
Mababasa sa pahayag ng BINI: "We know that the past couple of days have been triggering and disappointing for all of you. Sincerely, we understand where all of those feelings are coming from.
"The video shows a private moment of us with friends. We definitely did not intend to hurt anyone in the process. We offer no excuse for our actions, reactions, and choice of words. We take full accountability.
"Nagkamali kami.
"We deeply regret our mistake and sincerely apologize to our Blooms, friends, families, and the general public.
"We humbly ask for a chance to reflect on and learn from our mistakes and continue to work on becoming better versions of ourselves.
"Maraming salamat po sa inyong malasakit, suporta, at pang-unawa."
Bagamat tatlo lamang sa walong miyembro ang sangkot sa kontrobersiya, nakalagay ang lahat ng pangalan ng BINI members sa official statement.

ETHAN DAVID ISSUES PUBLIC APOLOGY
Naglabas din ng opisyal na pahayag si Ethan, sa pamamagitan ng Viva Artists Agency, ang talent-management group na nangangalaga sa kanyang showbiz career.
Katulad ng BINI, inamin at inako ni Ethan ang pagkakamali
Naiintindihan daw niyang naging offensive sa iba ang aksiyon niya sa video, at humihingi siya ng kapatawaran.
Nangako si Ethan na sa susunod ay mas pag-iisipan niya ang mga gagawin para hindi makasakit ng iba.
Mababasa sa kanyang pahayag: "Yesterday, a video was uploaded featuring myself with a group of people. In that video, I was shown making certain crude motions as a joke towards another person, and laughing about it.
"I want to begin by saying that I take full responsibility for my actions and I sincerely apologize for the unnecessary gestures I made.
"I understand how offensive my actions appeared, and as a person who wants to show only the best of myself, I let everyone down.
"Humihingi po ako ng kapatawaran sa mga nasaktan at nadisappoint sa akin. Nais ko pong ipahayag na malaki po ang respeto ko sa lahat ng tao lalong lalo na sa kababaihan, at anumang napakita kong kamalian sa kumalat na video ay hindi po sumasalamin sa mga pinahahalagaan ko bilang tao.
"Hinding hindi po ito mauulit.
"Once again, I sincerely apologize for what happened.
"I also want to thank everyone for pointing out the ways I can improve. I promise to take the time to educate myself about my behavior and further reflect on my character, in order to learn from this incident and to become a more sensitive, respectful and mature person."

SHAWN CASTRO'S STATEMENT
Ang isa pang sangkot sa isyu, si Shawn Castro, ay gumamit naman ng kanyang Instagram account upang humingi rin ng paumanhin sa publiko.
Gaya ng BINI at ni Ethan, umabot si Shawn sa paghingi ng kapatawaran sa mga nakapanood ng video.
Ngunit tiniyak niyang wala umanong menor de edad o sinumang nasaktan sa anumang paraan.
Hindi raw nila pinu-promote ang mga ganoong aksiyon.
Masyado lang daw silang naging komportable at masaya noong oras na iyon.
Nagpasalamat din si Shawn sa pagtawag sa kanilang atensiyon nang matuto raw sila sa pagkakamaling ito.
Buong mensahe ni Shawn (published as is): "Hello, everyone.
"First of all, we would like to apologize for the video circulating around. We apologize to everyone who got offended, triggered, or hurt in the actions seen in the said video.
"We can assure you that no minor, or anyone, was hurt physically, mentally, sexually, or in any manner. That short video was taken out of context. We do not promote those actions in any matter.
"Inaamin po namin na mali kami in so many ways with that joke. Masyado po kaming naging komportable at masaya sa mga ginagawa/sinasabi namin. Hindi po magandang biro yun, especially sa kung pano siya nakita sa nasabing video.
"Maraming salamat sa pagsabi ng aming mga pagkakamali at aware na po kami sa lahat ng ito. Natuto na po kami sa mga ito at hindi na po ito mauulit. Alam din po namin na hindi ito maliit na issue kaya we take accountability and responsibility for everything that was done.
"Muli, salamat po at sorry again for everything."

